IRIS' POV
"Ano daw ?" Ngangang sabi ni Angel. Pagkatapos magpakilala nila Kai na sila ang EXO K.
"Ipapaliwanag namin sa inyo kung bakit kami nandito sa planetang ito" sabi ni Suho. Yung leader nila. Kasabay non ay ang pagkawala ng isla at napunta na ulit kami sa dorm nila.
"Maupo muna kayo" magiliw na paanyaya ni Baekhyun. Umupo naman kami sa sofa nila sa pangunguna nila Angel at Jared na nagtutulakan pa.
"Nagumpisa ang lahat nung mga bata palang kami. Ipinadala kami dito nang mahal na haring Zareff na pinakapunong hari ng planetang EXO na siya ring ama ko." Paguumpisa ni Suho. So prinsepe pala siya.
" Ang EXO planet ay isang malayong planeta sa labas ng solar system. Binubuo ito ng labindalawang kaharian. Ang pinakapunong kaharian ay ang Water Kingdom. Ang natitirang mga kaharian ay ang Wind Kingdom, Fire Kingdom, Earth Kingdom, Teleportation Kingdom, Frost Kingdom, Light Kingdom, Kingdom of Telekenetics,Lightning Kingdom, Flight Kingdom, Time Kingdom at ang Kingdom of Healers. Each Kingdom has different roles in the Planet ayon sa mga pangalan ng mga kaharian. At kami bilang mga crowned princes ng aming Kaharian ay naatasan ng Hari ng Water Kingdom upang bantayan ang portal patungo sa tahanan ng mga Elemental gods and goddesses." Paglalahad niya pa. Ibig sabihin totoo nga ang sinasabi ni Kai dati na sa ibang planeta siya galing.
"Kahit mga bata palang kami noon ay ipinadala na kami ng Hari para dito. Namatay na kasi ang mga taga World of Magics na dating tagabantay ng portal. At dahil narin ayaw na ng aming planeta na magkaroon nanaman ng Dimensional war ay ipinadala niya kami para maging tagabantay. Sagrado ang Portal na iyon kaya hindi pwedeng may makapasok na iba maliban nalang sa isa." Pagtutuloy ni Kai.
"Ang tanging pinahihintulutan lamang ng mga dyos at dyosa na makapunta doon ay ang mga Elemental Mage na kayang kontrolin ang apat na elemento. At nanggaling ang dating Elemental Mage sa kaharian ng Elementalia kaya ganun na lamang ang galit ng tagaibang dimension at planeta sa Elementalia dahil mas pinapaburan sila ng mga dyos at dyosa. At dahil doon ay sumiklab ang pinakamalaking laban sa pagitan ng mga dimension." Sabi ni Chanyeol.
"Ibig sabihin dahil sa Elementalia kaya nagkaroon dati ng war sa ibat-ibang dimensyon?" Tanong ni Lyca.
"Oo, pero kahit ganun may naniniwala parin sa Elementalia tulad nalang ng World of magics at EXO planet. Wala namang ginagawang masama ang kahariang iyon. Malaki ang utang na loob namin sa Elementalia dahil tumulong sila sa pag-gapi sa mortal naming kaaway noon. Ganun din ang ginawa nilang pagtulong sa World of Magics nang talunin nila ang tinatawag na Dark King" sabi naman ni DO. Ang dami nilang alam sa mga nangyayari. Kahit mga bata palang sila ng pumunta dito ay iminulat na sa kanila ang magiging role nila sa planetang ito.
"At bilang mga tagapagbantay ng portal ay kailangan namin kayong mahanap upang matulungan kayo tha pagkawala ng kapanyarihan ng bagong elemental mage." Bulol na sabi ni Sehun.
"Paanong pati ang pagkawala ng kapangyarihan ko ay alam niyo?" Tanong ko.
" Dahil sa mga taga Zordah. Isang maliit na planeta sa hilagang galaxy. Ang mga tao doon ay may kakayahang makita ang mga mangyayari sa hinaharap. Ipinabatid nila sa amin na balang araw ay mawawala ang natatanging kapangyarihan ng elemental mage." Sabi ni Baekhyun. Talaga palang ako lang ang hinihintay nila. Nakakalungkot isipin na ipinadala sila dito para lang bantayan ang portal na gagamitin ko. Ako nanaman ang dahilan.
-
Hanggang sa pagtulog ay iniisip ko parin yung mga sinabi nila sa amin. Nagawa ko pang magalit kay Kai dahil sa ginawa niya dati, ang hindi ko alam ay labis rin siyang nasasaktan noon dahil maaga silang nawalay sa kanilang mga magulang. Nalaman rin namin kanina na lahat sila ay mga prinsepe ng planeta nila. Si Kai ay sa Teleportation kingdom. Si Sehun ay sa Wind Kingdom. Si DO sa Earth Kingdom, Chanyeol sa Fire Kingdom at si Baekhyun ay sa Light Kingdom. Meron pang anim na prinsepe silang hinihintay para mabuksan nila ang portal. Yung hinihintay nila ay ang EXO M na kasalukuyang nasa China para daw sa promotion ng kanilang mini album. Nakakatuwa ng kinwento nila sa amin kung bakit sila naging artista.
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings