Iris
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naluluha ako sa isang dahilan, may hindi magandang nangyari sa Elementalia. Nararamdaman ko ang mga nangyayari sa kaharian at sigurado akong hindi mabuti ang naging resulta ng laban. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Si Jake.
"Don't cry. Everything's gonna be alright" pagpapatahan niya.
"Jake, please take care of my siblings." Sabi ko sa kanya. Humiwalay siya sa yakap at tumingin sa akin na nakakunot ang noo. I smiled at him. Bago ako nagteleport papuntang Elementalia.
Halos hindi ko na makilala ang kaharian dahil sa dami ng pinsalang natamo nito sa labanan. Marami pang nakikipaglaban na sundalo ng Elementalia at iba pang mga sundalo na hindi ko alam kung saan galing. Tinignan ko ang paligid mula dito sa taas, ginamit ko ang Air magic ko para lumipad. Ang dami ng namatay, hindi ko maiwasang maging malungkot dahil sa nakikita ko. Pumikit ako ng mariin at nang binuksan ko ang mga mata ko alam kong nakapagdesisyon na ako sa gagawin kong ito. Hindi ako papayag na muli nanamang magkaroon ng ganitong klaseng gulo sa Elementalia at World of magics. sa gagawin kong ito alam kong mas lalakas ang pwersa ng mga white mages at Elementalians. Dalawang uri na magiging isa. Ito lang ang solusyon para hindi na makapasok ang kasamaan sa dalawang mundo. I will be their shield and light.
Nagteleport ako papunta sa palasyo at doon ko nadatnan ang mga Hari ng EXO planet sa open field na nakikipaglaban sa limang tao. Sila yun, ang mga hari at reyna na kasama sa Elite Kingdom. Napatingin sila sa gawi ko ng may bakas na gulat sa mga mukha nila.
"Prinsesa" dinig kong sabi ng isa sa mga hari ng Elite kingdoms. Siya iyong nakita ko sa pangitain; Dracon Andromeus. I clenched my fist. Katabi niya ang isang babae na tinignan ko ng masama pero nakangisi lang siya. Sisiguraduhin kong ngayon ka na lang makakangiti ng ganyan. Lumapit sa akin ang ama ni Suho.
"Tinutulungan na nila Cross at ang mga prinsepe ang Hari" sabi niya. Alam ko ang bagay na iyon. Simula ng lumabas ang bago kong kapangyarihan may mga imahe na akong nakikita from the past. Sa ngayon palabas na ng palasyo sila Cross. Nararamdaman ko ang mahinang pagdaloy ng kapangyarihan sa mga katawan nila. Napansin ko ang paglabas ng enerhiya sa katawan ko, maging sa mga hari ng EXO planet. Nakita ko ang babaeng iyon na nakangiti habang hinihigop ang enerhiya namin. Iyan ang ginamit niya para matalo si Dad nang maglaban sila. Ikaw ang uunahin ko Mahal na Reyna Frances. Ngumisi ako sa kanya na nakapaggulat sa kanya. Unti-unti ako lumapit sa kanya dahilan para maging alerto siya at ang iba pa niyang kasamang hari at reyna.
"Prinsesa Iris" pagpipigil sa akin ng hari ng EXO planet.
"I can handle this King Zareff" sabi ko sa kanya.
Napansin ko ang pagkairiti ni Reyna Frances dahil sa sinabi ko. "Die" sabi ko sa kanya at agad na nagcast ng isang ancient spell.
Divine Light of Justice
Nagkaroon ng isang Arcane circle sa kinatatayuan niya at lumiwanag. Dinig na dinig ko ang sigaw niya dahil sa sakit. Divine Light of Justice isang uri ng Divine magic na ginagamit para sa mga taong nagkasala sa caster. Ilang sandali pa ay nakahandusay na ang sunog niyang katawan. That's for making my Dad suffer.
Tinignan ko isa-isa ang apat na natira. Napako ang tingin ko sa Hari ng Naturia. Taksil.
Kinumpas ko ang hawak kong staff at tinutok sa kanya. Nahintakutan siya dahil sa ginawa ko.
"Princess" Cross? Tinignan ko siya. Agad na lumambot ang ekspresyon ko dahil sa nakita kong kalagayan ni Dad. Puro sugat ang katawan niya. Dali-dali akong pumunta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings