Chapter 15: Air Kingdom; The Air Guardian Princess

25.9K 624 30
                                    

"Teka prinsesa ka?"naguguluhan kong tanong kay Eliza. Ngumiti lamang siya.

"Siya ang Legendary princess ng Air Kingdom. Isa siyang crowned princess na kasama sa Miracle 5." paliwanag ni Jake. Nakita niya sigurong naguguluhan ako sa mga nangyayari. Pero ano naman ang Miracle 5 na yun?

"Ang Miracle 5 ay ang grupo ng mga elemental holder na tumalo sa Dark King matagal na panahon na ang nakakalipas. They are the crowned princes and princesses of the four Kingdoms in the World of Magics.. At isa si Princess Aerith sa grupong iyon" pagtutuloy ni Lance

"Pero ang isa sa kanila ay hindi kasali sa Royal Bloods ng World of Magics pero siya ang pinakamalakas sa kanilang lima. Siya si Elemental Mage Elle Heartfilla." SAbi naman ni Jared. woah ang dami ko talagang nalalaman sa mga to.

"No, Mali ang pagkakakilala niyo kay Elle. Dahil higit man kanino si Elle ay mas mataas pa kaysa saming mga Prinsepe at Prinsesa.Siya ay ang nagiisang prinsesa ng Elementalia" Eliza

"Elementalia?"

"Yes, ang Elementalia ay ang kaharian na matatagpuan sa 6th dimension ng mundo. Ang kahariang yon ay ang tagapamagitan ng Apat na kingdoms. Wala pang nakakakita sa Kahariang yon, maging ang mga Hari't reyna ay walang alam sa lugar na yon. Sinasabing ang Elementalia ay isa lamang alamat pero napatunayang totoo ito nang bumisita ang Hari at reyna ng Elementalia sa Fire Kingdom upang makipagpulong sa mga Hari at reyna." pagtutuloy ni Eliza

"Pero bakit hindi nabanggit sa mga libro ang nangyaring yon?" tanong ni Jake

"Dahil kailangan isikreto ang mundong iyon. Tanging mga royal blood lamang ang pinagkakatiwalaan ng kahariang yon. Nung araw ring yon ay ipinakilala sa amin si Princess Elle, sinabi niya na makakatulong siya upang mapabagsak ang Dark King. At hindi nga niya kami binigo dahil sa tulong ng kapangyarihan niya ay natapos ang digmaan."

"Lahat ba ng mga Mages sa Elementalia ay nagagamit ang Apat na Elemento?" sa pagkakataong ito si Michael naman ang nagtanong.

"Hindi. Ang Elemental Mage lamang ang may kakayahang kontrolin ang four elements pero ang mga mages doon ay kayang gumamit ng dalawa o tatlong elemento."

"Kung Royal Blood lang ang pinagkakatiwalaan ng Elementalia tungkol sa kanila eh bakit niyo sinabi sa amin ang tungkol doon? hindi naman kami kasali sa Royal Blood." tanong ko.

"Hindi nga ba?" makahulugang sagot ni Eliza.

"Marami na ang nangyari simula ng pagbagsak ng Apat na kaharian. Sinasabing wala ng natira sa mga dugong bughaw pero malay niyo kasali kayo sa kanila?" katahimikan ang namayani dahil sa huling sinabi ni Prinsesa Eliza. Siguro napa-isip rin sila sa mga sinabi ng prinsesa. Maari nga naman silang maging Royal Blood pero ako? malabo. Hindi siguro.

"Ngayong alam niyo na ang lahat ng sikreto tungkol sa Elemental Mage oras na para umpisahan ang unang pagsubok, Michael bilang mage na nagtataglay ngn kapangyarihan ng hangin ikaw ang napili sa pagsubok na aking ibibigay. Ang kailangan mo lang gawin ay masugatan ako kahit konti" ha? bakit parang ang dali lang?

"Ganun lang? akala ko naman sobrang hirap. KAya mo yan Hyung" sabi ni Jared. Teka may mali. Nakita kong ngumisi ang prinsesa sa sinabi ni Jared. Nakakakilabot.

"Mag iingat ka" paalala ko sa kanya. Sigurado akong mahirap na kalaban si Eliza.

"I will" sagot niya at naghanda na sa magiging laban nila.

"Umpisahan na" pagkasabi ni Eliza ng mga salitang yon ay bigloang nag-iba ang lugar na kinatatayuan namin. Mula sa palasyo ng Air Kingdom ay napunta kami sa maburol na lugar pero meron ding patag na lupa na siya naming inaapakan ngayon. Napakahirap din huminga sa lugar na ito dahil sa lakas ng hangin. Nasaan na kaya kaming parte ng mundo?

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon