Chapter 19: Double Battle

17.7K 458 12
                                    

Angel's POV

Sino naman kaya itong batang to? Kung makangiti ah.

"Teka ikaw ba yan Andrei?"tanong ni Lyca. Eto na ba yung kaibigan niya? Bakit ang liit.

"Ako nga. Namiss kita"sabi nito saka yumakap kay Lyca. Haha ang liit niya talaga.

"Lyca yan na ba yung kaibigan mo? Bakit ang unano?"tanong ko.

"Hoy! Hindi ako unano!"galit na sabi nung Andrei.

"Oo nga drei bakit ang liit mo? Hindi ka lumaki?"bwahaha hanep tong si Lyca ah.

"Pati ba naman ikaw?"nakapout na sabi niya. Aww ang kyot. Kinurot ko tuloy yung pisngi niya.

"Aray ko!"angil niya.

"Lumaki ako no! May nangyari lang sa mga inventions ko kaya ganito itsura ko. Cute naman diba?"paliwanag niya.

"Ewan ko sayo. Papasukin mo nga kami."sabi ni Lyca saka pumunta na sa tapat nang pintuan. Sumunod nalang kami.

"Wow ang ganda!"manghang sabi ko nang makapasok sa loob ng bahay ni Andrei. Ang ganda kasi sa loob nito, kung sa labas ng bahay ay kubo lang itsura nito dito naman sa loob ay isang mansyon. Ang ganda rin ng mga gamit. Kumpleto.

"Ginawa ko ang bahay na to nung 9years old ako. Pinagmukha kong kubo ang labas dahil ayaw kong makaattract ng mga masasamang loob ang bahay ko"pagyayabang ni Andrei. Infairnes ang galing ng power niya.

"Diba tungkol sa technology power mo? Paano ka nakagawa ng bahay? Karpintero ka ba?"kota nako sa joke ni Lyca haha kanina pa to.

"Yeah. Gawa sa mga gadgets na sira ang buong bahay nato. Parang nirecycle ko lang gamit ang power ko."pacool na sabi ni Andrei habang nakangiti. Feeling ko may gusto to kay Lyca. Kanina pa nakangiti pagkausap si Lyca e.

"Ok."yun lang ang sagot ni Lyca. Napapout nalang si Andrei.kawawang bata.

"Bakit nga pala kayo nandito? Bakasyon na ba sa Academy niyo?" Natahimik kami sa tanong niyang yon. Malaki nga pala ang problema namin.

"Hey I'm asking"

"Wala na ang Academy." Sabi ni Lyca na nagpagulat kay Andrei.

"What!?"

3rd Person's POV

"Sa likod niyo!" Sigaw ni Iris ng makitang tatamaan na ng pinagsamang kapangyarihan nila Marco at Lirah sina Jake at Jared. Agad namang kumilos ang dalawa at gumawa ng sariling shield. Pero masyadong malakas ang kapangyarihang yon kaya naman nawasak ang mga shields nila dahilan para sila'y matamaan. Agad naman silang tumilapon dahil sa lakas ng impact.

"Are you okay?"tanong ni Jake kay Jared habang tinatayo ito. Tumango lamang si Jared. Kainis! Paano ba namin sila matatalo. Hindi gumagana ang mga atake namin sa kanila mula pa kanina. Sa isip isip ni Jake. Naalala naman niya ang pagpunta nila kanina sa Water Kingdom.

"Wow! Ang ganda dito"manghang sabi ni Jared nang makababa sa dragon niya. Makikita doon ang isang napalalaking pond at sa gitna noon nakatayo ang palasyo ng Water Kingdom. Parang sa harry potter sabi ni Iris nang makita ang palasyo.

"Paano tayo pupunta sa palasyo? Lalangoy ba tayo?" Tanong ni Lance.

"Hindi hyung. Akong bahala diyan." Tinaas ni Jared ang isa niyang kamay at sinubukang kontrolin ang tubig. Unti-unti itong tumaas at nagkahugis kamay. Pumunta ito sa kanila at bumaba sa lupa habang nakapalad. Sumakay naman don si Jared.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon