Iris' POV
"Pa-a-no kang na-na-buhay?" Tanong ko sa kanya habang patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko.
"I'm sorry" sabi lang niya habang nakayuko.
"Sorry? Bakit ka nagsosorry!?" Naguguluhan kong tanong.
"Naalala mo yung nangyari dati?" Tanong niya. Napabalik naman ako sa alaalang yon na ayoko na sanang balikan pa.
"Masarap ba?" Pagtutukoy ni Kai sa cotton candy na binili niya sakin dito sa may park malapit sa tinutuluyan naming hotel. Tinupad niya yung sinabi niyang magkikita kami ulit bago ako umuwi ng Pilipinas. At eto nga sinama niya ako sa isang park.
"Oo ang sarap!" Ngiti ko sa kanya habang paupo sa upuan na gawa sa bato. Umupo rin siya at tumabi sakin.
"Aalis na kayo bukas." Sabi niya. Natigil naman ako sa pagkain ng cotton candy at napapout nalang.
"Ayoko pa nga sanang umalis. Mamimiss kaya kita. Promise babalik ako dito"
"Wag ka nang bumalik please." Sabi niya na ikinatigil ko.
"Nagjojoke ka ba?" Alinlangan kong tanong sa kanya.
"Hindi. Mapapahamak ka lang kaya please lang, kalimutan mo na ako." Sabi niya at tumayo na. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Akala ko ba bestfriends tayo" naluluha kong tanong. Tumingin lamang siya sa akin. Isang tingin na blangko katulad ng mga tingin niya noong kinausap ko siya sa rooftop ng hotel.
"Sinabi ko nang wag ka nang bumalik!" Sigaw niya saka iwinaksi ang kamay kong nakahawak sa kanay niya kanina.
Bumuhos na ang mga luha ko dahil sa ginawa niyang yon. Nakita ko ang mukha niya na mababakas ang pagkaguilt doon pero agad ding nawala yon at napalitan ng blangkong ekspresyon. Tumakbo siya paalis nang park pero dahil ayoko siyang umalis ay hinabol ko siya habang sinisigaw ang pangalan niya. Hindi ko na inalintana ang uhog ko na tumutulo na, nanlabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang kanina ko pa pinupunasan. Takbo lang ako ng takbo pero parang hindi ko naman siya naaabutan. Hanggang sa....
"Peeeep! Peeeep!" Isang busina ng sasakyan ang narinig ko. I was stiffened. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napatingin ako kay Kai na napahinto rin. Parang slow motion ko siyang nakikita habang patakbong papunta sa akin. Malapit na ang kotse hindi na niya ko aabutan. Hanggang sa nakita ko siyang naglaho sa pwesto niya at napunta sa harapan ko. Tinulak niya ako at sa hindi inaasahang pangyayari ay siya ang nahagip ng kotse. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Dumating narin ang ambulansya at kinuha ang driver na naipit sa loob ng kotse dahil nabangga iyon sa isang malaking puno.
"Iris , are you okay? May masakit ba sayo? Saan ka ba pumupuntang bata ka?" Tarantang sabi ni mommy habang kinakapa ang katawan ko kung may natamo ba akong sugat. Tahimik lang ako at walang kibo. Hindi pa napaprocess sa utak ko ang nangyari.
"Mom si Kai? Nasaan?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya kay dad ng sandali at pagkatapos ay tumingin ulit sa akin.
"Sinong Kai anak? Wala ka namang kasama dito" sabi ni dad.
"Si Kai yung bestfriend ko. Siya yung nasagasaan imbes na ako." Sabi ko.
"Iris anak wala kang kasama dito sabi ng mga nakakita sa pangyayari."
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings