Iris' POV
Teka bakit naman nandun pa sa Korea yung portal? Hindi ba pwedeng dito nalang sa Pilipinas? Agghh!! Ayaw ko nang pumunta pa sa lugar na iyon. Kaasar!
"May problema ka ba? Napansin kong biglang nawala ka sa mood nang marinig mo yung salitang Korea." Rinig kong sabi ni Jake mula sa likod ko. Nasa labas ako ng bahay ni Andrei, dali-dali kasi akong lumabas ng bahay ng marinig ko ang pangalan ng bansang yon. Ang bansa kung saan nawala ang nagiisa at pinakamatalik kong kaibigan nang dahil sa akin.
"Ayos lang ako. Meron lang akong naalala sa bansabg iyon"
"Is that so? Pwede kang magkwento kung gusto mo. I'm a good listener." Napatingin naman ako sa kanya. Hindi kasi siya yung tipo nang taong inaalam ang mga saloobin ng mga taong nasa paligid niya. Napangiti tuloy ako sabay iling.
"No. Nakaraan na iyon na hindi na kailangang balikan." Sabi ko.
"Well, sabi mo eh" sabi niya saka ngimiti.
"Bakit parang madalas ka nang ngumiti ngayon? Dati pag nakikita kita sa Academy lagi kang poker face at seryoso." Biglang natanong ko sa kanya. Umiwas naman siya nang tingin. Mali yata ang tanong ko.
"Marami nang nagbago. Dahil siguro sa mga pagbabagong iyon kaya ako nagkaganito." Makahulugan niyang sabi. Di ko gets. Anong pagbabago yon? In what manner?
"Hindi naman siguro masama na magbago ang isang tao diba?" Tanong nya.
"Oo naman. Lalo na kung nagbago ang taong iyon in a better way." Sagot ko. Ginulo lang niya ang buhok ko saka na tumayo at pumasok sa loob nang bahay.
"Bakit pa tayo sasakay ng eroplano kung pwede naman nating gamitin yung mga dragons?" Reklamo ni Jared habang nasa waiting area kami nang airport.
"Tanga ka ba? Edi nakita ng mga tao yung mga dragons niyo? Malaking gulo yun" sabi naman ni Angel.
"Edi ikaw na ang magaling" nakasimangot na sabi ni Jared.
"Ang ganda ko e." Sabi naman ni Angel habang umarteng nasusuka si Jared. Natatawa nalang kami sa bangayan ng dalawang to. Kanina pa sila ganyan hababg papunta kami dito sa Airport.
"Passengers of the flight to Incheon, South Korea. Please proceed to the plane Mirage01. Your flight is ready to depart." Rinig namin sa speaker dito sa waiting area. Agad kaming naglakad papunta doon at baka maiwanan pa kami.
Pagkapasok namin sa eroplano ay may nakita akong anim na lalakeng nakamask dahilan upang matakpan ang kalahati ng mga mukha nila. Nasa harapan namin sila at hindi kami makadaan dahil nagtutulakan sila. Parang mga bata. Pagsasabihan ko na sana sila nang maunahan ako ni Lyca.
"Can you please stop playing inside the plane?!" Mahinang sabi niya peri may diin sa bawat salita. Napatingin naman sa amin yung mga lalake at agad-agad din namang nagsorry pagkatapos ay nagbow. Koreano ata sila. Umayos sila ng lakad at umupo na sa seats nila. Ganun din ang ginawa namin. Nakaramdam ako ng pagtitig mula sa kung saan kaya naman tinignan ko yon at nakita ko yung isa sa mga lalake kanina na mataman akong tinitignan. Nagulat pa siya ng titigan ko rin siya kaya mabilis siyang nagbawi ng tingin at humarap na lamang sa mga kasamahan niya na nagkukuwentuhan. Nagkibit balikat nalang ajo.
"We are going to take off in just few seconds" sabi sa speaker. Napagising naman ako doon. Nakatulog pala ako hindi ko napansin. Tinignan ko ang mga kasamahan ko pero natutulog pa sila. Sila Jake at Michael lang ang gising. Hindi na sumama si Andrei samin dahil marami pa daw siyang ginagawa. Ilang sandali pa ay lumapag na ang eroplano kaya naman nagsibabaan na ang mga pasahero.
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings