Chapter 14: Elemental Mage

25.7K 631 14
                                    

Iris' POV

Nagising ako ng 7:30 ng gabi, isang pangitain yan ang nangyari kanina sigur'y narinig ng mga magical pets ko na gusto kong malaman kung ano ang mga itsura nila. Pero ang ipoinagtataka ko ay kung bakit hindi natuloy ang pagpapakita nung dalawa pang itlog?

"Hoy Ris! kanina pa kami dito oh mamansin ka naman" biglang sabi ni Angel mula sa gilid ng kama ko, natauhan ako sa boses niya. kailan pa sila nakapasok dito sa kwarto ko? Bat diko man lang napansin? Masama ito mukang pati pagtukoy ng enerhiya ng iba ay hindi ko na magawa.

"Ah pasensya na kanina pa kayo diyan?"

"Unfortunately oo, hinihintay kang gumising" kahit kailan talaga ang hard nitong si Lyca.

"Haha, ang taray mo ngayon Lyca"sabat naman ni Angel.

"Teka bakit niyo naman ako hinihintay gumising?"

"Pinapatawag ka ni Ms. Johnson sa Supreme Council Room"Angel

"Ha? si Ms. Principal? bakit daw? anong meron?"takang tanong ko, nagkibit balikat lamang sila, ayos talaga kausap ang dalawang ito.

"Ngayon na daw ba?"

"Actually, kanina pa dapat kay tsupi! punta ka na dunbye! ingat!" pagtataboy sa akin ni Angel habang tinutulak tulak pa ako palabas ng kwarto. Si Lyca naman ay natatawa nalang sa ginawa ni Angel.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa unang beses pa lamang na pagtapak ko sa loob ng Supreme Council room. Parang napkabigat ng pakiramdam dito, siguro dahil yon sa mga matataas na taong nakaupo sa kani-kanilang mga magagarang upuan at nasa pinakagitna nila ay si Ms. Principal. Para silang mga hari at reyna kung silay pagmamasdan sa kanilang mga kilos at postura.

"Ah eh, ano po bang paguusapan natin? may nagawa po ba ako?" binasag ko na ang katahimikan, masyado na akong naiilang sa mga titig nila.

"Ehem, hindi na kami magpapaliguy ligoy pa, nais namin maibalik ang nawala mong Elemental energy" nagulat ako sa sinabi ni Ms. principal, so all this time alam na nila na wala na akong power?

"Alam niyo po? pero paano ko iyon maibabalik?"

"Ofcourse we knew it,hindi kami magiging member ng supreme council kung wala kaming nalalaman sa loob ng Academy"sabi ng isang babaeng council, hindi ko alam ang pangalan niya.

"Im Master Riley" nabasa ba niya ang nasa isip ko? lahat yata sila mind reader.

"Pumasok na kayo" malakas na sabi ni Ms. principal. Bumukas ang pinto at pumasok ang apat na bagong estudyante ng Academy. May kinalaman ba sila dito? Kumaway pa sa akin si Jun kaya naman ginantihan ko siya ng ngiti.

"Guardians ipaliwanag niyo na sa kanya" utos ni Ms. principal

"Para maibalik ang nawalang enerhiya kailangan mong makuha muli ang tiwala ng mga Elemental gods & goddesses. Kailangan mo ring malampasan ang mga ibibigay nilang mga pagsubok. Pero bago mo iyon magawa. Kailangan munang dumaan sa amin ang mga guardians mo, Kalilangan nila kaming matalo upang makuha nila ang mga susi na kailangan sa pagpunta sa mga Elemental gods & goddesses. Apat na energy ang nawala sayo kaya apat ding pagsubok ang naghihintay para sayo" paliwanag ni Marco.

"Paanong naging apat ? sino ba yung mga guardians na iyon? nagtataka kong tanong.

"may alam ka ba sa Elemental Mage?" tanong ni Eliza.

"Meron, yun yung mage na kayang kontrolin ang apat na elemento hindi ba?"

"Yeah, at ikaw ang ika labing pitong salinlahi ng Elemental mage. At Dahil ikaw ang mage na may kakayahang kontrolin ang apat na elemento ay may nakatakdang tumulong sayo sa pakikipaglaban sa Dark King at yun ay ang mga biniyayaang makagamit ng alinman sa apat na elemento" paliwanag naman ni Lirah.

"Sino naman ang mga Guardians na yon, hahanapin ko pa ba sila?" sa pagkakataong ito si Jun naman ang sumagot.

"No, you dont need to do that, nandito lang ang mga guardians sa Academy. Sila ang Elementalists."

Hindi na ako nagulat sa mga nalaman ko dahil sa simula palang na magamit ko ang kapangyarihan ko ay may hinuha na ako na hindi lang Air power ang kaya kong kontrolin. Pero ang ikinagulat ko ay ang mga guardians, at ang apat na elementalists pa. Masaya ako dahil may makakasama ako sa pakikipaglaban sa Dark King. Mukang ngayon na magsisimula ang digmaan sa pagitan ng mga White mages at Dark Mages.

"Hoy tulaley ka diyan?" Natulala na pala ako sa kakaisip.

"ah Wala" sagot ko kay Angel.

"So, kailan ka aalis papunta sa mga elemental gods?" tanong ni lyca. Nasabi ko narin pala sa kanila ang nangyari kanina sa loob ng Supreme Council Room.

"Bukas na, kasama ko ang elementalists na maglalakbay"

"Bakit kami hindi mo sinama?" nagtatampong tanong ni Angel

"Hindi kasi pwede, at saka sabi ni principal Johnson na may ipapagawa daw sya sa inyo.

"Ano naman yon?" curious na tanong ni Lyca.

"Ewan ko, wala naman siyang nabanggit" namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ko pagkatapos kong sabihin yon.Bakit sila natahimik? Ay ewan.

"Sige matutulog na ako. Maaga pa kaming aalis bukas Good Night"

"Ah sige, matutulog narin kami. Good night din"

"Nandito na tayo" ani Michael saka kami ibinaba sa luppa gamit ang Air power niya. Buti na lamang at mayroon kaming kasamahan na marunong lumipad kaya hindi na kami nahirapan sa pagpunta dito sa Air Kingdom.Ito kasi ang sinabi ni Eliza na una naming pupunthan. Ang Air kingdom ay isa sa apat na kaharian na namumuno sa world og magics noong unang panahon. Pero ngayon isa nalamang itong abandonadong kaharian pati narin ang natitirand tatlo pang kingdom,And Water, Fire at Earth Kinbdom. Sinasabing dito nagmula ang mga mages na may kakayahang gumamit ng alinman sa apat na elemento. So ang ibig bang sabihin non ay nagmula ang apat na ito dito? Maaaring mga prinsepe rin sila. Tinanong ko na ito kanina kay Michael pero ang sabi niya maaaring sa Blood line ng mga Royalties sila nagmula pero pwede rin daw sa mga mamamayan lamang nito.

Pagkapasok namin sa loob ng palasyo ay bumungad sa amin ang mga sira sirang gamit pati narin ang mga ding ding na sa tingin koy maaari nang magiba dahil narrin sa mga malalaking bitak nito. Napakaluma na nito pero kung titignan ay isa itong napakagandang kaharian dati. Sinasabi ring nasa himpapawid natayo ang Air Kingdom dati pero dahil natapos na ang blood line ng mga Royalties ay nawalan narin ng magic ang buong kaharian.

"Kamusta" isang malambing na tinig ang aming narinig.

"Eliza ikaw ba yan?" Siya ba ito? Napakaganda niya sa suot niya mukha syang prinsesa o prinsesa talaga?

"OO Iris ako nga, Hayaan niyo muna akong magpakilala sa inyo. Ako si Elizana Aerith Aeros ng Air Kingdom" sabi ni Eliza saka yumuko ng konti.Bigla namang nataranta ang apat. at saka yumuko sabay sabing "Ikinagagalak ka naming makita Prinsesa Aerith" Isa siyang prinsesa?.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon