Chapter 12: The New Students

29.8K 716 67
                                    

Jake Smith sa gilid----------------->>>>>>

Labis ang pagtataka ni Iris maging ang mga kaibigan niya dahil sa Apat na itlog na kanyang nakuha noong nakaraang araw. Iniisip niya kung bakit itlog lang? Ano kaya ang laman ng mga itlog? yan ang tanong na paulit-ulit na iniisip niya. At ang wierd pa sa mga itlog na yon ay lagi silang nakasunod kay Iris na para bang may sariling buhay at lagi silang nandyan para protektahan siya. Katulad na lamang ngayon na naglalakad siya papunta sa kanilang room, pinagtitinginan siya ng kapwa niya estudyante dahil sa apat na itlog na pinaiikutan siya habang naglalakad. Napabuntong hininga na lamang siya at saka tumuloy na sa paglalakad papunta sa kanilang silid.

"Good Morning Ris" bati sa kanya ni Angel. Nauna na silang umalis ni Lyca dahil hindi agad nagising si Iris.

"Morning rin" ngiting sagot niya, tumango lamang si Lyca na kanina'y nagbabasa.

Umupo na siya sa kaniyang pwesto, sakto naman ang pagdating ng mga Elementalist dahilan upang umingay sa kanilang klase dahil sa mga babae niyang kaklase na akala mo'y nakalunok ng microphone. Tumahimik rin naman agad dahil dumating na ang kanilang guro.

"Good Morning Class" bati sa kanila ng kanilang guro,.

"Good Morning po" sagot ng klase

"We have 4 new students here in AOM, so please welcome them" sabi ng kanilang guro at sumenyas sa may labas.

Agad namang pumasok ang Apat na estudyante , dalawang lalake at dalawa ring babae.

"Maaari na kayong magpakilala"

Unang nagpakilala yung babaeng may mahabang buhok na kulay puti. Ang mga mata niya ay kulay Gray. Sobrang puti niya na akala mo'y niyebe. "DYOSA" yan ang pwedeng ihalintulad sa kanya dahil sa taglay niyang kagandahan.

"Magandang umaga, Eliza ang aking ngalan" mahinhin niyang pagbati. Tumingin siya sa direksyon ni Iris at ngumiti, nginitian rin naman siya ng dalaga.

sumunod na nagpakilala ang babang may bughaw na buhok at bughaw na mata na parang kasing kulay ng karagatan.

"Call me Lirah" tipid nitong bati. Maganda rin ang siya katulad ng nauna. Ngunit mukha siyang maarte at mataray Sumunod naman ang lalaking may matang kulay brown.

"Magandang umaga mga binibini, Jun ang aking pangalan" sabi niya sabay kindat. Hindi naman maiwasan ng mga kababaihan ang pagtili, ang iba pangay walang humpay na hampas ang ginagawa sa katabi dahil narin siguro sa kilig.

"Psh! Marco" tipid namang sabi ng lalaking may pulang mga mata. Nakakatakot siyang tumingin parang anumang oras ay handa siyang makipagaway.

"Ms. Ano po bang mga kapangyarihan nila" sabat ng isang babae sa kanilang klase.

"Uhm. Can we know what power you possess?" tanong ng kanilang guro sa mga bagong estudyante.

" Hindi niyo na kailangan pang malaman" sabi ni Marco

"Tsk! Mayabang! baka naman mahihina lang kayo?" sagot ni Lucas isang Plant manipulator. Ikinainis naman ito ni Lirah.

"Oh! Mukha ba kaming mahihina para sayo? Pero para sa akin ikaw ang pinakanahina dito sa klaseng ito." mahaba niyang litanya para asarin ang lalaki.

"What?! Mali ka ng sinagot babae." asar na sabi ni Lucas sabay kontrol niya sa bonsai sa kanilang silid. Humaba ang mga ugat ng halaman at sinugod ang apat na estudyante, Naging matulis rin ang mga dahon nito at sabay-sabay na sumugod.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon