Chapter 24: The Elemental Gods and Goddesses

16.9K 459 28
                                    

Iris' POV

"Oh Iris! San ba kayo nagpunta? Kanina pa namin kayo hinahanap ah" bungad na tanong ni Angel pagkapasok ko palang sa unit namin.
"May mga sumunod na dark mages sa atin dito. Kailangan na nating kumilos" sabi ko na ikinagulat nilang dalawa ni Lyca.

"Alam na ba nila Jake?" Tanong ni Lyca.

"Sa mga oras na to malamang sinabi na ni Jared ang mga nangyari. Ang kailanagan nalang nating gawin ay puntahan ang EXO. Siguradong mabubuksan na ang portal dahil nandito na yung iba nilang miyembro."

"Talaga. Wow!" Isang malakas na pagsabog ang narinig namin pagkatapos sabihin ni Angel ang mga katagang yon. Sabay-sabay kaming napatingin sa isa't-isa.

"Ano yun?" Tarantang tanong ni Angel.

"Tara tignan natin" aya pa niya kaya lumabas kami ng kwarto. Napatingin kami sa kabilang kwarto dahil nakita naming nasa labas na sila Jared at tila papunta na sa ibaba.

"Narinig niyo rin ba?" Tanong ni Lance. Tumango lamang ako.

"Tara na" tawag ni Jake at nagmadaling pumunta sa elevator. Sumunod nalang kami sa kanya.

"Oww sh*t!" Mahinang sabi ni Jared pagkarating namin asa ground floor ng hotel. Kahit ako ay nagulat sa ayos ng lugar. Puro sira ang mga gamit pati ang mga dingding ay nawasak mula sa malakas na pagsabog. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit walang mga tao.

Lumabas kami ng hotel at parang gustong mawarak ng puso ko dahil sa mga nakikita namin ngayon. Ang mga building na malapit ay puro nangasira. Napakatahimik ng lugar. May mga ilang mga taong nakahiga sa lupa at sigurado akong mga patay na sila. Mayroon ding nasusunog na mga gusali.

Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng sirena ng pulisya.

"Tara, umalis na tayo dito. Paparating na ang mga pulis. Sigurado akong matatagalan pa tayo kapag nakita tayo ng mga iyon" sabi ko.

"Let's go. Humawak kayo sakin" sabi ni Michael. Naramdaman ko nalang ang paglakas ng hangin.

EXO

"Hyung. Kararating lang namin ah. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Chen kay Suho. Kararating pa lang nila sa kanilang dorm at nagtaka ng biglang nagyayang umalis ang kanilang leader nang maikwento nila ang pagkikita nila ng Elemental Mage .

"Kailangan na nating ihanda ang portal. Nakikialam na ang mga dark mages sa mortal." sabi ni Suho.

"So ang ibig mong sabihin ay?" Naniniguradong tanong ni Kris. Tumango naman si Suho kapagkway nagsalita.

"Yes. We're going to Yeongchuksan Mountain."

"Hindi ba natin isasama ang elemental mage?" tanong ni Luhan.

" No. Kapag handa na ang Portal doon palang natin siya dadalhin doon. Wag niyong kalimutan na Prinsesa siya kaya kailangan natin siyang respetuhin kahit hindi niya alam na siya ang crowned princess ng Kahariang iyon." Paliwanag ni Suho.

"Eh gege bakit hindi kumikilos yung kaharian nila? Hindi ba sila aware na wala ang prinsesa?" Takang tanong ni Tao.

"Isinugo talaga siya para mamuhay sa Mortal World. Yun ang sabi ng aking ama"

"Kai tara na" aya ni Suho.

"Kapit lang kayo" kumapit naman silang lahat kapagkway naglaho nalang na parang bula.

Nang makarating ang grupo ng EXO sa bundok kung saan matatagpuan ang portal ay agad silang pumunta sa isang kweba.

Makikita sa loob noon ang labin-dalawang lagusan na may simbolo na kumakatawan sa bawat isang miyembro ng mga tagapag-bantay. Pumasok na ang grupo sa sari-sariling lagusan. Ang mga lagusang iyon ay konektado sa pinakagitna ng bundok kung saan makikita ang isang portal.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon