Michael's POV
"Ang dami naman nila!" Reklamo ni Angel sa mga soul eaters na lumulusob sa amin. Kasalukuyan kaming papunta sa Conjurer's Academy sakay ang mga dragons. Napakalayo pa naman ng lugar na iyon at hindi kami sigurado kung makukumbinsi ba namin sila na makianib sa amin.
I released an Air eagle using my power at pinatama sa mga soul eaters na pilit kaming linulusob pero mas dumadami lang sila. Ang mga Soul eaters ay mga shadow entities na walang isip. Ang alam lang nila ay manira ng mga bagay-bagay. Hindi naman sila ganun kalakas pero hindi sila ganun kadaling talunin dahil hindi tumatalab ang mga kapangyarihan namin sa kanila.
"Jake! Bumaba na tayo. Hindi sila nauubos!" Lance shouted. Tumango lamang si Jake at nangunang pinababa ang dragon. We just followed him.
"Grabe ano ba naman! Ang hirap namang patayin ang mga iyon" reklamo ni Angel. Kanina pa to nagrereklamo saka naaasar ah. Meron ba siya? I shrugged on that thought. Why am I thinking like that?
"Malayo pa ba Luna?" I asked her. Her cheeks turned red. May sakit ba siya?
"Ah uhmm. Sa tingin ko medyo malayu-layo pa. Wala pa tayo sa kalahati eh" she said. Tumango lang ako. Umaga palang pero parang gabi na dahil sa dilim na bumabalot sa mundong ito. Hindi ko akalaing magiging ganito ang World of Magics.
"Maglakad-lakad na tayo. Walang mangyayari kung tutunganga lang tayo dito" sabu ni Jake saka na naglakad. Sumunod nalang kami sa kanya. Hindi ko naman kayang mag teleport dahil hindi ko pa nakikita ang Academy na iyon.
Puro patay na puno lang ang makikita sa kagubatang to, wala man lang akong makitang kahit isang buhay na puno. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang batis. Sa taas ay may talon na umaaagos pababa sa isanh malaking bato sa may gilid ng batis. Kakaiba ito dahil hindi maitim ang tubig at buhay na buhay ang mga puno. Sa mga nadaanan naming mga batis kanina ay maiitim ang tubig na dumadaloy pero dito ay malinis, walang kahit anong dumi ang makikita.
"Grabe! Sa wakas may maganda naring tignan na lugar dito" sabi ni Jared.
Hmm. There's something wrong in here. "Hey! Is that Iris?" Napatingin ako sa tinuturo ni Lance, I saw a girl wearing a white dress. She is sitting on a big stone. Pinagmamasdan lamang niya niya ang mga isda sa batis habang nakangiti. Nakaside siya kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya pero kahawig nga niya si Iris. Nagmamadaling tumakbo papunta doon sila Angel, Lance at Jared. Naiwan kaming apat dito. Tinignan ko si Jake at Lyca , parehong nakakunot ang mga noo habang nakatingin sa babaeng iyon na ang sabi nila'y si Iris. Nakita ko namang naguguluhan si Luna. Hindi nga pala niya kilala si Iris.
"Jake" tawag ko sa kanya. "I know" napansin niya rin pala. "Magingat tayo sa kanya" sabi naman ni Lyca. Pati rin pala siya.
"Namiss talaga kita Iris" maingay na sabi ni Angel habang nakayakap kay Iris, I can hear them kahit medyo malayo sila samin. "Namiss din kita" mahinhin nitong sabi, shoot! Ngayon sigurado nakong hindi siya si Iris dahil hindi mahinhin ang totoong Iris. Kung siya nga ang totoo malamang niyakap niya na pabalik si Angel at magiingay na rin iyon.
Agad namin silang pinuntahan. "Uy! Jake, Michael, Lyca at Luna, namiss ko kayo" sabi nung kamukha ni Iris. Ang tanga lang, hindi naman kakilala ni Iris si Luna eh. Nakita ko ang pagkagulat nila Angel sa sinabi ng pekeng Iris ,umalis siya sa pagkayakap. Lumayo narin sila Lance at Jared.
"Who are you" tanong ko saka tinutukan siya ng Air blade sa leeg. Nakita ko ang pagngisi niya saka tumalon palayo.tss
Mula sa pagiging Iris ay unti-unti siyang nagpalit ng itsura. Naging isa siyang babaeng kulay bluegreen. Ano bang klaseng halimaw to?
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings