Chapter 29: Conjurer's Academy & The Plan

15.5K 404 39
                                    

EXO Suho's POV (Prince of Water Kingdom; EXO Planet)

Hindi ko alam ang nangyayari ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit nagpasya ang aking ama na makianib narin sa Dark King, oo tama pati ang Naturia ay nakianib narin sa kasamaan. Nang makabalik kami sa aming planeta ay agad na sinabi ni ama na makikianib na kami sa Dark King, tumutol ako sa binabalak niya pero desidido talaga siya sa gusto niya.

Nang umalis kami sa Mortal World ay kasama ding naalis sa isip ng mga tao ang existence ng EXO. Ginawa namin iyon para narin hindi sila magtaka.

Kasalukuyan akong papunta sa kaharian nila Kai, magpapatulong ako para puntahan ang iba pang prinsepe para mapagusapan namin ang mga nagaganap.

"Mahal na prinsepe nandito na po tayo sa Teleportation Kingdom" sabi ng kawal na kasama ko sa sinasakyan naming Hot air balloon, ito ang ginamit ko para mapabilis ang pagpunta sa kaharian nila Kai.

"Ilapag niyo na" utos ko na agad naman nilang sinunod.

Nang makalapag ay agad sumalubong samin ang mga kawal habang nagbibigay galang. Dumiretso akong pumasok sa loob ng palasyo at pinuntahan ang hari at reyna. Yumuko ako at bumati.

"Kamahalan. Naparito po ako para makausap ang prinsepe Kai" magalang kong sabi.

"Gumwapo ka lalo prinsepe Suho." Sabi ng reyna kaya namula ang pisngi ko.

"Haha. Nahihiya siya aking reyna. Si Kai ba? Nasa kwarto niya." Sabi ng hari. "Samahan niyo ang prinsepe sa silid ni prinsepe Kai." Dagdag niya at utos sa kawal.

"Dito po Prinsepe Suho" sabi ng kawal at nangunang lumakad. Sumunod nalang ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang malaking itim na pinto. Ano ba yan kahit pinto niya maitim haha.

"Prinsepe Kai nandito po ang Prinsepe ng Water Kingdom" sabi ng kawal saka kumatok.

"Papasukin mo!" Sigaw ni Kai. Binuksan niya ang pinto kaya pumasok na ako.

"Anong kailangan mo Hyung?" Sabi niya habang nakatingin sa salamin at inaayos ang buhok.

"Kailangan ko kayong makausap. Puntahan natin ang iba" sabi ko kaya nangunot ang noo niya saka tumingin sa akin.

"Why so serious hyung? Ano ba yang sasabihin mo?"

"Nakianib na ang aking ama sa Dark King" napanganga siya sa sinabi ko.

"Ibig sabihin---" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Yeah. Bilang pinakapunong hari ng EXO planet, ibig sabihin pati ang mga natitirang kaharian sa planeta natin ay kakampi na ng Dark King" sabi ko dahilan para mapatulala siya.

Jake's POV

Lahat ng estudyante sa Conjurer's Academy ay napatingin sa amin nang makarating kami doon.

"Sumunod kayo sakin" Ryuu said as he walk. We just followed him.

Conjurer's Academy is a small school unlike Academy of Mages na malapalasyo ang laki. White themed ang paligid na may lining na black and silver. Napansin kong malaki ang gitnang bahagi ng academy. Bakit kaya?

"Bakit ang laki ng gitna ng Academy?" Tanong ni Lyca. Buti naman at nagsalita to.

"Ah diyan kami nagsasanay para maging bihasa sa paggamit ng mga Aura Weapons namin"

"Bakit dalawa ang weapon mo? Ayon sa mga nabasa ko sa mga libro isa lamang ang pwede niyong masummon na weapon" Michael stated. Nagiging geek nanaman to.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon