Iris' POV
Kamusta na kaya sila sa World of Magics? Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng panganib. " Ang lalim naman ng iniisip mo?" Talagang hilig sumulpot kung saan-saan ng isang to. Tumingin ako kay Cross at nginitian siya.
"Wala to" sagot ko. Tahimik siyang umupo sa tabi ko. Nasa garden kami ng palasyo. Dito lang kasi ako nakakapagisip-isip dahil sa peaceful na ambiance ng lugar.
" Gabi na. Bakit dika pa natutulog?" Tanong ko.
" Ako dapat nagtatanong sayo niyan. Hindi gawain ng isang prinsesa ang magpuyat" I frowned. Daming alam.
" haha you're cute " sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
" You're blushing haha"
"Hindi no" sabi ko at umiwas ng tingin. Nagblush ba talaga ako? Nakakahiya.
" Matulog ka na. Masyado kang nagiisip " sabi niya at tumayo na. Lalakad na sana siya papasok ng palasyo ng biglang yumanig ang lupa kasabay ng sunod-sunod na pagsabog. Napatayo ako dahil doon. Labis ang kaba na nararamdaman ko, ito na ba yung pakiramdam ko kanina?
" Pumasok na tayo sa loob." Hinigit niya ang kamay ko at hinila papunta sa loob. Nakita ko ang mga gwardya na naghahanda.
" Dad anong nangyayari?" Tanong ko ng makita ko siya na nakabihis ng armor suit. Kasabay niya si mom na mukhang nagaalala .
" Kailangan mo ng umalis dito anak. Hindi kayo magiging ligtas ng mga kapatid mo dito sa palasyo" seryosong sabi ni dad.
" Hindi ko inaasahang ngayon sila lulusob sa Elementalia. " Dagdag pa niya.
" Sino po sila ?" Tanong ko. Sino ba ang mga lumusob sa Elementalia?
" Ako nang magpapaliwanag sayo anak. Kailangan niyo ng makaalis" sabi ni mom saka ako hinawakan sa kamay, with a blink of an eye nasa loob na kami ng kwarto ng kambal. Mahimbing silang natutulog.
" Ang mga Elite Kingdom ang lumusob satin. Maliban sa EXO Planet at Naturia, apat na kaharian ang may planong pabagsakin ang Elementalia kaya hindi na magiging ligtas para sa inyo ang manatili dito" paliwanag ni mama habang ginigising ang kambal.
" Pwede po akong makatulong ma" sabi ko. Ngayong nasa akin na ang kapangyarihan ko malaki ang maitutulong ko para pigilan ang mga gustong pabagsakin ang kaharian.
" Labas ka na anak sa labanang ito. This is out of your mission. Kailangan ka na rin ng World of Magics bilang Elemental Mage" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings