Chapter 6: Training

35.6K 854 16
                                    

Nandito kami ngayon sa room, kinig-kinig lang sa teacher kahit di naman totoong nakikinig haha.

Iniisip ko ngayon kung magagamit ko ba ng tama yung power ko mamaya, oo mamaya na yung training namin pagkatapos nitong subject namin. Siya nga pala hindi pumasok si maichael pati narin yung ibang mga kaibigan nya. Ang tamad talaga ng mga yun, tatlong beses lang ata pumapasok eh. Hayaan na wala kong pake.

(Kriiiingg!kriiiinggg) bell yan uy!

At sa wakas tapos na ang klase tumayo na ako at palabas na sana ako ng room ng biglang nagsalita si angel

"Hoy gaga! Bat ka nagmamadali? Di pa kami hinintay nito. Bakit may date ka? May date ka?"nagpeace sign lang ako at nagsmile.oo nga pala nakalimutan ko tong mga to.

"Nginingiti-ngiti mo dyan? San ka pupunta"mataray na sabi ni lyca.. Taray talaga nito kahit kelan

" ah eh kasi may training kami ngayon ni michael."

"Michael? As in yung isa sa mga prince na pinsan nitong mataray na babaeng si lyca?"angel, tinignan lang sya ng masama ni lyca

"Oo siya nga, bakit?"

"Ikaw ah,magkakilala pala kayo di mo man sinasabi. Madaya ka talaga!"angel with pout yan haha

" nakalimutan kong sabihin eh,mamaya nalang pag-uwi ko ikekwento kung pano kami nagkakilala ha ingat kayo" sabi ko ng lumalakad na ng palayo.bastos ba? Yaan na

Angel's Pov

"Kita mo tong babaeng to hang bastos"sabi ko ng natatawa haha ang cute kasing tumakbo ni ris-ris eh.oo ris-ris tawag ko sa kanya kase wala lang.

"Yaan mo na,malapit narin ganapin ang ranking battle kaya kailangan na nyang magtraining"lyca

"Sabagay, tara na uwi na tayo.gutom nako eh haha"

"Psh"lyca taray ni ate haha

Umuwi na kami para makakain na ako haha back to ris-ris

Iris' Pov

Pumunta nako sa trainng room,alam ko to kasi nadaanan namin to ni michael nung naglakad-lakad kami kahapon, pumasok nako at nadatnan ko ang training room ng walang tao.

"Nasan na yun?nag-backout na yata" sabi ko sabay kamot sa ulo

"Nandito ako"rinig kong sabi ng boses sa likod ko kaya tumalikod ako

Nakita kong may maliit na ipo-ipo sa likod ko at mula nagfoform itong tao. Si michael pala

"Nandyan ka pala, uy pano mo nagawa yun? Asteg nun ah"sabi kong namamangaha

"Matututunan mo rin yun"sabi nya

"weh?"

"oo nga kulit ng lahi neto"

"heh!"

"tara nang magtraining at baka kung san pa mapunta itong usapan na to"siya sabay punta sa gitna ng training room.

sumunod lang ako sa kanya.

"Ang Air Element ay madali lamang kontrolin kaysa sa tatlo pang elelmento, basta nasa concentration ka lang at isipin na iisa kayo ng hangin kaya mo itong kontrolin sa anumang gustuhin mo,kaya siguro kahit isang araw lang matututunan mo na itong kontrolin."

"Una mong Gawin ay kausapin mo ang goddess of Air"

"pano ko siya kakausapin?"

"Concentrate , pumikit ka at pakinggan ang tawag ng hangin"

pumikit naman ako at ginawa yung pinapagawa nya kahit di ko alam kung paano yon gawinXD matagal din akomg nasa ganitong ayos ng bigla akong may narinig na tumawag sa pangalan ko.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon