Chapter 20: Into The Mortal World

16.7K 444 33
                                    

Iris' POV

" Paano tayo makakapunta sa Mortal world nang mas madali? Kung pupunta pa tayo sa AOM. Matatagalan tayo panigurado." Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila agad nakasagot dahil mukhang nagiisip din sila ng paraan. Nasa Water Kingdom parin kami ngayon dahil hinintay naming magising sila Jake at Jared , para narin makapag-isip kung paano kami makakapunta sa dati kong mundo ng mas madali.

"Ah alam ko na!" Sigaw ni Lance na animoy nakaisip ng bright idea.

"Ano un?" Tanong ni Michael.

"Teledimension spell" sabi niya. Ano naman yun? Nakita kong nagulat si Michael sa sinabi ni Lance.

"Teledimension? Ano naman yun?" Tanong ko.

"It's a teleportation spell wherein you can teleport in any dimension you want. Forbidden spell yon dahil marami nang nawalang mga mages dahil sa maling paggamit ng spell na yon." Paliwanag ni Michael.

"Delikado pala ang spell na yan. Wag nalang kaya nating gawin." Sabi ko.

"No. We need to take the risk. Aabot ng apat na araw bago tayo makarating sa AOM , kailangan na nating maibalik ang kapangyarihan ni Iris dahil sa tatlong araw nalang bago mag new moon. At alam niyo naman ang ibig sabihin non?" Tumango nalang kami sa sinabi niya. Papalapit na ng papalapit ang pagkabuhay ng Dark King.

"Umpisahan na natin" sabi ni Lance saka siya gumuhit ng magic circle sa lupa. Sa loob ng magic circle ay makikita ang araw at buwan na parang nagsasanib, isang eclipse. Meron ding malaking bituin na sinakop ang kabuuan ng bilog.

"Pumunta kayo sa bawat edges ng star." Utos ni Michael na agad naming ginawa.

"Iris, kami nalang ang gagawa ng spell basta wag kang aalis sa lugar na yan" sabi sakin si Jake. Tumango nalang ako sa kanya.

Pumikit silang apat at nagpalabas ng enerhiya pagkatapos non ay umilaw ang magical circle , tumaas ito saka pinalibutan kaming lima. Naramdaman ko ang pagtama sa akin nang liwanag parang katulad ito noong una akong pumasok sa portal ng Academy. Napapikit ako ng lumakas ang ihip ng hangin.

"Teka nasa Mortal World na ba tayo?" Rinig kong tanong ni Jared. Nagmulat ako ng mata at nakita kong nasa isang park kami. Napangiti nalang ako saga nakikita ko. Namiss ko to.

"Oo mundo na to ng mga tao" paninigurado ko sa tanong ni Jared.

"Wow. Success tayo sa pagpunta dito!" Tuwang tuwa na sabi ni Lance.

"Saan na ba tayo pupunta ngayon Iris?" Tanong ni Michael.

"Hindi ko rin alam hehe" sabi ko saka nagkamot ng ulo. Ilang sandali lang ay may narinig kaming sumigaw.

"Tulong! Ang anak ko!" Sabi ng isang babae. Tumingin ako sa gawi niya at nakita ko ang isang lalake na may hawak na isang batang babae habang tinututukan ito ng patalim sa leeg. Pupunta na sana ako nang biglang tumakbo si Jake sa kinaroroonan nung lalake. Hindi yun napansin ng lalake kaya nawalan siya ng malay nang hinampas siya ni Jake sa batok. Umiiyak naman na tumakbo ang bata sa mama niya. Naalala ko tuloy sila mama.

Pumunta narin kami kay Jake pagkatapos niyang pabagsakin ang lalake.

"Maraming salamat" sabi ng ginang. Tumango lamang si Michael at nginitian yung batang babae.

Andrei's POV

"Lyca pupunta muna ako sa bayan. Bibili lang ako ng mga pagkain" paalam ko kay Lyca. Tumango lang siya. Ang ganda talaga niya.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon