Jared's POV
"Hyung ilagay mo na yang Earth orb dito" sabi ko kay Lance hyung saka tinuro yung butas sa tarangkahan. Lumapit siya doon at inilagay ang earth orb. Nagkaroon ng hati ang tarangkahan pagkakabit niya non at ilang segundo pa ay tuluyan na itong bumukas. Kapagkuwa'y muling sumara nang nakapasok na kami. Grabe napakalaki pala ng kahariang to, Akala ko sabi-sabi lang na ang Earth Kingdom ang pinakamalaking kaharian dito sa World of Magics pero ngayong nakita ko na ito ay naniniwala na ako na ito nga ang pinakamalaki sa lahat.
"Arrrrrr!" isang malakas na ungol ang pumukaw sa pansin namin kasabay ng pagsigaw ni Iris. Nakita kong hawak-hawak ng isang cyclops na gawa sa bato si Iris habang nagpupumiglas ito.
"Guys, Tulong naman please" pagmamakaawa niya. haha ang cute lang. Nagpalabas ako ng water waves saka itinira sa cyclops pero masyadong malaki ang cyclops at konti lang ang natanggap niyang damages. Sumugod na rin sina Jake hyung pero bago pa nila tamaan ng pinagsama-sama nilang kapangyarihan ang cyclops ay nilamon na ito ng lupa kasama si Iris.
"Shit" mura ni Jake hyung saka sinummon ang dragon niya.
"Wait hyung san ka pupunta?" tanong ko.
"I will save her" sabi niya saka mabilis na pinalipad ng dragon niya papunta sa palasyo. Ganun din ang ginawa nila Lance at Michael saka sinundan si Jake.
"Ahhh! wait lang" sabi ko saka humabol sa kanila.
Lance's POV
Kaasar! di ko man lang napigilan yung nilalang na yun sa pagkuha niya kay Iris. Agad kaming pumasok sa palasyo ng makarating kami. Pinabalik narin namin ang mga dragons sa tattoo form nila.
"YOw! kamusta?" sabi ng isang boses nang makapasok kami sa bulwagan ng palasyo. Tinignan ko kung san nagmula ang boses at nakita ko si Jun na naka-upo sa trono ng hari, suot niya ang makasaysayang Earth Royal Armor na pinamatibay na kalasag sa kasaysayan. Ngayon ko lamang ito nakita ng personal at talaga namang kahanga-hanga ito.
"Where's Iris?" Jake said. I saw his eyes turned red. Ngayon ko na lamang siya ulit nakitang nagkaganyan. Ang huli ay nang mamatay ang mama niya. Galit siya and I'm sure of it.
"Chill! Kung gusto mong mabawi ang elemental mage kailangan munang malamapasan ni Lance ang pagubok ko" Nakatingin siya sa akin habang sinasabi ang mga katagang yon.
"ano ba ang pagsubok mo?" I said. I saw his lips formed a devilish grin. Tss. Kaasar.
"Simple lang. Choose who will you save. Iris or Jared?" pagkasabi niya non ay lumitaw sa tabi niya sina Iris at Jared kapawa naging bato. Kailan pa napunta doon si Jared?
"Curious kayo kung pano siya napunta dito?" sabi ni Jun. Walang sumagot sa kanya pero nagpatuloy parin siya sa pagsasalita.
"Simula palang ng pagtapak niyo sa palasyo ay nakuha ko na si Jared. Hindi niyo man lang ba napansin? Hindi kayo karapat-dapat na maging guardian kung mga sarili niyo hindi niyo kayang protektahan" pang-iinsulto niya.
"Wala kang karapatang insultuhin ang kahit sino sa amin" sabi ni Jake. Nakramdam ako ng malakas na enerhiya. Shit! He's really mad. Umapoy ang buong katawan ni Jake saka bigla nalang nawala sa paningin ko. Nakita ko na lamang siyang sinugod si Jun gamit ang burning fist niya pero nasalo lamang ito ni Jun gamit ang isang kamay. Pinalibutan niya ng bato ang kamay niya para hindi masaktan sa apoy ni Jake.
"Michael Make him sleep" dali-dali kong sabi kay nMichael. Kailangan niyang maktulog para humupa ang galit niya. Kung hindi siya mapipigilan siguradong isang malaking gulo ang aabutin nito.
Tumango lamang si Michael saka tinignan ng maigi si Jake. Nakita ko kung paano nagbago ang mga mata niya at napaliatan ng kulay gray. Isa yang wind technique na ginagawang unconcious ang biktima hanggang sa mawalan to ng malay. Ilang sandali pa ay nakahiga na sa sahig si Jake. Kinuha ko siya at isinandal sa isang haligi ng palasyo, ok na siguro siya dito.
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings