Chapter 33: The Fall of the Darkness

9.8K 288 35
                                    

Iris

Humarap ako sa kanya habang dahan-dahan tumatayo. Ang sakit ng katawan ko, pero hindi ao dapat sumuko. Hindi ko hahayaang magtagumpay ang Dark King sa pagsakop sa mundong ito. Naglabas ng malakas na enerhiya ang Dark King at inipon ang itim na enerhiyang iyon sa kamay niya. Unti-unti itong naging isang malaking Dark Energy ball na siguradong mamamatay ang sino mang tamaan ng atakeng iyon.

"Paalam na Elemental Mage" he said while aiming the Dark energy ball to me. Parang slow motion na lumilipad ang Dark Ball papunta sakin. Hindi ako makapagisip ng gagawin, halos wala nang natira sa kapangyarihan ko dahil sa ginawa kong atake kanina. Hinihintay ko na lamang na tumama sa akin ang itim na bolang iyon. Napalunok ako ng dalawang metro nalang ang layo  ito sa akin.

Nandun sila, silang lahat. They used their power to counter the Dark Ball. Lumingon silang lahat sa akin bago sila matamaan ng Dark ball. Why? Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Tumakbo ako sa mga makahadusay nilang katawan, halos di ako makagalaw ng marating ko ang kinalalagyan nila. Jake,Michael, Lance,Jared,Angel,Lyca lahat sila nakahandusay sa lupa habang duguan ang mga katawan.

"Ate" tawag sa akin ni Aria. Kasama niya si Raven at Luna na hindi makapaniwala sa nangyayari. Nasa unahan nila ang mga magical pets ko na nakatingin sa akin ng seryoso.

"Ooh. Ang mga kapatid ng prinsesa. Sino ang isusunod ko?" Sabi ng Dark King. "Ikaw?"   Turo niya sa akin. "Oh sila?" Turo  niya sa mga kapatid ko. Hindi! Wala ng magsasakripisyo dahil lang sa kahinaan ko hindi ko na hahayaan pang may madamay. Unti-unti akong tumayo at ngumisi sa kanya. Hindi ko alam ang nangyayari sa katawan ko. May kakaiba akong nararamdaman.

Cross Knight

Nagtago ako kasama ang  mga prinsepe ng EXO planet sa isang kweba na malapit sa kaharian. Hindi ito madaling makikita ng mga kalaban dahil sa spell na ginawa ni Suho. "Hyung bakit pati ang taga Naturia nilabanan tayo? Akala ko ba kakampi sila?" Tanong ni Kai kay Suho.

"I don't know" sabi nito habang seryosong nagiisip.

"The King's strategy was off. Ginamit ng Haring Andromeus ang mga nalalaman ng Naturia para manalo sila sa labang ito" sabi ko.

" Naturians are double agents. Nagsilbi silang spy para malaman ang mga gagawin natin" tuloy ko pa na sinang-ayunan ni Suho at Kris.

"Ano ng gagawin natin hyung?" Tanong ni Tao na nagaalala sa mga pwedeng mangyari.

"Papunta na dito ang mga hari ng EXO planet kasama ang mga sundalo ng kaharian para tumulong" Chanyeol said kaya napatingin sila sa kanya. "What? Kinontak ako ni ama" sabi niya.

"May pag-atha na ba tayong manalo?" Tanong ni Sehun. Natahimik sila. Maging sila ay hindi alam kung makakaya bang talunin ang limang Elite Kingdom na kasalukuyang nasakop na ang Elementalia.

Lumabas kami sa loob ng kweba nang makapagpahinga kami at magamot ni Lay ang mga sugat na natamo namin sa laban. Tinanaw  ko ang buong palasyo mula sa kinatatayuan namin. Maraming nasira sa mga parte ng palasyo pati na sa bayan sa ibaba. Natanaw ko ang isang  lalaking Earth Fairy na papunta sa amin. Tumigil siya sa harap ko at nagsalita. "Master, nakakulong ang Hari sa nullifying Jail" balita nito. Tumango ako sa kanya at bigla nalang siyang naglaho. Bumalik na siya sa mundo nila.

"We have to save the King first" sabi ko sa kanila. Tahimik lamang silang tumango. Ilang minuto ang lumipas ng may bumukas na isang malaking portal malapit sa kinatatayuan namin. Lumabas mula doon ang labindalawang Hari na nakasuot ng kani-kaniyang metal armor. Yumuko ako bilang paggalang ganun din ang ginawa ng mga prinsepe na nasa likod ko.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon