Iris' POV
Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon. Si mom at dad ay hari at reyna ng lugar na to?
"I'm dreaming" nasabi ko nalang habang nakatingin sa kanila. Nakatingin lang din sila sa akin habang nakangiti. Nangingilid pa ang luha ni mom.
"Maupo kayo. Pagsaluhan natin ang isang masaganang hapag" dad said habang nakangiting nakatingin sa akin. Umupo nalang ako.
"Mom. Dad" usal ko. Napatingin naman sila sa akin. Nakita ko ang paghawak ni mom sa braso ni dad. "Anak, mamaya magpapaliwanag kami" rinig kong sabi ni mom sa isip ko. Tumango nalang ako sa kanya at nagpatuloy nalang sa pagkain. Nakaramdam ako ng pagtitig kaya tinignan ko siya, ngumiti lang si Cross at saka kumindat. Nakita ko ang pagsama ng tingin ng Duke sa kanya haha yan tuloy.
"Masaya ako't nandito na kayo mahal na prinsesa" sabi ng Duke na ama ni Cross. Si Duke Zion ay ang kanang kamay ni papa yan ang sabi ni mama sa isip ko habang kumakain. Napatingin kasi ako sa Duke kanina kaya pinaliwanag niya kung sino iyon.
"Maraming salamat po" sabi ko. Pagkatapos kumain ay umalis narin ang Duke at si Cross.
"Anak. Namiss kita" sabi ni mama nang makapunta kami sa kwarto nila ni papa. Niyakap niya ako, I hugged her back. "Namiss ko rin kayo mama" I said. Matagal ko silang hindi nakita.
"Sorry anak kung naguguluhan ka." Sabi ni papa. Lumakad siya papunta sa akin at niyakap ako. I missed him.
"Ma,pa, ano po bang nangyayari? Bakit tayo nandito? Anong lugar to?" Tanong ko ng makakalas sa yakap. Tumikhim si papa at nagsalita..
"Iris anak. You're here in our world. Nandito ka sa Elementalia." Sabi niya na ikinagulat ko. "What do you mean dad? Hindi ba mortal lang tayo na biniyayaan ng kapangyarihan? Diba gifted mages lang tayo?"
"Hindi tayo mortal o mamamayan ng World of magics. Ang tawag sa atin ay Elementalians. Ang pamilya natin ang namamahala sa buong Elementalia at tagapamagitan ng iba't-ibang dimensyon." Paliwanag ni mama. Hindi ko parin maintindihan.
"Bakit po tayo nakatira sa Mortal World?" Naguguluhan kong tanong.
"Dahil may balak na kunin ka ng ibang planeta at dimensyon na may galit sa amin kaya ipinadala ka namin sa mundo ng mga tao para hindi ka nila makuha. Ang Mortal world ang kaisa-isang dimensyon na bawal pakiealaman. Kaya ka namin naisipang ipadala doon." sabi ni mama na parang nalungkot. "Kapag nasa school ka at kapag sinasabi namin na may trabaho kami ay pumupunta kami dito para gawin ang mga tungkulin namin." Dagdag pa ni papa.
"Pasensya ka na anak ha. Kung di namin agad nasabi sayo. Gusto ka lang namin protektahan." Naluluhang sabi ni mama kaya naman niyakap ko siya. "Okay lang po. Alam ko naman na nahihirapan rin kayo" sabi ko. "Payakap nga rin ako anak. Naiinggit ako" parang batang sabi ni papa kaya nakiyakap narin siya sa amin.
"Group hug!" Rinig kong sigaw ng dalawang bata at nakiyakap sa amin. Sila Aria at Raven. Natawa ako sa kanila dahil ang liliit nila. Kanina pako nagtataka kung sino ba talaga tong mga batang ito eh. Wait-- hindi kaya...
Kumalas ako sa pagkayakap at gulat na nagtanong kila mama at papa.
"Dad, mom, mga kapatid ko ba sila?" Ngumiti lamang sila at tumango. How come na may kapatid ako?
"Sabi ko sayo magugulat iyan kapag nalaman niya na kapatid niya tayo eh" pagmamalaki ni Raven kay Aria. "Ang ganda ko daw kase hihihi" maliit na tawang sabi ni Aria. Tinignan ko sila mama.
"Naalala mo nung sinabi ko na pumunta si mama kila lola mo?" Tanong ni papa. Tumango ako.
"Manganganak noon ang mama mo kaya siya wala sa bahay. Hindi totoong nakunan siya"
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings