Iris' POV
Pagkatapos maglaho ni Eliza ay bumalik narin sa dati ang paligid, napunta na ulit kami sa loob ng palasyo. Di ko akalaing gabi na pala, may araw paka kasi kanina sa lugar na maraming burol kaya nakakapagtakang madilim na ang paligid dito sa palasyo.
Dahil mahihirapan na kaming maglakbay dahil gabi na ay napagpasyahan naming magpahinga na muna. Para narin hindi masyadong mapagod si Michael. Pinagaling na siya kanina ni Jared gamit ang healing ability niya na isang special ability ng isang water element user, pero mababaw na sugat lamang ang kaya niyang mapagaling hindi tulad ng mga healing ang power na kayang gamutin kahit malalim pa ang sugat na natamo kaya medyo may kaunti pang gasgas si Michael pero ang sabi ni Jared agad din itong maghihilom dahil likas sa mga mages ang agad gumagaling ang mga natatamong sugat.
"Saan ang susunod nating pupuntahan?" tanong ni Jared. Nasa isang bahay kami na gawa sa mga bato, ginawa ito ni Lance kanina mula sa earth power niya. Maaasahan talaga ang mga power nila.
"SA Earth Kingdom" seryosong sagot ni Lance na ikinatingin namin sa kanya, why so serious? hindi naman siya ganito magsalita ah, kadalasan kase lagi lang siyang nakingiti.
"Is there any problem?" tanong ni Jake kay Lance. Parang natauhan naman ang huli saka kami tinignan.
"Huh? ah wala wala naman." pilit na ngiti niya saka nagiba nang direksyon ang tingin. Napansing ko ring pagkatapos magsalita ni Jared kanina ay bigla siyang tumahimik saka nakayuko lamang.
Nang makakuha ng tiyempo nakita kong nagiisa si Jared sa tabi ng isang malaking puno saka nakaupo sa isang malaking bato. Nilapitan ko siya.
"May problema ba? napansin kong kanina ka pa tahimik. Nasan na yung kakulitan mo?" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya saka nagsalita.
"Wala naman akong problema pero iniisip ko kasi si Lance hyung"
"Bakit naman?" tanong ko. tumingin siya sa akin.
"Natatakot akong baka maulit nanaman sa kanya yung nangyari sa Academy dati"
"Ano ba yun?"
" Siguradong malakas ang makakalaban niya. Baka hindi niya makontrol ang sarili niya pag nagkataon. Nangyari na sa kanya ito dati nang makalaban niya si Michael hyung sa isang battle, Dahil sa kagustuhan niyang manalo hindi niya nakontrol ang sarili niya at nagpalabas ng malakas na kapangyarihan. Halos masira ang buong battle ground dahil sa earth power niya. Pati siya ay labis na naapektuhan sa pag release ng ganung kaytinding kapangyarihan. Ilang araw rin siyang namalagi sa ospital ng Academy dahil don" mahaba niyang salaysay makikita sa mga mata niya ang labis na pag-aalala para kay Lance.
"Ganun ba? pasensya na ha? wala akong magawa para sa inyo. Kung may kapangyarihan pa sana ako hindi mangyayari sa inyo to. "
"Kahit meron o wala kang kapangyarihan nakaukit na sa kapalaran namin ang maging guardian mo. Kami ang pinili ng mga dyos at syosa ng apat na elemento para tulungan ka sa pakikipaglaban sa kasamaan ng mga DArk Mages. Hwag mong sisihin ang sarili mo. Lahat kami dito ay hindi ka sisisihin kahit na ano man ang mangyari sa amin" sabi niya saka ngumiti.
"At tsaka mas malakas na ngayon si Lance hyung siguradong kaya niya yun" pahabol pa niya saka tumayo at naglakad na papunta sa batong bahay. Loko yun ah nagdrama pa tapos sasabihin ding kaya naman yun ni Lance. Ewan ko sa batang yon. Pumasok narin ako sa bahay na bato saka humiga sa higaan ko na gawa rin sa bato, linagyan nalang namin ng mga kumot na dala namin para hindi gaanong matigas ang hinihigaan namin. Tinignan ko yung tatlo sa sari-sarili nilang higaan , pare-pareho na silang tulog pati si Jared na kausap ko lang kanina. Grade tong batang to naghihilik pa haha. Namalayan ko nalang na nakangiti nako habang pinagmamasdan sila. Salamat, salamat dahil nagkilala ko ang mga taong ito na handa akong protektahan anumang oras. SAna sa susunod dumatinng din ang araw na ako naman ang poprotekta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Academy Of Mages(Completed)
FantasyBeing powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings