Yuri's:
Kinaumagahan:
Maaga akong hinatid ni papa sa Aragon High, gamit ang tricycle na kinumpuni nya sa kompanya na pinagtatrabahuhan nya. Agad akong bumaba doon at napanganga ako ng literal ng makita ko ang kabuuan ng Aragon High, masasabi mo talaga na hindi basta basta school lang ang Aragon High kung hindi isa itong Elite school na nararapat lang para sa mga mayayaman. "Yuri, goodluck sa unang araw mo ha. Oh paano aalis na ako at baka hanapin na 'tong tricycle baka hinahanap ng may ari, ingat anak." Sabi ni Papa saka nya pinatakbo ang kanyang Tricycle. Agad naman akong pumasok sa loob ng eskwelahan at naglakad na para libutin ang kabuuan ng school na ito.
Kinuha ko naman ang brochure ko sa bag ko at agad kong hinanap ang map doon, sa pag-iikot ikot ko may narinig akong ingay sa daraanan kong bakanteng room. Sisilipin ko na sana 'yun nang may lumabas na mga lalaki doon, halos hindi ko mabilang kung ilan ang mga lalaking 'yun pero ang nakatawag ng pansin ko ay isang hikbi na galing sa babae. Kaya naman ng mawala na ang mga lalaki agad akong pumunta sa loob ng bakanteng room na 'yun at nakita kong may babaeng nakahandusay sa sahig puro punit ang uniform at napakagulo ng buhok nito. Agad ko syang nilapitan pero agad din syang napaupo at lumayo saakin. "Wag kang lalapit! Wag kang lalapit! Tama na, ayoko na. Patayin nyo na lang ako. Patayin nyo na lang ako." Sabi nya habang humihikbi pa din sya. Dahan dahan akong umupo sa may harapan.
"Ako si Yuri, hindi ako masamang tao. Tutulungan kita, kaya wag kang matakot saakin. Sabihin mo lang saakin kung sino ang may kagagawan nyan at patutumbahin ko sila." Sabi ko. Agad na napatingin naman sya saakin. At bahagyang napatigil na din ang pagluha nya.
"Ako si Kyla. Hindi nila ako pinagsamatalahan, hindi nila ako ginalaw tinakot lang nila ako. Dahil..... dahil may nagawa akong kasalanan sa TUX4. Alam mo, napakaswerte ng mga magiging kaibigan mo kasi ikaw yung tipo ng tao na kahit na hindi mo kilala tutulungan mo. Maraming salamat Yuri." Sabi nya. Saka sya tumayo at naglakad papalabas pero hindi pa man din sya nakakalayo ng magsalita sya uli."Hindi mo sila kakayanin, hindi mo kakayanin ang TUX4 dahil mas tuso pa sila kesa sa mga demonyo." Sabi pa nya saka sya tuluyang umalis.
Napatayo naman ako saka ako lumabas ng room na 'yun, hindi ko lubos maisip na elite ang school na 'to pero may ganon pa palang nangyayari? At mas masahol pa 'to sa inaakala ko, pero ang isa pang katanungan na bumalot sa isipan ko, sino ba ang TUX4?
--Hell's:
"Young Master, nandito na po tayo sa Aragon High." Sabi ni Mr. Torres. Agad ko namang binitawan ang IPAD ko at inilagay 'yon sa bag ko saka ako bumaba ng kotseng sinasakyan ko.
"Pakidala na lang ang bag ko. Mauuna na ako." Sabi ko saka ako naglakad papasok ng school saka ko nakita sina Jeremy at Isiah. Agad naman nila akong nilapitan at nginitian.
"Kanina ka pa hinihintay ng magandang balita, Hell. Good news pare, sa tinagal tagal na 2 weeks si Kyla Andrea Miranda nag-drop na sa Aragon High." Sabi ni Jeremy. Agad naman akong napangiti ng nakakaloko nang marinig ko ang balitang 'yon kaya naman masaya akong nakipag fist bump sa kanila. "Pero may bad news din. Dahil kaninang umaga nung umuwi sya agad syang dinala sa mental hospital dahil na rin sa nakakatrauma na nagawa sakanya. Kawawa naman sya." Sabi pa ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...