WSMTBB: Last Chapter

217 3 0
                                    

Third's Person's POV:





Hanggang ngayon hindi pa rin mapakali sina Dylan sa pagaalala dahil kay Yuri, halos wala silang magawa dahil ngayon hindi na sila pinapaalis ng hotel, nagkatinginan naman sina Jeremy at Isiah kaya naman napatingin sakanila si Aishelle, hanggang ngayon umiiyak pa din at hindi alam ni Aishelle kung ano na din ang gagawin nya halos mahimatay na sya sa kaba para sa kaibigan nya. "Aishelle, tumahan kana, sigurado ako magiging maayos si Yuri. Sa ngayon kailangan natin maghintay, kailangan natin magtiwala ngayon. Malay natin kung nandoon na pala si Hell diba? Kaya naman tumahan ka na, Aishelle kukuha ako ng hot chocolate para sayo." Sabi ni Isiah, tumango naman si Aishelle habang sina Dylan at Jeremy ay sumama din kay Isiah para mag hot chocolate din para naman kumalma sila.



Habang papunta sa may pantry sina Isiah may bigla silang narinig na naguusap sa may lounge, kaya naman nakinig sila doon. "Sarah, nalaman ko na sumugod sa malakas na ulan si Yuri, baka mapahamak sya e kung ibalik na kaya natin tong necklace." Sabi ni Minchin.



"Shut up, wala akong pakialam kung anong mangyari sakanya, sya ang pumili ng ikasasakit nang katawan nya. Tignan lang natin kung pagkatapos nito ay may muka pa syang maihaharap. Ang kapal kasi ng mukha nya na tumanggap nang regalo kay Hell, ugh she's so annoying talaga." Sabi naman ni Sarah. Tila nagiba ang ekspresyon ng tatlo habang naririnig nila ang pinaguusapan nang tatlong maldita sa lounge. Nagkatinginan silang tatlo saka sila lumabas doon sa pinagtataguan nila. Bigla naman nagulat ang tatlong babae dahil sa paglabas ng mga ito, agad na hinawakan ni Isiah ang braso ni Sarah at halos mabali ang buto nito sa higpit ng pagkakahawak nito. "Ouch, let me go. Nasasaktan ako, Isiah." Sabi nya pa sa binata.


"Ang lakas ng loob nyo na paglaruan si Yuri, ang lakas ng loob nyo na sya pa ang ginawan nyo ng ganyang bagay, pwes ngayon magkakasubukan tayo." Sabi ni Isiah. Hinawakan naman sya ni Jeremy sa may balikat nya.


"Chill ka lang bro. Mabuti pa ibigay nyo na samin ang kwintas at papalampasin na muna namin ang ginawa nyo na to kay Yuri." Sabi naman ni Jeremy. Agad naman na binigay ni Sarah ang kwintas saka umalis si Isiah at Jeremy. Pero nagulat ang tatlo kung bakit nandoon pa din si Dylan, tinignan sila ni Dylan ng masama saka dahan dahan silang nilapitan.


"Sa oras na may mangyaring masama kay Yuri, baka makalimutan ko na babae kayo at kung ano pa ang magawa ko sainyo." Sabi ni Dylan, saka niya nilampasan ang tatlong babae, halos hindi naman sila makapaniwala na ang mismong TUX4 ang lumalaban sakanila para kay Yuri. Halos mapiktal ang ugat sa leeg ni Sarah dahil sa sigaw nya.


Samantala sa malamig at maulan na labasan tila nanatili at naglalakad pa din si Yuri, halos basang basa na sya pero hindi parin talaga sya sumusuko sa paghahanap, bigla na naman nya tuloy naalala yung mga panahong ibinigay sakanya yun ni Hell. Hindi man nya napakita kay Hell na sobrang saya nya dahil binigyan sya ng necklace ni Hell, alam nyang sa puso nya nandoon ang kasiyahan na nararamdaman nya, alam nya sa sarili nya na hindi sya sweet na tao pero kahit ganon pa man napaparamdam nya pa din kung gaano kahalaga sakanya ang isang tao, kaya naman hindi nya susukuan hanapin ang kwintas. At maya maya pa nga'y natumba na sya, tila ba hindi na kinaya ng paa nya dahil nakirot na naman ito. Kaya naman nanatili na syang nakahiga sa malamig na bato, habang sinasalo pa rin ang malakas na ulan nang biglang may marinig sya na natawag sakanya.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon