Chapter Two:

517 13 0
                                    

Yuri's:


"TUX4? Alam mo minsan ko nang narinig ang pangalan ng grupo na 'yan at ayon sa source ko mga gwapings daw ang mga lalaking 'yan." Sabi ni Aishelle habang naglalagay ng bagong cupcake sa may oven.


"Anong gwapings ang pinagsasabi mo dyan? Ang sabihin mo mga kamag anak kamo ni Satanas, kalahi ng mga walang pusong tao. Masyadong makakapal ang libag nila sa katawan para ipahiya ang mga inosenteng estudyante doon. Alam mo mas masahol pa sila sa mga mamamatay tao, naku one of these days sisiguraduhin kong pagsasapakin ko ang mga 'yun." Sabi ko habang galit na galit kong niyuyupi ang hawak kong karton.


"Pero alam mo, Yuri. Hindi talaga sila mga ordinaryong tao lang. Tignan nyo 'to." Sabi ng manager namin na para bang trabahador din dito kung magisip. Agad naman kaming lumapit ni Aishelle kay Boss Mike at tinignan ang laptop nya. "Etong isang 'to? Sya si Jeremy Jordan Arcero, alam mo ba na sila ang nagmamay ari ng iba't ibang sikat na restaurant dito sa pilipinas? At alam mo ba kasanib ang pamilya nila sa isang Mafia, at ang ama nito ang pumalit na pinuno matapos sumakabilang buhay ang lolo nya. At sa susunod na henerasyon, si Jeremy Jordan na panigurado ang susunod na tagapagmana ng buong kayamanan ng angkan ng Arcero." Sabi ni Boss Mike.


"Oh teka sya ang pinakamagaling na chef sa buong mundo ha, atsaka diba anak sya ng great painter na si Arturo Noval?" Bigla kong sabi kay Boss Mike. Nang ilipat nya sa susunod na larawan. Tumango tango naman sya pero sabay na nanlaki ang bibig namin ni Aishelle sa sumunod na picture. "Teka, boss Mike. Wag mong sabihin na anak 'yan nung chef at apo yan nung great painter?" Bigla ko pang sabi.


"Oo, sya si Isiah Lawrence Noval. Ang apo ng Great Painter na si Arturo Noval, na may ari ng pinakasikat at napakalaking museum sa buong mundo ang Novalichē Museum. At anak ng pinakasikat na chef hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa na si Ian Noval. Hindi lang sya basta basta tagapagmana ng museum nila sya din ang bagong head chef sa restaurant nila sa Paris, sya din ang pinagkakatiwalaan ng angkan ng mga Arcero para sa kanilang business, may sarili na rin syang studio at sariling resto dito sa pilipinas  kaya kung tutuusin isa syang tunay na talentado." Sabi ni boss Mike. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakikita at napapanood ko. I sighed, pero napansin ko na hindi pa ata tapos ang Introduction kaya naman nakinig na muli ako kay boss Mike.


"Teka, Boss diba Anak yan ng dating Presidente ng China diba? Si Mrs. Florence Lim? Saka sino 'tong bata na kasama nya?" Tanong naman ni Aishelle.


"Sya? Sya si Dylan Daniel Lim." Tila napatigil ang tibok ng puso ko nang makita ko ang litrato nya sa laptop. Lahat ng litrato nya na naroon ay hindi man lang nagpapakita ng kasiyahan. "Namatay ang magulang nya nung 5 years old sya dahil sa isang aksidente namatay din ang lolo nya matapos nito matanggal sa pwesto bilang Presidente ng China noong mamatay ang magulang nito. Kaya naman ngayon ay nag-iisa na lamang sya ngunit lahat ng mana sakanya napunta. Mula sa Music Theatre na tinayo ng tatay nya dito sa Pilipinas pati na din ang Hospital na tinayo dito ng kanyang ina na syang naging doktor din sa nasabing Hospital. Ngunit ang pinakapinagtuuunan nya ng pansin? Ang pagiging magaling nyang guro sa mga bata, tinuturuan nya ng music instruments ang mga batang nais matuto at namana nya ang iyon sa kanyang ama at lolo. At alam mo ba na sila din ang nagmamay ari ng isa sa mga pasyalan sa China kaya naman hindi rin biro ang pagkatao nya." Nakatitig pa din ako sa litrato nya. Nang ilipat na ni Boss Mike sa susunod at tila kumulo ang dugo ko nang makita ko ang pagmumuka ng lalaking kamag anak ni Satanas.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon