Yuri's POV:
Pagkarating ko ng coffee shop nung hapon ay para bang halos ng tao doon ay natakot dahil sa itsura ko. Magulo ang buhok ko, sira sira ang uniform ko at para bang kinalmot ako ng maraming pusa dahil sa mga kalmot na natamo ko sa mga kaklase ko at hindi lang yun, halos magkapasa na ako dahil sa mga natamong kong suntok ng ibang estudyante saakin. Nagaalala akong nilapitan ni Boss Mike at ni Aishelle agad naman nila akong dinala sa opisina ng coffee shop, at agad akong kinuha ni Aishelle ng makakain at maiinom, kinuha naman ako ni Boss Mike ng pamalit na damit at pinagayos nila ako.
Matapos kong maayos ang sarili ko ay tila ba nakatulala pa rin ako na nakatingin sa kawalan, naisip ko ganon na ba talaga ang pagkamuhi ng mga kaklase ko sakin para gawin nila saakin ang ganitong bagay? Sana pinatay na lang nila ako kesa naman pahirapan pa nila ako nang ganito. Maya maya pa naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko, hindi ko na kaya gusto ko na atang sumuko ayoko na ng ganito. Hanggang sa mapasok na naman sa isip ko ang mga katagang sinabi saakin kanina ni Hell, na halos ikahagulgol ko na nang maalala ko.
"Yuri, nandito sina Isiah at Jeremy." Biglang sabi saakin ni Aishelle, at maya maya pa nakita ko na pumasok na sa loob ng opisina ang dalawang lalaki. Hinawakan nila ang balikat ko, napatingala naman ako at tila ba nagiba ang ekspresyon nang muka nila ng mapagmasdan nila ang buo kong katawan.
"Hindi ko inakala na may mas lalala pa na mangyayari sayo, pero wag kang magalala, Yuri tutulungan ka namin. At gusto naming sabihin sayo na naniniwala kami sayo." Sabi ni Isiah. Tapos ngumiti sya saakin sunod ko naman na tinignan si Jeremy tapos tumango sya saakin at ngumiti din. Tila ba nang mga oras na yun nawala ang lahat ng takot ko, nawala ang pangamba ko at nasabi ko na lang sa sarili ko na salamat sa dalawang ito.
Hanggang ngayon tinitignan pa rin nila ang picture ko at nang lalaking di makita ang muka, para bang inaalam nila kung sino at kung saan naganap ang set up na yun. Si Aishelle naman at si Boss Mike ay tila hindi din mapakali dahil hindi rin nila halos malaman kung papaano ako naset up ng ganon, at kahit sila mismo hindi makapaniwala. "Hindi kaya may isang taong galit sayo, kaya naman nagawa nya ang bagay na yan sayo." Biglang sabi ni Aishelle, napatingin naman ako sakanya at nagisip kung sino ba ang pinakagalit saakin at unang pumasok sa isip ko ang tatlong maldita na ayaw akong tantanan pero imposible kasi nung mga time na yun wala naman sila doon sa bar.
"Tingin ko hindi lang galit ang nararamdaman nya sayo, kasi kung simpleng galit lang bakit kailangan ka pa nyang iset up ng ganito at ipinakalat nya pa sa buong school. Sa tingin ko, kung hindi ka kinamumuhian nito, naiinggit sya sayo." Sabi naman ni Isiah. Napaisip naman ako.
"Teka, sino naman maiinggit saakin? Eh ni hindi naman ako mayaman ni wala nga akong kahit na ano, tapos maiinggit pa sya saakin. Nakakaloko naman ang taong yun para mainggit saakin." Sabi ko naman. Tila napapalo naman si Aishelle ng mesa at may naisip pa.
"Sa tingin ko hindi sa karangyaan naiinggit sayo ang taong gumawa nyan. Tingin ko siguro dahil meron isang bagay ay hindi mali isang tao na nasayo pero wala sakanya. Sa tingin nyo?" Agad na nagkatinginan sina Isiah at Jeremy sa sinabi ni Aishelle. At tumango tango naman sila, napangiti naman si Aishelle at para bang namula. Hay, inuna pa ang kilig nya kesa dito sa iniisip namin.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...