Chapter Thirty:

241 3 2
                                    

Yuri's POV:



Matapos kong makita si Dylan sa may park bench agad nya akong isinama sa bahay nya, dinala nya ako sa kusina at pinaupo doon tinignan ko naman kung ano ang ginagawa nya, napansin ko namang gumagawa pala sya ng cupcake kaya naman lumapit ako doon at nanood malapit sa ginagawa nya. Napangiti ako ng makita ko kung gaano kaperfect nya ginawa ang chocolate cupcakes at matapos nyang mailagay ang lahat sa mga paper cups agad nyang nilagay yun sa oven, at niluto na yun. Naghintay lang kami ng ilang minuto hanggang sa maamoy na namin ang mabangong aroma nung chocolate cupcake. Dali dali nyang tinanggal yun sa oven at pinalamig yun ng lumamig na nilagyan nya yun ng strawberry syrup sa ibabaw saka nya binigay sakin yun. Napatingin naman ako sakanya, pagtingin ko sakanya nakangiti ko ang malapad nyang ngiti. "Tikman mo, sigurado akong pagtapos mong tikman yan malilimutan mo na ang pangalan mo, mawawala pa ang stress mo." Sabi nya. Kaya naman napangiti din ako saka ko kumagat sa cupcake tila nasarapan ako sa lasa non, totoo pala ang kasabihan no? Na kapag stressed ka kumain ka lang ng matatamis at sure na sure na mawawala yun, ngayon masasabi ko na nabawasan kahit papaano ang stress na nadadama ko simula kanina.

"Yuri, nga pala ready ka na ba para bukas?" Tanong ni Dylan saakin? Napatingin naman ako sakanya at tila naguguluhan.

"Anong ready na ako? Bakit ako magreready? Ano bang meron?" Tanong ko sakanya. Ngumiti muna sya saka sya lumapit saakin.

"Malalaman mo bukas, kaya ihahatid na kita dahil bukas maaga ang alis natin okay? Let's go." Sabi nya saka nya ako hinila paalis sa bahay nya at ayun na nga hinatid na nya ako sa bahay.






Kinabukasan.





Nang magising ako kinaumagahan, nagayos na ako agad at nagbihis ng maayos. Magiimpake narin sana ako ng damit ko nang may makita akong bag sa tabi ng kama ko, binuksan ko naman yun at nanlaki ang mata ko dahil handa na ang lahat ng gamit ko. Grabe, kakaiba talaga magayos ang nanay ko kaya naman dinala ko na yun at lumabas na, paglabas ko nabigla ako dahil nandoon na ang TUX4 pati na rin si Aishelle, nakangiti sila saakin kaya naman ngumiti din ako sakanila, agad naman kinuha ni Hell ang gamit ko saka kami umalis at sumakay na sa sasakyan. Makalipas ang ilang oras na byahe nakarating na kami sa Tagaytay, namangha na naman ako sa mga nakikita ko alam ko na dalawang beses na ako nakakapunta dito pero hanggang ngayon namamangha pa rin ako. Bumaba na kami at pumasok na sa hotel, nang makapagcheck in na kami ay nalaman ko na share pala kami ng room ni Aishelle kaya naman masaya kaming pumunta sa kwarto namin.

Halos napanganga kami dahil sa laki ng kwarto dalawa ang kama doon at tila ba sabay kami ni Aishelle na napahiga doon at nagtawanan naglundagan pa kami doon dahil sa sobrang lambot, kakaiba talaga magisip ng bakasyon ang TUX4 minsan talaga napapabilib na nila ako. Bago kami maglunch ay nagyaya muna si Aishelle na mamasyal daw muna kami, kaya naman nagsuot ako ng panlamig pati na din sya at masaya naming nilibot ang tagaytay, sobrang namangha kami sa ganda nito, may mga makikita ka na iba't ibang souvenir doon. Sobrang enjoy talaga namin ni Aishelle sa paglilibot kaya naman hindi namin namalayan ni Aishelle ang oras at ng mapatingin kami sa relos magaalas kwatro na pala, kaya pala nakalam na ang sikmura namin kaya bumalik na kami sa hotel at kumain na.





Kinagabihan.






Hell's POV:




Hindi ko na inistorbo ang bonding nang magkaibigan kaya naman sa iisang kwarto nagbonding din kami ng TUX4, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama na naman kami ni Yuri sa trip, maya maya pa kinuha ko ang maliit na box sa bulsa ko at binuksan ko yun, pagkabukas non kinuha ko ang kwintas na garnet na bato pero heart shape sya. Napangiti ako ng pinagmamasdan ko yun. Nagulat ako ng may kumuha sa kamay nung kwintas nakita ko naman na tinitignan na nila Isiah at Jeremy yun. "Grabe Hell, ano to? Para saan ang kwintas na to? Ibig sabihin ba nito pagtapos ng kwintas, sing sing at ano pa ba ang aasahan natin pag nagbigay na nang singsing? Siguradong kasalan na yun." Sabi ni Jeremy. Napangiti naman si Isiah.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon