Kinabukasan.
Yuri's POV:
Nahikab hikab pa ako habang naglalakad papasok sa gym, kailangan ko muna na magwarm up, para naman may energy ako para sa klase ko. Papasok na sana ako ng bigla akong hilahin ni Isiah at Jeremy papunta sa may Cafeteria. Agad naman akong nagtaka dahil halos nandoon lahat ang mga estudyante, hinihila pa din ako nang dalawang itlog na to papunta sa taas kung nasaan si Hell, hay panigurado may binabalak na naman ang isang to. Nung nasa taas na kami ay agad naman nya akong inakbayan, siniko ko naman sya pero inakbayan nya pa din ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko na naghahanap ang isang to ng sakit ng katawan.
"Okay guys, listen up may importante akong announcement na sasabihin sa inyo kaya siguraduhin nyo na nakikinig, dahil kung hindi kayo makikinig saakin alam nyo na ang mangyayari sa mga buhay nyo." Tumahimik naman ang lahat ng tao at tila ba hinihintay ang susunod nyang sasabihin. "Okay, gusto ko lang malaman nyo na si Eireen Yuriko Salvador, Junior from class 3B girlfriend ko na sya ngayon kaya naman kung balak nyong saktan at alipustahin ang babaeng ito parang ako na din ang kinakalaban nyo, kaya naman wag nyo nang subukan. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi nya. Agad naman sumigaw ng YES ang mga nasa baba, napatingin din ako sa dalawang kaibigan ng ugok na to at tila ba masayang masaya sila.
"Hoy lalaki! Anong sinasabi mo dyan na girlfriend mo na ako? Hoy! Hindi ka pa nga nanliligaw sakin aba." Sabi ko. Humarap naman sya saakin at tila may sasabihin nang biglang......
"Tumututol ako sa sinabi mo, Hell." Sabi ng isang lalaki, agad naman kaming napalingon lahat sa entrance ng cafeteria at tila ba lahat kami nagulat ng makita sya. "I'm back." Nakangiti nyang sabi.
"Dylan!!!!!" Agad na sigaw ng dalawang ugok at agad na nilapitan nila si Dylan. Sumunod naman sakanila si Hell, at ako naman hindi ko alam kung anong meron sa mga paa ko at tila ba napalakad na din ako papunta sa may baba kung nasaan sila. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko si Dylan na ba talaga ang lalaking to.
Tila napatingin naman sya saakin at di ko alam kung anong gagawin ko biglang lumakas yung tibok ng puso, mas lalo akong kinabahan nung makita ko na papalapit sya saakin. "Long time no see, Yuri." Sabi nya saakin saka nya ako nginitian. Ngumiti din naman ako sakanya. "Pumunta ka mamaya sa isa pang tambayan namin, may gaganapin na welcome party para sakin don. Aasahan kita, okay?" Sabi nya pa. Napatango naman ako tapos non agad nyang ginulo ang buhok ko. Saka nya ako tinalikuran at nakita ko na umalis na silang apat habang nagtatawanan. Ngayon nandito na si Dylan, ano nang gagawin ko? At bakit ba parang naguguluhan ako sa nararamdaman ko?
At Coffee Shop.
"Talaga? Ibig mong sabihin mas lalong gumwapo ngayon si Dylan?" Sabi saakin ni Aishelle. Tumango naman ako sakanya habang inaayos ang pagkakalagay ng mga pastries sa mga lalagyan nito. "Eh paano na si Hell, ngayong nandito na pala ang prince charming mo? Ang original na tagapagtanggol mo?" Sabi pa nya. Napatingin na ako sakanya at tila ba napakamot pa ako ng ulo.
"Hindi ko nga alam, Aishelle e. Para na akong timang kakaisip nyan kanina pa, tapos iniimbita nya pa ako don sa tambayan nila para magcelebrate sa pagbabalik nya dito. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Nanlulumo kong sabi sakanya.
"Edi para malaman mo kung ano ba talaga ang nandyan sa loob loob mo e, bat di ka pumunta diba? Sukatin mo ang nararamdaman mo kung sino ba ang mas mahalaga yung original ba na tagapagtanggol mo yung isa pa na tagapagtanggol mo. Pero kung ako nasa katayuan mo mahihirapan din ako, saka isa pa pareho kasi silang mga gwapings e. Pero ito lang ang mapapayo ko sayo, Yuri. Sundin mo to, dahil yan lang ang magiging kakampi mo kapag sumuko na to." Sabi nya saka nya tinuro ang puso ko pati ang utak ko. Napangiti ako sakanya at kahit papaano naman naliwanagan ako ng kahit konti.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...