Hell's POV:
Pagkatapos namin makuha nina Isiah si Yuri ay agad namin syang dinala sa bahay namin. Binuhat ko uli sya at pagpasok namin sa loob ay agad na nagpatawag si Mr. Joe ng mga doktor para kay Yuri, agad ko naman syang dinala sa kwarto ko, tinawag ko ang isang maid at agad nyang binihisan si Yuri. Lumabas naman ako ng kwarto at naghanda ng makakain at maiinom nya. Nakita ko naman na dumating na ang mga taga hospital at hinatid na ni Mr. Joe sa kwarto kung nasaan si Yuri, agad naman akong sumunod sakanila at pagpasok ko tapos nang suriin si Yuri. Wala naman daw itong mga natamo na malalang injuries pero kailangan pa nitong magpahinga sa ngayon, dahil maari daw yon magcause ng trauma dahil sa mga nangyari sakanya. Matapos masuri ng doktor si Yuri ay agad na silang umalis kami nila Isiah nalang ang natira sa loob at tila ba pati sila nagaalala kay Yuri.
"Nasaan ang babaeng yon, gusto ko syang makita." Sabi ko kila Isiah. Tumango naman sila at mabilis na umalis sa kwarto na yun. Pagalis nila agad kong nilapitan si Yuri, pinagmasdan ko lang sya maigi at halos madurog ang puso ko ng makita ko ang mga kalmot sa braso nya, sa muka nya. Pati na ang mga pasa sa katawan nya, naikuyom ko ang kamao ko nung makita ko ang lahat ng iyon. Hindi ko akalain na magagawa nila ang mga bagay nayun kay Yuri. "Sisiguraduhin ko na magbabayad ang mga taong gumawa sayo nyan Yuri. Pinapangako ko sayo." Sabi ko sakanya saka ko sya hinalikan sa may noo nya, saka ko sya iniwan sa kwarto na yun, pumunta ako sa may sala at umupo doon sa sofa hinintay ko na makarating sina Isiah dito kasama ang babaeng yun.
Maya maya pa narinig ko na lang ang mga yabag na nanggagaling sa labas papunta dito sa sala. Agad kong nakita ang babaeng naging dahilan kung bakit nasa ganoong sitwasyon si Yuri. Agad akong tumayo at lalapitan na sana sya nang may iabot saakin si Jeremy na kung titignan mo ay isang annual nung kinder pa lang kami. Agad ko namang tinignan yun at nakita ko ang section namin at tila nagulat ako nang makita ko ang pangalan nya sa isa sa mga litrato. "Nagpaplastic surgery sya, para lang mapansin mo. Para lang mahalin mo sya, Hell." Sabi ni Jeremy saakin. Agad ko namang sinara yun at tinapon mismo sakanya. Agad naman syang naiyak nang matamaan sya ng annual na ibinato ko sakanya. Agad ko syang kinwelyuhan at tila ba galit na galit akong tinitigan sya.
"Anong karapatan mo na iset up si Yuri, dahil lang sa walang kwentang dahilan?!" Sigaw na sabi ko sakanya. Iyak pa din sya ng iyak at tila ba hindi sya makahinga dahil halos mahigpit na ang pagkakahawak ko sakanya. Nagulat naman ako ng buong lakas nya akong itinulak papalayo sakanya.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko para lang mapansin mo ako! Para lang mahalin mo din ako! Ni minsan hindi mo ako matignan nang direcho, ni minsan hindi mo ako natawag sa pangalan ko! Nakakadiri! Witch at kung ano ano pa ang tawag mo saakin! Halos mamatay ako sa sobrang sakit, halos mamatay ako sa sama ng loob ko, at nang dahil lamang yun sayo! Kaya naman nang magkaroon ako ng pagkakataon na magpunta sa England, nagkaroon din ako ng dahilan para ipaayos ang buong katawan ko, nagpaplastic surgery ako mula ulo hanggang paa para lang masabi mo na karapat dapat ako na mahalin. Pero bakit ganon?! Ginawa ko naman lahat, ginawa ko ang lahat para mabigyan mo na ako ng pansin pero bakit si Yuri pa din?! Bakit si Yuri parin ang minahal mo?! Bakit hindi na lang ako?!" Sigaw nya saakin. Halos hindi ako makagalaw non, hindi ko lubos maisip na sya ang babaeng nagkagusto saakin nung kinder kami.
Tumayo ako dahan dahan na lumapit sakanya. "Alam mo kung bakit? Kumpara sayo si Yuri totoong tao, may mabuting puso at kaluluwa hindi katulad mo, pusong halimaw. Ah hindi mas halimaw ka ngayon hindi lang dahil nagpaplastic surgery ka, pero dahil sa lahat ng ginawa mo kay Yuri. Alam mo mas gugustuhin ko pa yung tipong witch at nakakadiri ka pa nung kinder tayo atleast noon may puso ka pa at totoo ka sa sarili mo di katulad ngayon, naging maganda ka nga nawala naman ang kabutihan ng puso mo." Sabi ko saka ko sya nilampasan at nagpunta na muna ako sa banyo at sandaling naligo para kahit papaano mawala ang stress ko.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...