Chapter Eleven:

314 9 0
                                    

Yuri's POV:





"So wala ka talagang balak na puntahan ngayon si Hell sa ***** park? Eh anong gagawin mo dito? Hanggang 5 lang naman ang shift mo." Sabi saakin ni Aishelle. Bigla naman akong napatingin sa orasan at nakita ko na mag aalas kwatro ng ng hapon. Binalik ko na lang ang tingin ko sa ginagawa ko, sigurado naman ako na aalis na din yun kapag di na ako dumating kaya naman nagpaka busy na lang ako sa shift ko.



Hanggang lumipas na nang lumipas ang oras at napansin ko na mag aalas ocho na. Saka ko naisipan na magout na. Oo, nagovertime ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay namin kaya naman nagover time na lang ako sa trabaho. Matapos ang shift namin ni Aishelle sabay na kaming nagout at naglakad na kami papauwi. Bigla naman pumasok sa isip ko ang sinabi ni Hell. "4pm, Saturday sa may *****Park kapag hindi ka dumating, you're dead. Gets mo? Yun lang." Napakamot naman ako sa ulo ko.




Tapos binilisan nalang namin ni Aishelle ang lakad, bigla naman bumuhos ang napakalakas na ulan at tila ba napatingin ako uli sa relos ko mag aalas nuebe na. Hindi naman na siguro naghihintay yun? Siguro naman umuwi na yun, nung medyo malapit na kami sa bahay. "Aishelle, tingin mo may maghihintay pa ba ng ganito katagal? Para sa mga taong kikitain nila?" Sabi ko kay Aishelle.



"Mga siraulo, at may toyo lang sa utak ang gagawa non no. Bakit mo naman natanong?" Balik naman na tanong saakin ni Aishelle. Agad naman ako napakamot sa ulo ko.



"Ugh, siraulo yon at may toyo sa utak yun e, hay mauna ka na umuwi Aishelle, may pupuntahan lang ako!" Sabi ko saka ako tumakbo papunta doon sa park habang nakapayong.



Takbo lang ako ng takbo papunta sa lugar na yun, at nang makarating na ako doon ay agad ko syang hinanap, nilibot ko ang buong tingin ko sa paligid, pero di ko naman sya nakita kaya naisip ko na baka umalis na sya, kaya naman tatalikod na ako at aalis na ng mapatingin ako sa may puno. Tila nanlaki ang mata ko nang makita ko sya doon na nakasilong habang nilalamig na, tila naghihintay pa din sya doon. "May toyo nga sya sa utak." Nasabi ko na lang. Agad naman akong pumunta sa harapan nya at nilagay ko ang payong malapit sa kanya.



"May sira talaga ang utak mo e no? Bakit naghintay ka pa?!" Sigaw ko sakanya. Tinignan naman nya ako. Napangiti sya ng makita nya ako.



"Mabuti naman ayos ka lang, wala akong pakialam kahit gaano katagal ka pa malate, atsaka alam mo bang pinagalala mo ako? Akala ko kung ano nang nangyari sayo, akala ko kung napano ka na." Sabi nya saakin.



"Eh paano kung hindi ako dumating?! Paano kung inumaga ka na dito pero wala pa din ako ha?" Sigaw ko pa rin sakanya.



"Wala nga akong pakialam! Saka binalaan na kita diba, kapag hindi ka dumating you're dead. Atsaka hindi na mahalaga kung nalate ka man o hindi atleast nandito ka na ngayon. Ang mahalaga dumating ka." Sabi nya saakin. Saka sya yumakap saakin na sya namang kinagulat ko. Kaya naman agad ko syang tinuhod sa may sikmura nya, napalayo naman sya agad at tila sobrang nasaktan talaga sya.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon