Yuri's POV:
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Kael ang ganitong bagay, hindi ko inakala na gagawin nya sakin to saamin ni Hell. Naisip ko ano ba ang kasalanan ni Hell, anong kasalanan ko sakanya para ganituhin nya kami, para pahirapan. Ngumiti naman sya saakin saka nya tinanggal ang tape sa bibig ko, napatingin lang ako sakanya. "Bakit mo ginagawa to? Anong naging kasalanan sayo ni Hell?" Tanong ko sakanya. Natawa naman sa saka sya umupo sa silya na nasa harapan ko saka nya ako tinitigan.
"Simple lang, dahil gusto ko maghiganti sakanya dahil gusto ko na maranasan nya ang naranasan ko, at gusto ko mabaliw din sya katulad ng ginawa nya sa kapatid ko. Alam mo, sigurado ako sa ngayon galit na galit na ang boyfriend mo dahil kinuha kita, kung alam nya lang na ang lahat nang ito ay nangyayari dahil lang sa dalawang dahilan." Sabi nya. Tinignan ko naman sya na parang may pagtataka sa mga tingin ko na yun sakanya."Anong dahilan ang sinasabi mo?" Balik kong tanong sakanya.
"Well, dahil lang naman sa mama nya. Binayaran ako ng mama nya para paalisin ka sa buhay ni Hell, dahil ayaw nya sayo. Kaya ko ginawa to para mawala ka na sa buhay ni Hell. Lahat nang nangyari sayo simula sa babala na inakala ng lahat kay Hell nanggaling hanggang sa may cafeteria kung saan nakasinghot ka ng maraming gas, ang galing ko no napaniwala ko ang lahat na si Hell ang nagutos. Pero sa lahat ng ginawa ko, si Hell parin ang pinili mo! Si Hell padin ang iniisip mo! At patuloy ka pa rin nagtitiwala sakanya, kaya pasensyahan tayo ngayon. Dahil isa sa inyo ngayon mawawala na ng tuluyan." Sabi nya. Napapikit ako ng mariin. At nang minulat ko yun tinignan ko ng masama si Kael."Dahil lang sa utos ng mama ni Hell, sisirain mo ang mga nananahimik naming buhay! Wala kang kasing sama! Sino ka bang talaga?! Sabihin mo, sino kaba?!" Galit na galit kong tanong sakanya. Inilapit nya naman ang muka nya saakin.
"Tignan mo maigi ang mukha ko, Yuri. Wala ka bang naalala sa muka ko?" Tanong nya. Tinitigan ko naman ang muka nya, at tila ba nang matitigan ko yun bigla kong naalala si Kyla, ang babaeng niligtas ko sa may bakanteng room. Napatingin ako sakanya.
"Si Kyla, yung babaeng nailigtas ko sa bakanteng room." Sabi ko sakanya. Napangiti naman sya.
"Correct. Sya ang kakambal ko, at ito ang isa ko pang dahilan naghihiganti ko kay Hell para sa kapatid ko. Alam mo bang nasa mental hospital ang kapatid ko ng dahil sa kahayupan na ginawa ni Hell sakanya? Na halos hindi na nya ako makilala, na halos wala na syang pagasa pa na gumaling kasi bawat araw na dumadaan ng dahil sa trauma nya sa hayop na Hell na yun mas lalong lumalala ang lagay nya? Pero nung minsan na sabihin ko ang pangalan mo sakanya, ngumiti sya don ko lang uli nakita yung ngiting yun, ilang bwan na ang nakakalipas pero malinaw pa din sakanya ang lahat, kaya di mo ako masisisi Yuri, wala ka ng magagawa para pigilan ako dahil kailangan ko ng hustisya para sa kapatid ko." Sabi nya, napayuko ako at tila hindi ako makapaniwala. Maya maya pa may narinig na akong dumarating.
"Yuri?! Okay ka lang ba? Asan ka?" Napatingin ako sa may direksyon kung saan ko narinig ang boses nya, maya maya pa nakita ko na nahawak na sya ng mga tauhan ni Hell. "Yuri! Ano ka ba, bakit ka nagpahuli sakanila kahit kailan talaga boba ka, ano ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila ha?" Sabi nya. Umiling naman ako, tapos tumulo na naman ang luha ko. Maya maya nakita ko ng ngumisi si Kael.
"It's showtime, Yuri. Sige bugbugin na yan." Sabi ni Kael. Agad naman binugbog ng mga tauhan ni Kael si Hell, halos humagulgol ako sa nakikita ko, hindi ko kayang makita na binubugbog sya.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...