Chapter Twenty-Six:

200 5 0
                                    

Yuri's POV:






Hindi ko na alam ang gagawin ko non kaya naman agad akong tumakbo sa may pintuan para makalabas doon pero hindi pa man din ako nakakarating doon ay may nagsalitang lalaki, kaya naman agad akong napalingon.



"Buti nakarating ka, simulan na natin ang pictorial?" Sabi nung lalaki na nagbigay saakin nung card. Tumango na lang ako agad nila akong pinapili ng magandang damit doon sa may closet, napili ko naman yung jumpsuit na maong tapos nagsuot na lang ako ng sando na puti. Saka ako lumabas tila napangiti sila at nagkatinginan saka nila ako pinapwesto sa harapan nung lalaking may hawak ng camera, agad nila akong pinagpost kaya naman nagpost na ako ng iba't ibang post.


Hindi ko alam kung nakakailang shot na pero alam kong napakarami na non kaya naman matapos non pinaupo na muna nila ako saka sila nagusap, napalibot ang tingin ko sa buong studio nila at natigilan ako ng may makita akong poster dun ng babae na halos wala ng damit, as in nakahubad talaga. Tila kinabahan ako, napailing naman ako siguro naman hindi nila ako kukuhanan ng nakahubad, tama hindi mangyayari yun Yuri, wag kang timang. Maya maya pa natapos na ang break ko nilapitan na ako nung dalawang lalaki tapos pinapwesto na nila ako kung saan ako nagpoposing kanina.


"Ngayon naman para sa finale, kikita ka ng malaki dito. Gusto mo bang kumita ng 20,000?" Sabi nung may hawak ng camera. Nanlaki ang mata ko, ganon kalaki ang kikitain ko para lang sa pagpipictorial agad naman akong napangiti kaya naman tumango ako sakanila. Kaya mo to Yuri, kakayanin mo to para sa pamilya mo. "Kung ganon, pwede ka nang maghubad. Para makita mo na ang 20,000 pesos." Natigilan naman ako sa sinabi nya halos hindi ako makapaniwala, sinasabi ko na nga ba e.


Umatras naman ako sabay napayakap ako sa buong katawan ko, palapit naman sila ng palapit na para bang gustong gusto na nila akong makita na maghubad. "Hubarin mo na ang damit mo, pangako ko sayo pagtapos nito magiging maginhawa ang buhay mo." Sabi nya pa. Kumuha naman ako ng bakal at hinagis yun sakanila, tumakbo naman ako pero agad akong nahila ng isang lalaki at agad nya akong hiniga sa kama, pilit nyang tinatanggal ang damit ko habang ako naman halos maiyak na dahil hindi na ako makagalaw dahil sa takot ko.


"Hell." Mahina kong nasabi yun, at napapikit nalang ako. Maya maya pa bigla na lang nawala ang lalaki sa harapan ko laking gulat ko ng nakahiga na sya sa sahig at tila ba nawalan ng malay, kinuha ko naman ang uniform ko tapos hinila ako ng isang lalaki, papalabas sa lugar na yun. Matapos namin makaalis sa lugar na yun agad akong napatingin sa lalaking tumulong saakin, agad ko naman syang namukaan sya yung lalaking nakabangga saakin, at bigla kong napansin na kakaiba ang suot nya. "Maraming salamat pala sa tulong mo, teka ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang sya saakin saka nya nilagay ang jacket nya saakin.


"Sasabihin ko sayo ang pangalan ko, pag nagkita na tayo uli. Wag kang magalala alam ko magkikita tayo uli, ingat ka sa paguwi, Yuri." Sabi nya. Saka sya umalis at naglakad na palayo, tila nagtaka naman ako.


"Tinawag nya ako sa pangalan ko? Teka paano nya naman ako nakilala? Hay hayaan mo na nga, Yuri." Sabi ko nalang sa sarili saka ako tuluyang umuwi. Nang makarating na ako sa bahay namin naabutan ko sina mama at papa na nanonood ng tv, napatingin naman ako doon at isang commercial ang tumambad saakin. Commercial sya ng isang bagong uso na damit na mabibili sa bench.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon