Hell's POV:
Matapos ng nangyari kahapon, tila ba kaming lahat ay halos hindi makagalaw sa kinauupuan namin dahil sa sakit ng katawan namin grabe yung babaeng yun halatang halata na may dumadaloy na pagka amazona sa dugo nya, para syang si Ate kung makapagbali ng buto. Maya maya pa biglang pumasok si Ate sa kwarto ko at may dala dala syang tray may mga pagkain doon, at tila pa may mga kasunod pa syang mga maid na may dala namang mga gamot pati nadin ointment para sa sakit ng katawan. "Ano naman kasing pumasok sa mga isipan nyo at pinagtripan nyo ng ganon si Yuri, ayan tignan nyo ang mga muka nyo muka na kayong mga lalaki na di mapatae dahil sa sakit ng katawan nyo. Sa susunod kasi wag nang gagawin yun." Sabi ni Ate hindi ko alam kung sino ba ang kapatid nya e kung ako ba o kung si Yuri.
"Sinasabi ko sayo, Hell. Hindi na ako uulit sa mga naiisip nyong kalokohan ngayon naramdaman ko na ang fighting skills ni Yuri grabe ang sakit talaga, dinaig nya pa ang hustler na si bruce lee." Sabi ni Jeremy. Tila binato ko naman sya ng yelo non, at binato nya rin ako pabalik.
"Basta ako, hindi na rin ako sasali sayang naman ang macho kong katawan pati na din ang maganda kong muka kung sisirain lang din naman ni Yuri no, wala nang mapapakinabangan ang mga babae saakin kaya dapat mamaintain ko yun. Para rin to sa pagdami ng sangkatauhan." Sabi naman ni Isiah, hindi ko alam kung mga kaibigan ko to. Magsasalita na din sana si Dylan ng salpakan ko sya ng tinapay sa bibig.
"Wag ka nang gumaya sa speech nila, dahil naman sa plano mo to kaya nagkalasog lasog ang katawan natin. Ang kapal nang muka mo magiispeech ka pa ni wala ka man lang konsensya, tignan mo mga itsura natin." Sabi ko naman. Nginuya nya naman yun at nang maubos nya yung tinapay uminom sya ng juice.
"Bakit sumangayon ka naman ah, sumang ayon kayo kaya hindi lang dapat sisihin dito tayong lahat dapat, kasi kinunsinti nyo ang plano na naisip ko. Hindi ko na kasalanan kung nabugbog kayo ng malala ni Yuri." Sabi naman nya. Ang sarap batukan ni Dylan ngayon, palibhasa kasi katawan lang nananakit sakanya dahil sa pagsipa ni Yuri sakanya, tapos wala na di tulad namin halos mapatay kami ni Yuri.
"May favoritism kasi na naganap, hayaan mo Dylan, kapag umayos ang lagay naming tatlo humanda ka na dahil mararamdaman mo na ang pakiramdam namin nung binugbog kami ni Yuri." Sabi ko tapos kumain na ako at kumain na din sila. Tapos non nauwi sa kwentuhan at tawanan ang pagsasama sama namin sa kwarto ko at hindi ko namalayan na bumukas na naman ang pinto, akala ko si Ate na naman ang pumasok pero tila ba napatayo ako at nawala ang lahat ng sakit sa katawan ko ng makakita ako ng witch.
"Auntie." Sabay sabay na sabi nung tatlo.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Bigla kong sabi sakanya. Napangisi naman sya at tila ba lumapit pa sya saamin.
"Bakit, Hell wala na ba akong karapatan na umuwi sa pamamahay ko. Nasaan ang ate mo? Kailangan ko syang makausap ngayon din." Sabi nya saakin tapos tumalikod sya at umupo doon sa swivel chair na nasa may study table ko. Agad ko namang pinatawag sa maid si Ate at maya maya pa nagulat din sya pagkapasok nya ng makita nya ang witch.
"Ma? Nakabalik ka na pala. Pinapatawag mo daw ako?" Sabi ni Ate. At lumapit ito kay mama, agad naman kaming nagulantang ng may ibaba ang witch sa mesa. Kinuha ni ate yun at agad na binasa. "Ma, anong kalokohan to? Ipapasara mo ang shop ko sa States? Nananahimik ang shop ko, diba pinakiusapan na kita, ipinilit mo pa akong ikasal sa lalaking hindi ko kilala pero bandang huli ano? Ipapasara nyo ang shop ko?" Naiiyak na sabi ni ate.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...