"Mine!" Sigaw ko nang makita ko na ang bola na papalapit saakin at saka ko itinira ng matindi. Nang makapasok 'yun sa kabilang net ay agad na akong pinuntahan nang mga ka-team mate ako saka nila ako binuhat. Sobrang saya namin ng araw na 'yun dahil nag-champion na naman kami laban sa matindi naming kalaban na ibang eskwelahan. Matapos namin magsaya agad akong pumunta sa lugar kung saan ko iniwan ang gamit ko, kumuha ako ng twalya doon at tubig saka ako aakma na iinom, pero hindi pa man din lumalapat ang bibig ko sa may inuminan ko nadinig ko na agad ang malakas na boses ng bestfriend ko.
"Yuri!!!!!!! Bilis halika, kailangan mo makita 'to." Tila nagulat naman ako sa agaran nyang paghila saakin at dahil na rin sa paghila nya saakin ay hindi ko na nakuha ang gamit ko.
"Saan ba tayo pupunta, Aishelle?" Tanong ko sakanya. Hindi naman sya sumagot saakin, dahil maya maya rin ay tumigil na kami sa mismong harapan ng bahay namin, at halos napanganga ako nang makita ko na maraming tao doon ang nakapalibot. Agad naman akong tumakbo papasok sa bahay namin. At nadatnan ko na may kausap sina mama na isang lalaking nakapormal na suot.
"Naku, narito na pala sya. Yuri, anak halika maupo ka dito." Sabi ni mama, kaya naman agad akong umupo sa tabi ni mama at papa. Agad naman akong napatingin sa lalaking nakaupo sa harapan namin. "Yuri, sya ang sekretarya ng may-ari ng Aragon High." Sabi ni mama at tila excited pa sya.
"Eh ano ngayon ma, saka bakit ba sila nandito? Hindi naman tayo mayaman para huthutan ng pera." Sabi ko. Agad naman akong sinapok ng nanay ko. -_-
"Pasensya na po kayo, Mr. Torres. Kaya sila nandito dahil gusto nila na maging scholar ka sa school nila, at alam mo ba anak libre lahat walang gagastusin kapalit nga lang non ay kailangan mo maging player ng school, tutal volleyball player ka naman anak pwedeng pwede diba?" Sabi naman ni papa.
"Bakit naman ako papasok don? Papa, mama may school na ako na pinapasukan saka magfofourth year na ako lilipat pa ba ako? Ah basta ayoko! Ayoko! Ayoko!" Sabi ko saka ako tumayo sa upuan at pumasok sa kwarto ko nilock ko 'yun at napahiga ako sa kama ko.
"Yuri, sa ayaw at sa gusto mo bukas papasok ka na sa school na 'yun. Aba naghirap ako para maipasok ka doon." Napatayo naman ako sa sinabi ni mama at agad kong binuksan ang pinto at hinarap si mama.
"Ma! Bakit mo naman ako inenroll ng scholarship doon, wala naman tayong pera mahirap lang tayo hindi ko kaya na makipagsabayan sa mga mayayaman doon paano na lang kung alipustahin nila ang pagkatao ko, mama naman e." Sabi ko naman sakanya. Pero hindi niya ako pinakinggan. "Ah basta, wala din kayong magagawa kung ayaw kong pumasok sa school na 'yun. Bahala na kayo mama, at papa." Sabi ko. Isasara ko na sana ang pinto ko ng magsalita ang mama ko.
"Pangarap mo na maging isang magaling na volleyball player diba? Katulad ng idolo mo na si Katrina, mararating mo 'yun dahil doon ka magaaral. 'Di mo din ba naisip na ikauunlad natin kung doon ka makakapagtapos? Makikita mo na ang idolo mo, matutulungan mo pa kami ng papa mo. Pagisipan mo maigi anak, pagisipan mo." Sabi ni mama. At matapos nyang sabihin yun agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Napaupo ako sa kama ko at tila ba napatingin ako sa may pader kung saan nakadikit doon ang poster ni Katrina, ang idolo ko pagdating sa paglalaro ng volleyball.
At noong gabi bago ako matulog nakabuo ako ng isang desisyon, at sana hindi ko pagsisihan kung ano man ang naging desisyon ko. Gagawin ko 'to para sa sarili ko at para na rin sa magulang ko.--
Okay, pinost ko na hahaha. Sorry na hindi na 2016 ito dahil hindi ko na sya pinahaba pa, at tapos na ang plot nito kaya naman ipopost ko na sya, mamaya yung Chapter 1 abangan nyo lang! Salamat sa paghihintay! :)
Vote Comment And Follow Me.
-JEYSI.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomansaIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...