Yuri's POV:
Matapos kong magawa yun sakanya ay tila ba tinakasan sya ng dugo sa katawan. Kaya naman nilapitan ko pa sya at binigyan pa ng isang suntok. Hinawakan na ako ni Aishelle at tila ba inaawat na nya ako. "Ang kapal ng muka mo na insultuhin ako, at lokohin ang kaibigan ko. Yung unang sipa para saakin yun, yung dalawang suntok para sa kaibigan ko. At yung panghuli, para naman yun sa pagiinsulto mo at pagmamaliit mo sa boyfriend ko." Sabi ko saka ako tumayo, wala akong pakialam kung marami man ang nakatingin saamin basta ang alam ko na pagtanggol ko na si Aishelle pati ang boyfriend ko. Paglabas namin sa club, naupo kami sa may bench at tila ba napatingin ako kay Aishelle nang makita ko na nakatingin din sya saakin.
"Salamat, Yuri. Hindi ko akalain na makakaya mong gawin yun sa harap ng maraming tao para lang maipagtanggol ako, pero nagkamali tayo sa pagkakakilala kay Hell, kaya naman humingi ka na ng tawad sakanya, ngayon kasi malinaw na satin na nagawa nya yun dahil saatin para protektahan tayo, gawin mo yun para sakin saka para di na ako makonsensya." Sabi nya saakin. Napaisip naman ako, niyakap ko naman sya tapos tumayo na din ako.
"Sige, basta kung may problema ka tawagan mo lang ako ha? Mauna na ako babye!" Paalam ko sakanya saka ako tumakbo pero bago ako pumunta sa tambayan nina Hell nagpunta muna ako sa stall para bumili ng mga pagkaing gusto nya. Tapos non saka na ako pumunta doon.
Hindi pa man din ako nakakapasok ng marinig ko ang salita nya kaya naman napatigil na lang muna ako sa labas. "Ah nako, basta ako hindi ako magsosorry sa bwisit na boyfriend ng kaibigan ni Yuri, aba bat naman ako magsosorry? Kung alam lang nila ang dahilan, atsaka alam nyo ba na ang laking pagtitimpi na ginawa ko para lang di ko mapahiya ang girlfriend ko sa maraming tao no." Sabi nya, tila ba napayuko ako sa mga narinig ko.
"So di ka parin makikipagbati kay Yuri?" Tanong naman ni Jeremy sakanya.
"Hindi! Ah basta bahala sya." Sabi nya, kaya naman iniwan ko nalang doon yun mga binili ko at umalis na, siguro nga nagkamali ako at siguro nga may karapatan din naman sya na magtampo saakin. Kaya naman naisipan ko na lang na umalis doon at magpunta na lang sa park.
Isiah's POV:
Papunta na ako sa resto namin ng biglang tumunog ang cellphone ko tinignan ko naman kung sino ang nagtext, si Mama pala. Hindi ko na pinansin ang text nya dahil alam kong umiiyak na naman sya at gusto na naman nya ako papuntahin doon para makita sya na umiiyak at para maawa ako sakanya. Bakit pa diba? Alam kong kukulitin nya ako na sabihin kay Papa na umuwi na sya. Kaya naman kahit na mahal ko ang mama ko ayaw ko parin gawin dahil alam ko sa mga oras na to, kasama na naman ni Papa ang iba't ibang babae nya. Nang makarating ako sa resto ko ay agad akong dumirecho sa kusina, kumuha ako ng chef uniform at agad na pumunta sa may lutuan.
Agad akong nagprepare ng main course para sa dinner mamaya, at pati na din dessert, habang inaayos ko ang plating ng niluto kong food, napasulyap ako sa may labas ng resto ko at tila napangiti ako ng bahagya ng makita ko na nakaupo sa may batuhan si Aishelle. "Rey, pakiayos ang plating nito." Sabi ko saka ko tinanggal ang apron ko at lumabas ako sa may labasan nakita ko na tumataas baba ang balikat nya kaya nalaman ko na umiiyak sya, umupo ako sa tabi nya napatingin naman sya saakin. "Alam mo, hindi bagay sayo ang umiyak dito mismo sa labas ng resto ko. Alam mo bang sa pag-iyak mong yan pwede ko yang ikalugi." Sabi ko, saka sya tumungo at tila ba mas umiyak sya ng malakas. Kaya naman nataranta ako kasi pinagtitinginan na sya ng tao.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...