Yuri's POV:
Ilang oras na akong nakatitig sa newspaper na tinitignan ko pero ni isa wala man lang akong pwedeng pagaplyan don kasi naman junior pa lang ako at hindi pa ako 18 para maging legal sa mga trabaho. Tinupi ko na lang ang newspaper na hawak ko, hindi ko na talaga alam gagawin ko sigurado ako na nagaalala na naman ang mama at papa ko sa kung anong kakainin namin mamaya, kaya naman tinignan ko ang bulsa ko at nakita ko na may 70 pesos pa ako dun, pumunta naman ako sa stall na pinagbilihan namin ni Hell ng kung ano ano tapos bumili ako ng tatlong kanin, at nakakatuwa dahil nagkasya ang pera ko ng bilhin ko yun. Umuwi ako sa bahay at inihanda na yun tinawag ko na din sila para makakain na pero parang hanggang ngayon wala pa din sila sa wisyo at tila ba hindi pa nila matanggap na wala na silang hanap buhay. Kaya naman umisip ako ng paraan ng maya maya pa mapansin ko ang kwek kwek. Tila ba may naisip na akong paraan para naman makakuha ako ng puhunan, kaya naman agad akong nagadvance ng sweldo kay boss mike, saka ako bumili ng ingredients, at nang makauwi ako sa bahay agad kong tinago yun para bukas makasimula na ako sa aking negosyo.
Maaga akong nagising para maigawa ko na ang kwek kwek na ibebenta ko mamaya, sinunod ko lang yung mga steps na gagawin para makagawa ng kwek kwek at niluto ko na lahat ng ginawa ko, napangiti ako ng marami rami din akong naluto kaya naman nilagay ko na yun sa plastik, 5 piraso bawat isang plastik at nagkakahalagahan yun ng 10 piso. Matapos kong gawin yun ay agad akong naglako sa kalsada non, hindi ko na alam kung saan saan na ako nakarating non pero alam ko na wala na muna ako pakialam dahil sa ngayon kailangan ko muna na, mailako ang lahat ng ito para naman may maibigay na ako kina mama at papa, at para naman may pangkain na kami mamaya.
Matapos ang ilang oras kong pagtitinda ay agad na akong ginutom kaya naman bumawas na muna ako ng sampu na piraso don sa binebenta ko para naman may laman na kahit papaano ang tyan ko, nang maubos ko yun ay agad na akong naglako uli. Sa paglalako ko nakita ko ang isang taong pamilyar napangiti naman ako, saka ko sya nilapitan. "Hindi ko akalain na balot vendor ka na pala." Sabi ni Dylan sakin.
"Hindi ako balot vendor, kwek kwek ang tinitinda ko no." Sabi ko naman tila hindi naman mabasa kung anong klaseng itsura ang pinakita nya saakin, natawa naman ako saka ko naalala na mayaman nga pala ang isang to kaya naman hindi nya alam kung ano ang kwek kwek kaya naman kumuha ako ng isang balot dun at pinakita yun sakanya. "Yan ang kwek kwek, alam mo na ngayon?" Sabi ko pa sakanya. Tumango naman sya saakin, saka sya natawa nabigla naman ako. Kumuha sya ng 20 pesos, at iniabot nya sakin yun. Tila nagtaka naman ako, kaya naman napatingin ako sakanya.
"Hindi ako nakain nyan pero tatry kong tikman, sige na pabili ako. Ayan ang 20, bayad ko yan sa kwak kwak mo." Sabi nya, natawa naman ako uli. At tila ba narealize nya na mali din sya ng sabi kaya naman natawa din sya.
"Kwek kwek yun. Oh eto." Sabi ko saka ko kinuha ang 20 saka ko binigay sakanya ang dalawang balot na kwek kwek. Tapos non nagpaalam na sya saakin, nagpatuloy na ako uli sa paglalako ng tawagin ako ng isang lalaki sa kotseng itim kaya naman napalapit ako.
"Miss pabili nga nang binebenta mo." Sabi nya, pero tila namukaan ko sya hindi ko nalang inintindi at binigay ko na ang isang balot sakanya, at nang mapatingin ako sa loob ng kotse tila ba nawala ang sigla ng mukha ko at tila ba napalitan yun ng lungkot ng makita ko si Hell, kasama ang mama nya.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...