Yuri's:
At Coffee Shop.
"Ano?! 10,000 para lang sa trip? Jusko ano ba 'yang pupuntahan nyo, Mars ba kaya masyadong mahal 'yung fee." Sabi saakin ni Aishelle ng ipakita ko sakanya 'yung binigay saamin na brochure para sa trip namin dun sa school.
"Sa ibang bansa kasi ang destination, tapos halos isang linggo ata magbabakasyon dun kaya naman ayun mahal talaga kasi, lahat ng gastusin don e nandoon na sa fee na ibabayad mo. Tsaka saan naman ako kukuha ng 10,000 'no? Hay, magtatrabaho na lang ako ng isang linggo kesa sumama sa trip na 'yan." Sabi ko naman sakanya. Tapos non nagpatuloy na lang kami sa pagtatrabaho.
"Ay alam mo ba Yuri, pupunta ako sa aklan sa may boracay, may part time job kasi doon e kaya naman ayun gusto mo sumama ka na lang doon, isang linggo din ako doon, sama ka na lang para 'di ka mabagot dito." Sabi nya saakin. Napangiti naman ako saka ako tumango tango sakanya. Tapos nagtawanan na lang kami doon.
--Hell's:
"Young master, eto na po pala ang brochure para sa private trip nyo." Sabi ni Chief Torres saka nya binigay saakin ang brochure. Tinignan ko naman 'yun, Europe? France? Doon na naman? Tss. Kinuha ko naman bigla ang cellphone at tinawagan ang isa kong utusan pagdating sa kalokohan ko.
"Hello, natanggap nyo na ba ang brochure nyo? Kung ganon ano anong places ang pupuntahan nyo?" Tanong ko. Tila napangisi ako nang marinig ko ang sinabi nya, agad ko namang pinutol ang tawag, pagkatago ko ng cellphone ko agad na dumating ang tatlo kong kaibigan.
"Hell, excited ka na sa trip natin? Kaya lang doon na naman ang destinasyon natin wala namang bago." Sabi ni Isiah. Ngumiti naman ako sakanila, at nagtaka sila kung para saan yung ngiti ko na 'yun.
"Eh kung sumama tayo sa trip ng mga estudyante? Mukang exciting ang hongkong e, ano game?" Bigla kong sabi sakanila. Nagkatinginan naman silang tatlo, tapos ngumiti sila saakin.
"Game!" Sabi nung dalawa. Agad naman kaming napalingon kay Dylan na seryoso ang tingin saamin. "Ikaw Dylan, hindi ka ba sasama sa trip?" Tanong ni Isiah.
"Yun kasi ang araw ng uwi ni Louise, Kaya baka sumunod na lang kami sa trip." Nakangiti nyang sabi, napangiti na din kaming tatlo kaya naman pala, uuwi na pala si Katrina kaya naman pala mukhang magiging masaya na naman sya.
--Ngayon na ang araw ng trip namin, at eto kaming tatlo naglalakad na papunta sa mga estudyante. Agad naman nagtinginan samin ang lahat at tila nabigla sila nang makita kami. Umupo kami sa may waiting area at hinintay ang pagtawag ng flight namin, nagsuot ako ng earphones at nakinig na lang muna ako ng music, pero habang ginagawa ko yun inililibot ko ang paningin ko baka kasi sakali makita ko ang babaeng amazona na 'yun.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...