Chapter Twenty-Eight:

188 3 0
                                    

Third Person's POV:





Matapos ang ilang araw na napagdaanan ni Yuri sa mga kaklase saglit na tumahimik ang buhay nya at tila ba tinigilan sya ng mga ito kaya naman masaya syang pumasok sa school gym para naman magpapawis lang, habang nagpapractice sya doon bigla syang napatigil dahil may alaala na nagbalik tanaw sa isip nya, para bang nakita nya mismo sa court na yun ang masaya nilang paglalaro ni Hell, kung paano sila tumawa matapos nila maglaro at kung paano nya mas nakita pa ang Hell na hindi nakikita nang ibang tao. Napaluhod sya at tila ba may mga luha na pumatak sa mga mata nya. Alam nya na sa puso nya, mahalaga ito sakanya alam nya sa puso nya na namimiss nya na ito. Kaya naman matapos nyang magpapawis, nagpahinga muna sya doon at tila ba nagisip isip muna sya, kinuha nya ang cellphone nya at idadial na nya sana ang cellphone ni Hell nang biglang magtext sakanya ang binata.


Agad nyang tinignan ang text nito at tila ba kinuha nya na ang bag nya at dali daling pumunta sa may lutuan sa cafeteria, hindi nya lubos akalain na sa wakas magkikita na sila, magkakausap na uli sila. Maraming syang gustong sabihin, marami syang gustong alamin, kaya naman ng makarating sya doon hinanap nya agad si Hell pero wala ito doon, tila nalungkot naman sya kaya naman lalabas na sana syang muli ng biglang hindi na nya mabuksan ang pinto. "Hala, bat ayaw mabuksan? Tulong! May tao ba dyan? Tulungan nyo naman ako!" Sigaw nya doon. Pero parang tila walang nakakarinig sakanya. Tumingin naman sya sa paligid nya at maya maya pa may bigla syang narinig na sumisirit kaya naman napatingin sya sa paligid at tila ba hinanap nya kung nasaan ang tunog na yun, tila napahawak naman sya sa ilong nya ng makaamoy sya ng gas, napatingin sya sa may malapit sa kalan at nakita nya ang gas doon na sumisirit, naisip nya na katukin ang mga bintana pero parang walang nakakarinig sakanya.


Naisip nya na baka ito na ang katapusan nya, naisip nya siguro ito na ang kapalaran nya, unti unti na syang nanghihina at tila ba hindi na sya makahinga sa amoy. Tuluyan na syang napahiga ng may marinig syang boses. "Yuri?! Yuri?! Nasaan ka? Nandito na ako, hindi kita papabayaan." Sabi ni Kael. Yun na ang huling salita na narinig ni Yuri mula sa binata dahil pagtapos non nawalan na sya ng malay.


Sa kabilang dako, pilit na pinipihit ni Kael ang doorknob ng pinto kaya naman ng hindi gumana ang nasa isip nya naghanap sya ng pwedeng pasukan para mailigtas si Yuri, napatingin sya sa bintana nakakita din sya ng baseball bat doon at agad nyang pinalo ang bintana agad namang nabasag yun at hinanap nya si Yuri ng makita nya yun tila ba ginising nya yun pero hindi na nagreresponse ang dalaga kaya naman agad nyang inilabas ito sa may lutuan, agad nyang itinakbo yun sa may kotse nya at dinala ito sa bahay nya. Nang makarating na sila sa bahay niya, agad nya itong dinala sa kwarto nya at inihiga ng dahan dahan doon si Yuri, kumuha sya ng malamig na tubig pati na din palanggana nilagyan nya ng alcohol yun at kumuha din sya ng maliit na towel, bumalik sya sa kwarto at dahan dahan na pinunasan ang braso at binti ng dalaga pati na din ang muka nito, unti unting nagkaroon ng kulay ang dalaga kaya naman napahinga sya ng maluwag.


Nang matapos nya yun, nilagay nya yun sa table at pagtapos non hinarap na nya ang dalaga. Hinawakan nya ang kamay nito at hinalikan. "Sabi ko sayo, hinding hindi kita pababayaan, Yuri. Ipagtatanggol kita kahit na ano pa ang mangyari." Sabi nya sa natutulog na talaga agad nyang hinaplos ang buhok nito at maya maya pa hinalikan nito ang noo ng dalaga, napatingin din sya sa mga labi nito at tila ba may nagtulak sakanya kaya naman dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ng dalaga ng biglang nagring ang cellphone nya, kaya naman kinumutan nya muna yun at lumabas na sa kwarto sinagot nya yun at napangisi sya ng makilala nya ang taong tumawag sakanya. "Kasama ko na sya, oo sabi ko naman sayo e mapagkakatiwalaan mo ko sa mga bagay na yan. Basta wag na wag mo lang kakalimutan ang isang milyon na pera ko na pinangako mo. Sige, bye." Napangisi ang binata matapos nyang makausap ang taong na sa linya, napaupo sya sa may sofa at tila ba tinignan nya ang picture nila ng ng kakambal nya.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon