Chapter Eighteen:

321 8 1
                                    

Yuri's POV:




Matapos kong linisin ang may pool area ay umalis ng school, papasok pa sana ako para sa shift ko kaya lang naisip ko na masyado na atang masakit ang buong katawan ko kaya naman naisipan ko na umuwi, naglalakad na ako pauwi ng biglang may kotse na puti ang humarang sa tatawiran ko, agad naman na bumaba doon si Dylan at tila ba'y nakangiti pa sya saakin. "Pauwi ka na ba?" Tanong naman nya saakin. Tumango naman ako sakanya at pagkatapos non bigla nya akong hinila papasok ng kotse nya saka nya pinaandar yun, agad naman akong napatingin sakanya these past few days parang ang hilig nyang manghila ngayon. Tinitignan ko naman yung way kung saan kami papunta, halos hindi ko alam kung nasaang lugar na kami kasi hindi naman ako familiar sa dinadaanan namin, maya maya pa tumigil kami sa isang malaking bahay.


Pinababa nya ako sa sasakyan at hinila na naman nya ako papasok sa loob. Saka ko lang nalaman na bahay nya pala yun, dahil pagpasok palang namin nakita ko na agad ang malaking poster dun ni Katrina. Pinaupo naman nya ako sa sofa at agad na kumuha ng kung ano sa kusina nya, napatingin lang ako sa buong paligid ng bahay nya, masasabi ko na simple pero napakaganda ng bahay nya, nang mapadpad ang mata ko sa mesa nakita ko doon ang maraming picture frame at halos lahat yun ay silang dalawa ni Katrina, pati na rin ang isang family picture. Maya maya pa naramdaman ko na lang na may inilapag na sya sa may mesa sa mismong harapan ko, tila natakam ang sikmura ko ng makita ko ang ibat ibang klase ng cupcake ang nandoon.


"Alam mo bang napakahilig ni Louise sa mga cupcakes, kaya naman gusto ko matuto magbake para naman magawa ko yung mga paborito nya. Kumain ka oh." Sabi nya saka nya ako binigyan ng isang cupcake agad ko namang tinikman yun at tila ba napakagat ako uli dahil sobrang sarap non. "Masarap ba?" Tanong nya saakin. Agad naman akong tumango noon, tapos napangiti naman sya saakin.



"Totoo nga yung sabi nila, kung hindi si Louise ang una kong nakilala baka ikaw ang minamahal ko ngayon. Alam mo Yuri, minsan naisip ko ano nga ba ang nagustuhan ni Hell sayo at handa syang makipagpatayan saakin para lang sayo. Pero ngayon nakita ko na, nalaman ko na kung bakit gusto ka ni Hell." Sabi nya saakin, bigla naman akong napatitig sakanya na tila ba hindi ako makapaniwala na nasasabi nya ang mga yun. "Yung buo mong pagkatao napakainteresting, isipin mo napapaikot mo ang buong TUX4 sa kamay mo. At masaya, napakasaya ko kasi nakilala kita, nakilala ko ang katulad mo Yuri, kaya maraming salamat. Maraming salamat sa pagdating mo sa buhay ko." Sabi nya pa.


"Naghahabilin ka na ba? Mamamatay ka na ba bukas?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko kaya naman napatakip ako agad ng bibig at tila ba parang nagecho sa buong bahay pati na din sa tenga ko ang tawa nya, sa ilang araw na pagkakakilala ko sakanya, ngayon ko lang nakita at narinig ang ganoong tawa nya.


"Nakakatawa ka talaga, Yuri. Pero seryoso salamat talaga, hindi ako naghahabilin o ano pero gusto ko lang malaman mo na ayokong mawala ka na sa buhay ko, sa buhay namin parang kulang kasi kapag wala ka, parang sobrang matamlay kapag walang Yuri na maingay, yung Yuri na kayang bugbugin ang isang Hellium Shin, yung Yuri na kayang baguhin ang buong buhay namin. Kaya wag ka mawawala please lang." Sabi nya, napatango naman ako. Tapos tila ba palapit ng palapit ang muka ni Dylan saakin, teka parang di ako makapagisip ano bang gagawin ko bigla ko nakita yung frame na may dalawang bata.


"Uy, si Katrina ba to? Tapos ikaw yung lalaki grabe bata pa lang kayo may chemistry na kayo ha." Sabi ko, tapos bigla naman syang umiwas at napainom na lang juice. Tila nagiba ang atmosphere ng buong bahay kaya naman bigla ko nalang naisipan na magkwento. "Alam mo, Dylan. Gusto ko din pala magpasalamat sainyo, kay Jeremy at Isiah kasi sobra nila akong tinulungan nung mga panahon na wala ka, nung panahon ding yun andun din si Hell para iligtas ako, para gamutin ako, para matanggal yung sakit sa puso ko, yung stress ko, sayo din nagpapasalamat ako kasi nung mga panahon na may away pa kami ni Hell lagi kang nandyan para saakin, lagi kang nasulpot iniisip ko nga baka ikaw talaga yung nakatakda na magtanggol saakin. Pero alam mo, kung may isang bagay na naituro saakin si Katrina noon, yan ay yung kailangan mo din magkaroon ng choice para sa sarili mo choice para sa mahal mo, choice para sa bawat tao na nandito sa mundong ito. Masakit para sayo kasi mas pinili ni Katrina ang pakawalan ka, pero naniniwala ako na makikilala mo rin ang isang taong pipiliin ka para mahalin ng buong buo katulad ng pagmamahal sayo ni Katrina, at nang pagmamahal ko sayo noon." Nasabi ko, napatingin ako sakanya pero tila ba natawa ako sa sarili ko kasi ang kinakausap ko pala mahimbing na nakatulog sa sofa.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon