Yuri's POV:
Malapit na matapos ang shift namin ni Aishelle pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong susuotin ko mamaya para sa welcome party ni Katrina, bakit naman kasi tumango pa ako e paano ba ako napapayag ni Dylan sa alok nyang yon? Kung bakit ba naman kasi ang bilis kong umoo pagdating sakanya. Napabuntong hininga nanaman ako uli. "Huy Yuri, kanina ka pa nagbubuntong hininga dyan, ano bang problema mo?" Biglang tanong saakin ni Aishelle. Napabunsangot naman ako sakanya ng muka.
"Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung ano ba ang susuotin ko mamaya para dun sa party ni Katrina. Kung tutuusin wala naman akong magarang damit para umattend sa mga ganong sosyalan na party, saka baka magmukang kawawa lang ako doon kasi diba puro mayayamaman yung mga imbitado doon." Sabi ko naman sakanya. Hinila naman nya ako papalapit sakanya.
"May naisip na akong paraan para dyan, yung tita ko may ari sya ng isa sa mga ukay ukay dito, pwede kang manghiram para naman may masuot ka o diba? Tapos na ang problema mo." Sabi naman nya saakin. Napangiti naman ako sakanya tapos, nagpatuloy na kami uli sa paglilinis ng shop.
--
Pagtapos nang shift namin sa shop agad na kaming dumirecho sa ukay ukay na pinagmamay ari ng tita ni Aishelle, nang makahanap kami ng maayos na semi formal na dress ay agad na pinakiusapan ni Aishelle ang tita nya na baka pwedeng mahiram yun kahit isang gabi lang, mabilis naman na sumang ayon ang tita nya dahil na rin sa kilala na naman ako nito. Matapos namin mahiram ang damit ay agad na kaming pumunta sa apartment ng magulang ni Aishelle, pagmamayari na nila ang bahay kaya naman hindi na kami nagkakaproblema kung saan pa kami tutuloy nung dumating kami dito.
Nang makarating na kami sa bahay ay agad na akong naligo at nagbihis na nung hiniram naming damit, agad rin nya akong nilagyan ng konting foundation at lipstick na kulay pink. Matapos non ay nilugay ko lang ang buhok ko at pinasuot nya saakin ang sapatos nya nung nag JS sya dati. Kaya naman matapos ang paghahanda agad na kaming nagtricycle papunta sa hotel kung saan ang venue ng party ni Katrina. Nang makarating kami doon halos di ako makahinga dahil na rin sa kabang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko, para bang mapapatae ako na mapapaihi na di ko alam dahil sa kaba ko. At nang nasa may pinto kami iniharap ako ni Aishelle sakanya.
"Yuri, kaya mo yan. Wag kang magpapatalo sakanila kung sakaling laitin ka man nila. Lakas lang ng loob, Yuri. Sige na pasok ka na." Sabi ni Aishelle sakin. Yumakap muna ako sakanya bago ako pumasok sa loob ng hotel, naglalakad lang ako at tila ba hinahanap ko kung saan ba mismo yung party at maya maya pa nakita ko ang isang napakalaking pinto na may gold na ribbon, naisip ko na baka ito na yun, kaya naman agad na akong pumasok sa loob. At nang makapasok ako tila ba lahat ng atensyon ay napunta saakin. Pati na din ang TUX4 at si Katrina napatingin sa direksyon ko, agad naman akong napayuko dahil sa hiya na nararamdaman ko, maya maya pa lumapit sa akin ang mga estudyante na nagpahirap saakin kasama ang tatlong maldita na TUX4 angels daw, muka namang mga demonyo.
"Yuri, saan mo naman nabili yang dress mo at mukang naluma na nang panahon. Sana naman nagpasabi ka na pupunta ka dito edi sana napahiram ka namin ng damit." Nagtawanan ang lahat ng estudyante na nasa harapan ko ng sabihin yun ni Sarah.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...