Chapter Twenty-Seven:

173 5 0
                                    

Hell's POV:





Maaga akong pumasok sa school para makita ko agad si Yuri, may bago akong strategy sa pagyayaya sakanya at sigurado ako sa strategy ko na to hindi na sya makakaangal pa, kinontak ko din yung tatlo at makalipas ng ilang minuto nandito na rin naman sila. Si Dylan mukang antok na antok pa dahil humihikab hikab pa ito, sabagay maaga pa pero sanay na din naman ako sakanya na inaantok lagi. "Anong meron Hell at pinapunta mo kami ng ganito kaaga?" Tanong ni Isiah. Napangiti naman ako at sila naman parang wala lang.


"Nakaisip na kasi ako ng bagong strategy kung papaano ko mayayaya si Yuri sa mga lakad namin, para hindi na sya makatanggi pa. Sisiguraduhin ko na walang may birthday non, wala syang trabaho kung baga itataon ko na day off nya. O kaya naman isasama ko na lang si Aishelle sa pagvavacation para naman siguradong sasama na si Yuri, ano sa tingin nyo? Ang bright ng naisip ko no?" Sabi ko sakanila.


"Hindi namin alam kung anong nahithit mong bawal na gamot ngayon, Hell pero si Yuri yun. Panigurado ako na hindi gagana yang plano mo dahil si Yuri yun. Parang hindi mo naman kilala si Yuri, kahit na gustuhin mo kapag ayaw nya ayaw nya, at wala ka nang magagawa pa dun." Sabi ni Jeremy saakin. Natawa naman si Isiah si Dylan naman napangiti. Hindi ako makapaniwala na hindi nila ako susuportahan sa plano ko nakakainis. Bigla ko naman napansin yung suot na bonnet ni Isiah.


"Ano namang trip mo at nag-bonnet ka ang init init ng panahon e." Sabi ko saka nya hinawakan ang bonnet na suot nya tapos ngumiti sya, yung ngiti na walang kamanyakan, yung ngiti na walang halo ng pagiging playboy nya.


"Siguro binigay yan ng isa sa mga babae mo no?" Entrada naman ni Jeremy.


"Mali kayo, bigay yan ng isang babaeng nagpapahalaga sakanya, kung baga sa madaling salita, nagmamahal sakanya. Hindi ba, Isiah?" Sabi naman ni Dylan at nagulat naman kami ni Jeremy ng biglang tumango si Isiah.



"Nakahithit din ng bawal na gamot si Isiah." Sabi ni Jeremy, sinapok naman sya ni Isiah at nagsapukan sila doon hanggang nakisali na kami at tila ba nagtawanan na lang kami bigla.





--


Naglalakad na kami papunta sa private room namin nang biglang mapansin namin na may pinagkakaguluhan sila sa tv screen, kaya naman lumapit kami doon. Tinignan namin kung ano ang pinagkakaguluhan nila at tila naikuyom ko ang kamao ko at tila ba hindi ko mapigil ang sarili ko na mainis dahil sa nakikita ko. "Kailan pa naging model si Yuri?" Tanong ni Jeremy.


"Baka naman isa sa mga raket nya, teka diba yan yung sikat na male model yung ano bang pangalan nun, Drew. Magkasama sila, Hell alam mo ba yan?" Tanong naman ni Isiah sakin. Hindi naman ako makasalita dahil sa inis ko.


"Uy, kahapon lang kinuhanan, gabi na rin yung time. Ibig sabihin--" hindi ko na natapos ang sasabihin ni Jeremy ng bigla akong umalis doon, tinatawag pa nila ako pero hindi ko sila pinansin, ngayon kailangan kong makausap si Yuri. Ngayon kailangan naming magtuos.




Yuri's POV:




When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon