Hell's:
Tahimik lang akong nagiisip sa tambayan namin, iniisip ko kung ano bang magandang gawin sa babaeng 'yun? Tutal pakielamera sya masyado, pwes bibigyan ko sya ng sample kung papaano nga ba gumanti ang leader ng TUX4. Napangisi ako ng maalala ko lahat ng mga kahayupan na ginawa ko kay Kyla, ang babaeng nagdrop dito at ngayon namamayapa na ang kaluluwa sa mental hospital. Bigla akong napatawa ng napakalakas ng makaisip ako ng paraan para mapaalis o kusang umalis ang babaeng pakielamera na 'yun.
"Nakaisip na naman 'yan panigurado ng gagawin dun sa bagong target, eh ano na ba ang plano mo?" Biglang tanong saakin ni Isiah na nakikipaglaro sa akin ng billiards. Ngumisi ako ng nakakaloko sakanya at masasabi kong napakaganda ng naisip ko na plano para sa babaeng hampas lupa na 'yun.
"Panigurado ako kakaiba na naman ang naiisip mo, don't tell me magagaya sya kay Kyla? Ang pinakaunang estudyante na kumalaban sa TUX4." Sabi naman ni Jeremy. Pagkatapos kong tumira saka ako tumingin sakanila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad na dinial ang number ng isa sa mga estudyante.
"Nga pala, Ice. Ano nga uli pangalan ng babaeng 'yun at ang section nya? Nalaman mo ba?" Tanong ko sakanya habang nakatapat pa rin ang cellphone sa tenga ko. Napaisip naman sya at pilit nyang inaalala 'yung pangalan.
"Ah, alam ko na. Eireen Yuriko Salvador, Junior, Section 3B." Sabi nya sakin.
"Alam nyo na ang gagawin nyo kay Eireen Yuriko Salvador, Junior sya, section 3B make me proud, bastards." Sabi ko saka ko pinutol ang tawag. At naglaro na kami muli ng billiards. Naghahanap ka ng sakit ng katawan Eireen Yuriko, humanda ka na dahil bukas na bukas mararamdaman mo na ang hagupit ng isang Hellium Shin Aragon. Nakangisi kong sabi sa sarili ko habang tinitira ko ang huling bola.
--
Kinabukasan.Maaga akong nagpunta sa tambayan namin at agad kong binuksan ang TV na konektado sa CCTV ng school. Sitting pretty lang ako doon nakataas ang paa sa may sofa habang kumakain ng grapes. "Tignan natin ngayon kung may mailalabas ka pa na tapang, Salvador." Sabi ko saka ako napangisi. Hinihintay ko lang ang pagdating nya kaya naman nakatutok pa din ako sa TV. At maya maya pa nakita ko na syang naglalakad papasok ng Aragon High. Tila may ngiting nagpakita sa labi ko nang makita ko na malapit na sya saaking patibong.
At parang nanalo ako sa lotto nang malaglag sya mismo sa butas kung saan may napakalalim na tubig na may putik, tignan ko lang kung makaahon ka pa dyan. Pinatay ko na ang TV at agad akong tumayo sa kinauupuan ko, naglakad ako papalabas ng tambayan at agad na akong pumasok sa may Private room, ngayon masasabi ko na napakasaya ko na mayroon na naman akong hampas lupa na mapapalayas sa eskwelahan ko.
Yuri's:
Agad akong napaupo sa may bato ng makaahon ako sa malalim na kanal na ito. Halos mamatay ako sa sobrang lalim non, mabuti na lamang at marunong akong lumangoy kung hindi pinaglalamayan na ang katawan ko. Tumayo na ako matapos kong makahinga, alam kong muka akong basang sisiw pero wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao dito, ang mahalaga papasok ako at makikinig lang sa teacher ko. Sa paglalakad ko, bigla ko namang nakasalubong si Laurice, pero tinignan nya lang ako tapos yumuko na sya at umalis na papalayo saakin. Hindi ko lubos maisip na kaya akong hindi pansinin ng kaibigan ko. "Poor girl, kahit kaibigan mo pinandidirihan ka na rin, look at yourself your so mabaho na nga, your so yuck pa." Sabi ng malditang si Sarah.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...