Yuri's POV:
Kinaumagahan.
Inalis ko na ang kumot sa may muka ko at tumayo na ako sa kama. Napahinga ako ng malalim, hay hanggang ngayon naalala ko pa rin yung halik saakin ni Hell. Napahawak naman ako sa labi ko at maya maya lang para bang napangiti na ako hindi ko inasahan na nung mga oras na yun ang puso ko titibok ng malakas, doon ko narealize na siguro nga may gusto na din ako kay Hell non. Matapos ko maisip ang lahat ng yon kinuha ko na ang twalya ko at dumirecho na ako sa banyo para maligo matapos ng ilang minuto na paliligo ko paglabas ko ng cr nakita sina mama at papa doon na para bang kakauwi lang galing trabaho. "Ma, pa kakauwi nyo lang?" Natanong ko sakanila.
"Oo anak, ako kasi may tinapos na tricycle para doon sa bagong kliyente ng boss ko e kailangan na bukas kaya tinapos ko na hanggang kanina kaya ngayon lang ako umuwi." Sabi ni papa.
"Ako naman, halos hindi ako nakahuli ng isda kaya naman naisipan ko kaninang madaling araw na baka may huli sina tessie kaya naman kumuha muna ako sakanila, babayaran ko na pang pag naibenta ko na bukas, o sya magpapahinga na muna kami ng papa mo." Sabi naman ni mama tapos non ay agad na silang pumasok sa loob ng kwarto nila, ako naman nagbihis na ako saka ako umalis ng bahay at tuluyan na akong nagpunta sa may coffee shop. Pagkarating ko doon nandon na si Aishelle, at napansin ko na para bang kakaiba ang aura ng muka nya.
"Huy, Aishelle may nangyari ba? Bakit parang ang saya saya mo?" Sabi ko nang makalapit ako sakanya. Tumango naman sya saakin pero hindi naman sya nagkwento kaya naman binaba ko na lang ang bag ko at nilagay ko na ang apron ko at nagsimula na akong magayos ng iba pang pastries. Habang nagaayos ako may napansin naman akong mga chocolate sa mesa. Lumapit ako doon at tila ba napalunok ako ng makita ko na napakasarap ng mga chocolate na yun.
"Valentines na bukas diba? Dapat magprepare na tayo para sa mga taong gusto natin." Sabi nya, saka sya umupo doon at para bang masaya sya habang tinitignan ang mga chocolate na yun.
"Valentines? Ah 14 na pala bukas. Hindi ko akalain na makakalimutan ko ang araw na yun, pero teka diba ang Valentines para sa mga may minamahal lang yun? Ay hindi pwede din pala sa pamilya yun, eh ikaw ba sino ba bibigyan mo? Ang parents mo ba?" Tanong ko sakanya. Umiling naman sya at tila ba nagtaka ako. Napaupo ako sa may harapan nya. "Inlove ka na naman ba? Sino na naman ang lalaking yan? Baka naman saktan ka na naman nyan." Sabi ko pa sakanya. Natawa naman sya.
"Wag kang magalala, pasasalamat ko lang to sakanya. Kasi tinulungan nya ako kahapon na makalimutan ang ginawa saakin ni Alex kaya naman bibigyan ko sya bukas ng chocolate para naman makabawi ako sa kabutihan nya." Sabi pa nya, kaya naman napatango na lang ako tumayo na ako at binalikan ko na lang yung ginagawa ko kanina. Bigla kong naisip si Hell, matapos namin mapagusapan ni Aishelle ang tungkol sa Valentines day.
"Ikaw Yuri, anong ibibigay mo bukas kay Hell?" Tanong nya saakin. Tila ba hindi pa ako nakasagot non, dahil sa totoo lang wala talaga akong maisip na ibigay sakanya.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...