Hell's:
"Ano?! Talagang ipapagang rape mo 'yung babaeng 'yun, akala ko naman tatakutin mo lang katulad ng ginawa mo kay Kyla." Sabi ni Jeremy saakin. Napangisi naman ako sakanya saka ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ang isa sa mga utusan ko na estudyante dito, agad naman nya yung sinagot.
"Kamusta ang pinagawa ko sainyo? Ano? Mabubuntis ba? Siguraduhin nyo na mapapalayas 'yan sa eskwelahan ko." Sabi ko habang nakangiti ng malapad. Napailing na lang sila Jeremy saakin. Pero tila nawala ang ngiti ko at agad na napakunot ang noo ko nung marinig ko ang sinabi nya.
"What?! Si Dylan? Sige, ayusin nyo nga ang trabaho nyo sa susunod wag na kayong papalpak, baka kayo ang tanggalin ko." Sabi ko tapos pinutol ko na ang tawag. Agad na naikuyom ko ang kamao ko. "Kailan pa sya nakialam sa mga ginagawa ko?" Bigla kong nasabi.
"Grabe gutom na ako. Pakain ako ah." Biglang sulpot ni Dylan, umupo sya sa may tabi ko at tinignan nya muna ako bago nya kainin ang pagkain na hawak nya. "Oh bakit ganyan ang muka mo? May problema ba? Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa tapos sa pagpapahirap dun sa babae. Ano naman ang susunod mo na gagawin?" Sabi nya saakin. Tinignan ko naman sya ng masama.
"Bakit Dylan? Tutulungan mo ba uli ang babaeng 'yun, katulad nung ginawa mo noong nakaraang araw?" Sabi ko sakanya. Napatingin sya uli saakin matapos kong sabihin 'yun.
"Hindi ko sya tinulungan, ayoko lang ng may nangyayari na ganon sa mismong harapan ko. At hanggang kailan ka ba magpapakachildish sa ganyan mong gawain, Hell? Wala ka namang napapala sa mga ginagawa mo e." Sabi naman nya saakin. Mas lalong nag-init ang ulo kaya naman, imbis na patulan ko pa sya ay tumayo na lang ako at lumabas na sa tambayan.
Hindi ko mawari kung ano ba ang meron ngayon kay Dylan, pero yung huling kita ko sa ganyan nyang ugali ay nung tipong nagbalik sya sa katinuan nya nang makilala nya si Katrina.
Pero hindi pa din ako magpapatalo sa babaeng hampas lupa na 'yan, isa na lang at kapag hindi ka pa nadala sa gagawin ko ako na mismo ang makakaharap mo. Kinuha ko na muli ang cellphone ko at tinawagan ang utusan ko. "Hello, alam nyo na ang panghuli na gagawin. Siguraduhin nyo na lalabas 'yan sa buong Pilipinas. Wala akong pakialam kung papano nyo gagawin, kaya pagbutihin nyo." Saka ko pinutol ang tawag. Ngayon katapusan mo na, Salvador.
Yuri's:
Tahimik lang ako na nagbibilang ng kinita ng coffee shop namin ngayon nang bigla akong lapitan ni Boss Mike, kaya naman nag angat ako ng ulo saka ko sya tinignan. "Ano 'yang balita na 'yan, Boss?" Tanong ko sakanya habang tinatago ko na ang pera sa lalagyan.
"May nababalitang buntis sa school nyo at ang sabi dito Junior, Section 3B daw, eh diba 3B ka? Baka kaklase mo 'yun, Yuri." Sabi ni Boss Mike, kaya naman bigla akong nabigla at napatayo kaya naman binasa ko yung article. Oo nga may nababalita na buntis sa school namin.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...