Chapter Seventeen:

244 9 0
                                    

Yuri's POV:





Kinabukasan.


10 am na nang umaga pero hanggang ngayon ay nakahiga pa din ako sa higaan ko, wala akong magawa at tila ba hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang malamig na expression ni Hell hindi ko akalain na ganon na lang ang magiging reaksyon, at nakapagtataka naman na video, sa video nya nakita? Sino naman ang magvivideo saamin at talagang kinuhanan nya buong pangyayari, tumayo naman ako sa kama ko at direcho na lumabas ng kwarto at paglabas ko agad ko na nakita ang magulang ko na nakaupo sa hapag kainan habang hindi ko malaman kung anong klaseng expression ang nasa muka nila. Agad naman akong umupo sa tabi ni Papa, at tila ba may napansin akong papel na puti sa tabi ni Mama kaya naman kinuha ko yun at binasa, tila ba hindi ako makapaniwala na tinanggal na nya ako sa school na yun.



"Sabihin mo saamin, Yuri ano ang nangyari at bakit inalis ka sa school na yan? Sabihin mo?! Bakit ka pinaalis?!" Sigaw na sabi sakin ni Mama. Agad naman na pinakalma ni Papa si Mama ako naman ay nakatulala pa din sa puting papel na hawak ko. "Yuri, hindi mo alam kung anong sinasayang mo, hindi mo alam kung bakit pinilit ko na maipasok ka sa school na yun. Alam mo bang sayo na kami umaasa nang Papa mo dahil nalulugi na ang tindahan natin ng isda habang ang Papa mo naman ay ilang buwan na lang ang itatagal sa pinagtatrabahuhan nito. Yuri, hindi ito basta sa pera lang para to sa kinabukasan mo, para sayo to hindi para samin." Sabi ni Mama, tapos tumayo na sya sa hapag kainan at pumunta sa kwarto nila ni Papa, agad naman na sumunod si Papa kay Mama. Pinunit ko naman ang sulat na yun saka ako nagbihis at umalis ng bahay namin.




Halos ilang oras na akong nakatayo sa harapan ng bahay nila Hell pero parang wala pa din atang balak umuwi ng mokong na yun, napatingin naman ako sa orasan ko, maglulunch na alam kong pauwi na yun dahil wala na syang iba pang klase. Kaya naman hinintay ko pa din sya hanggang sa makarating sya pero wala pa din nadating kaya naman naisipan ko na lang na pumunta sa school paalis na ako ng bahay nila nang makita kong pumasok na ang kotse na sinasakyan nya sa loob. Agad din naman akong pumasok at hinintay na bumaba sya, pero parang akong tanga na nakatayo dahil hindi naman sya bumababa. Maya maya pa nagbukas na ang ang pinto at bumaba doon ang mga butler nya, akala ko naman bababa na sya pero nagulat ako ng umandar ang kotse. Agad naman naman akong napatakbo para habulin yun.

Nung makalabas na ako sa gate nila agad na may humarang na sasakyan na puti sa harapan ko nagbukas ang bintana non at napanganga ako ng makita ko ang isang napakaganda na babae. "Get in." Sabi nya saakin. Kaya naman sumakay na ako sa sasakyan nya, agad naman nyang pinaandar yun at tila ba nakikipaghabulan kami ah hindi naghahabulan talaga kasi nga pala gusto ko maabutan si Hell. Napatingin naman ako sakanya at tila ba seryoso ang muka nya kakahabol kay Hell. "Wag kang magalala, mas mabilis ako magpatakbo sa unggoy na yun kaya maabutan natin sya, just trust me okay?" Sabi nya pa, at maya maya nga nakikita ko na ang sasakyan na gamit ni Hell, nalampasan nya na yun at hinarang agad. Napatigil naman ang kotse ni Hell, saka ito bumaba doon.

"Hoy, ano bang problema mo!!" Sigaw nya. Agad naman bumaba yung babaeng maganda tila may kinuhang mahabang pamalo, tapos bumaba na din ako nakita ko naman na pinaghahampas nya si Hell, at nang mawalan na ito lakas ay agad na isinandal sa kotse at dinuro sakanya ang pamalo na hawak nito.

"Ganyan mo ba tratuhin ang isang babae? Hindi mo bababain at paghahabulin mo habang nasa sasakyan ka. Gusto mo mabasag muka mo ha, Hellium Shin Aragon!!" Tila napalunok ako ng sabihin nya yun kay Hell. Inalis naman ni Hell ang nakatutok na pamalo sakanya at tila ba napakamot.

When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon