Yuri's POV:
Nang makatayo ako sa pagkalaglag ko ay agad akong pumunta sa may harapan nya. "Hoy Hellium Shin, ano bang pinagsasabi mo dyan? Bakit ka dito matutulog? Bakit wala ka bang bahay? Di hamak naman na mas malaki ang bahay nyo? Bakit nawala na ng space ha? Ah basta Hellium Shin, hindi ka matutulog dito makakaalis ka na." Sabi ko sakanya. Agad naman hinawakan ni mama ang bibig ko. Tumawa naman sya kay Hell.
"Hay naku, wag nyo na pinapansin ang sinasabi nito ni Yuri, honey pahiramin mo na ng damit si Hell, dali na at kakausapin ko lang to si Yuri." Sabi ni mama pumunta naman si Hell at papa sa kwarto agad nya akong pinaupo sa sofa, at tila ba masayang masaya si mama. "Anak, gabi na hayaan mo na dito na matulog si Hell. Saka bilang pasasalamat na din natin yun para sakanya, hayaan mo na ha atsaka ngayon lang naman anak, ngayon lang naman kayo magtatabi sa kama e saka boyfriend mo na sya diba? okay na yun." Sabi ni mama tila napatingin naman ako kay mama.
"Ma?! Bakit sa kwarto ko? Hay, paano nalang kung rape-in ako non paano na lang kung anong gawin nya saakin habang natutulog kami? Makakaya nyo ba na mawala ang unica hija mo?" Sabi ko naman, binatukan naman ako ni mama at tila ba lumapit pa sya saakin.
"May tiwala ako kay Hell, at may tiwala din ako sayo anak. Kaya alam kong walang mangyayari kaya sige na maglinis ka na ng katawan at matulog na kayo ng magising kayo ng maaga bukas. Lakad na don." Sabi ni mama, tumayo na naman ako sa sofa at papunta na sana sa kwarto ko para kumuha ng pamalit. "Anak, ang ganda naman ng t-shirt mo. Nakakakilig." Sabi ni mama, nagtaka naman ako kung bakit nya nasabi yun kaya naman kinuha ko na ang twalya at pamalit ko na damit saka ako pumunta ng banyo.
Pagpasok ko doon agad kong tinignan ang likod ko sa may salamin, at tila ba hinubad ko yun at tinignan kung tama ba ang nakikita ko sa may likod ng t-shirt. Ang nakalagay lang naman ay 'Eireen Yuriko Salvador-Aragon.' Napasigaw naman ako ng makita ko yun at tila ba hindi ako makapaniwala kaya naman pala pinagtitinginan ako ng tao dahil akala nila sa murang edad ko ay nagpakasal na ako.
Nang makapasok ako sa kwarto ay nakita ko na si Hell na nakasuot ng pantulog at tila ba parang naaliw sya sa loob ng kwarto ko. Inirapan ko naman sya at hindi ko na inintindi, inayos ko na lang ang unan at tila ba napatingin naman sya sakin. "Nakakatuwa tong kwarto mo no? Wala pa sa kalahati ng sala naman, iniisip ko kung mataba ka pinto pa lang hindi ka na makakapasok." Sabi nya habang natawa, hinagisan ko naman sya unan.
"Ang kapal naman ng muka mo, palibhasa kasi abnormal yang bahay nyo kulang na lang maging hotel na yang bahay nyo. Matulog ka na kesa iniinsulto mo ang bahay namin pati kwarto ko." Sabi ko sakanya tapos nagtalukbong na ako ng kumot. Naramdaman ko naman na may tumabi na sa may kanan ko.
"Yuri, bakit mo naging idol si Katrina?" Bigla nyang tanong tinanggal ko naman yung kumot na nasa muka ko napatingin naman ako sakanya habang sya naman ay nakatingin lang sa may kisame. Napatingin na lang din ako sa may kisame tapos naalala ko yung mga panahon na una kong makita si Katrina sa tv na naglalaro ng volleyball.
"Kasi masaya sya sa ginagawa nya, masaya sya sa bawat choice na ginagawa nya, may lakas sya ng loob. Totoo sya sa sarili nya pero ang pinaka the best na naging dahilan kung bakit ko sya idol? Kasi minsan sa buhay ni Dylan, napasaya sya ng isang Katrina. Napasaya nya ang taong mahal nya, yun naman ang importante diba ang mapasaya mo ang taong mahal mo kahit na ano pa ang mangyari?" Sabi ko sakanya. Tapos tinignan ko sya uli at tila ba napangiti nalang ako ng makita ko sya na nakatulog na pala kaya naman pinatay ko na ang lampshade at natulog na din ako na may ngiti saaking labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/55806435-288-k654336.jpg)
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
Roman d'amourIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...