Jeremy's:
Hanggang ngayon malakas pa din ang tawa namin ni Ice nang makita namin na para bang tinakasan ng kaluluwa si Hell. Hindi namin inakala na mas nakakatakot pa pala ang babaeng 'yun kesa sa mismong nanay nya. "Grabe talaga 'no, hindi ko akalain na kakaiba ang isang 'yun. Sa lahat ng estudyante na natatakot satin dito, aba sya lang ang may lakas ng loob na kalabanin tayo, lalo na mismo ang leader ng TUX4. Masasabi ko talagang walang wala ka pare." Natatawa kong sabi. Napalingon naman kami kay Hell nang bigla nyang ibagsak ang first aid kit, saka nya mag-isang ginamot ang dumudugo nyang ilong at labi.
"Masasabi ko talagang kakaiba sya." Sabi ni Dylan. Mas lalo naman kaming nagtaka nang sabihin ni Dylan 'yun. Sya kasi yung tipo ng tao na hindi basta basta namamansin ng ibang tao lalo na't hindi naman nya kilala, ito ang unang beses na magsabi sya ng ganyang bagay sa isang tao at doon pa sa amazonang babae na 'yun. "Sa totoo lang, Hell. Nung una ko syang makita sa may gym? Doon ko nalaman na may kakaibang syang katangian, ni hindi nga natalab ang charms ko sakanya e." Nakangiti nyang sabi.
"Iba na yan pare ha, ibig sabihin ba nito nagugustuhan mo ang babaeng 'yun?" Biglang sabi ni Ice kay Dylan. Ngumiti lang si Dylan tapos non ay sumubo na lamang uli sya ng pudding na kinakain nya. "Pero ano na nga ba ang susunod na gagawin mo? Ano na plano mo?" Tanong pa ni Ice kay Hell. Bigla naman napatingin saamin si Hell, at tila may naiisip sya na kung ano saka nya kinuha ang phone nya. Iniabot nya saamin 'yun saka namin kinuha at tinignan, nakalagay 'yun sa isang video, at nang dahil sa curiosity namin ay pinlay namin agad agad 'yun, at nakita namin si Hell na nandoon pati na din si........
"Ate Angel?!" Sabay namin na sabi ni Ice. Tumango naman sya at para bang pinalabas nya pa na panoorin lang namin, kaya naman pinanood namin maigi, at maya maya pa bigla na lamang sinipa ni Ate Angel si Hell sa sikmura saka binigyan ng magasawang suntok. "Subukan mo pang ulitin ang ginawa mo, Hellium Shin hindi lang 'yan ang aabutin mo! Naiintindihan mo ba?!" Sabi ni Ate Angel sa video tapos ng tango ni Hell sa video ay naputol na doon. Napaisip at sabay kaming nagkatinginan ni Ice, at sabay din kaming humalakhak ng malakas.
"Si Ate Angel, sya ang naiisip ko non nang gawin saakin nung babaeng 'yun ang sipain ako sa sikmura at ng bigyan nya ako ng magasawang suntok, alam nyo ba ng mga time na 'yon halos mahospital ako sa takot kay, Ate. Kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng 'yun dahil alam ko kapag pinatulan ko pa sya, eh baka hindi na ang babaeng 'yun ang manakit saakin kundi si Ate na. Ang lakas pa naman manuntok non ni Ate." Sabi ni Hell saamin. Tapos ibinigay na namin ang cellphone nya sakanya. Tapos non ay napatitig na lang kami sakanya. "Saka isa pa ayaw nya saatin diba, nakita nyo ba ito? Halos masira nya ang muka ko. Nako nakakainis kaya ngayon may plano akong maganda." Sabi nya pa saka sya ngumisi saamin.
Sa ngisi nyang 'yun parang ayaw namin tumingin dahil ang ngisi na 'yun ay para bang may balak na kabaliwan. "Eh aber ano naman ang plano mo?" Tanong ko sakanya.
"Ayaw nya saatin diba? Lalo na saakin, kaya naman gagawa ako ngparaan para magustuhan nya tayo ah, kahit wag na kayo. Gagawa ako ng paraan para magustuhan nya ako ng sa ganon ay magkaroon na sya ng pag-asa." Sabi naman nya. Tila naguluhan naman kaming tatlo sa sinasabi nya kaya naman napatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomansaIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...