Third Person's POV:
At Coffee Shop.
Tila ba masayang nagkwekwento si Aishelle tungkol sa kanyang boyfriend, halos hindi naman magkamaliw ang kilig ni Aishelle habang sinasabi nya yun sa boss nya at kay Yuri. "Kay ayun, kagabi niyaya nya ako bukas daw magdedate kami. Pupunta kami sa Enchanted kingdom, grabe excited na ako. Ikaw Yuri, gusto mo ba sumama?" Tanong nang dalaga kay Yuri. Tila naman napatingin si Yuri kay Aishelle, at tila napaisip naman to.
"Wag na baka makagulo lang ako sa date nyo, enjoy your date na lang." Sabi naman ni Yuri kay Aishelle. Tinabihan naman ni Aishelle si Yuri at tila ba tinitignan nya ito maigi, kung baga nararamdaman nya na para bang may kung ano sakanya na kakaiba.
"Umamin ka nga saakin, Yuri. May nangyari bang hindi maganda sainyo ni Hell? Muka ka kasing pinagbagsakan ng langit at lupa dyan e." Sabi ni Aishelle sa kaibigan nya. Umiling naman si Yuri sa dalaga.
"Sadyang hindi ko lang alam kung bakit natitiis din ako ni Hell na hindi ako tawagan, at itext. Kasi naman e hindi ko din sya kinokontak nitong mga nakaraang araw kaya feeling ko galit yun saakin, eh ano namang gagawin ko naawkward kasi ako sakanya, basta simula nung naging kami na talaga ni Hell mas lalo syang nagiging weird, lumalala yung sapak sa utak." Sabi ni Yuri kay Aishelle. Bigla naman nakaisip ng ideya si Aishelle at tila ba masaya nyang sinabi yun sa kayang kaibigan.
"Eh kung yayain mo si Hell na sumama saamin bukas, double date ba ganoon. Pang bawi mo na sakanya, dali na. Kesa naman magmukmok ka lang ng matagal dyan , baka malugi pa tong coffee shop." Sabi ni Aishelle. Nagisip naman sandali si Yuri sa sinabi nang kanyang kaibigan hanggang sa napagdesisyunan nya na pumayag sa sinasabi ni Aishelle kaya naman agad nyang kinuha ang cellphone nya at tinawagan nya si Hell.
At nang masagot nito ang tawag nya. "Hello, Hellium Shin. Girlfriend mo to baka nalimutan mo na. Sino pa ba edi si Eireen Yuriko! May iba ka pa bang girlfriend?! Ahh gusto ko lang kasi sanang sabihin na baka gusto mo na sumama sa date nila Aishelle at ng boyfriend nya, double date ba ano okay kaba? Edi wag! Akala mo naman kung sino ka! Pumunta ka na sa gusto mong puntahan." End call. Biglang namatay yung tawag. Inis nyang binaba ang cellphone nya sa mesa.
"Oh ano sabi ni Hell?" Tanong agad ni Aishelle.
"Ayaw nya, bakit naman daw sya sasama sa date ng may date. Edi wag! Para namang pipilitin ko sya, ang nakakainis pa alam mo bang mas importante pa yung pupuntahan nya kesa sakin? Tapos binabaan nya pa ako, kung ayaw nya edi wag nya. Pero sasama ako sayo bukas ha, gusto kong makilala ang boyfriend mo. Sige na uuwi na ako bukas na lang, boss uuwi na ako babye!" Paalam ni Yuri saka nya hinubad ang apron nya at agad nang lumabas ng coffee shop at naglakad na pauwi.
Hell's POV:
Tila hindi ako mapakali kasi ilang araw ng hindi nagpaparamdam saakin si Yuri, at dahil masyado akong inggitero ginaya ko sya hindi ko din sya tinatawagan o tinetext man lang, pinupush lang din kasi ako ng mga kaibigan ko na wag ko daw masyadong alalahanin dahil baka bandang huli ako ang ma-under ni Yuri. Maya maya pa sa paglalakad ko ng pabalik balik, narinig ko na tumunog ang cellphone ko, agad na napatingin ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...