Yuri's:
Papauwi na kami ni Aishelle non, galing kami sa coffee shop at tila pagod na pagod kami dahil na rin sa dami ng tao na nagpunta kanina kaya naman naisipan naming maglakad lakad papunta sa sari sarili naming bahay. Kinwento ko din sakanya ang mga nangyari kahapon, simula nung damputin ako ng mga tauhan ni Hell pati na din ang paghatid sakin ni Dylan sa bahay. "Sobrang bait pala talaga nyang si Dylan e 'no, Yuri ang tanong may girlfriend na ba yan baka naman pwede ka nyang maging GF diba?" Sabi ni Aishelle kaya naman hinampas ko sya. Napatawa naman sya, habang ako naman namula na lang bigla ang mukha.
"Pero alam mo, Yuri. Magiging masaya talaga ako para sayo, kung makakahanap ka ng katulad nya na magmamahal sayo, at sempre mamahalin ka din. Saka hindi na tayo ganoon kabata para hindi pa magkaBF 'no, ako nga e pinipilit na ni Mama na magBF." Sabi nya tapos nagpout pa sya saakin. Napangiti naman ako saka ko ginulo ang buhok nya tapos nagtawanan kami. At maya maya pa bigla naming nadaanan ang mga poster ni Katrina sa isang shop. Nilapitan naman namin 'yun, at bigla na lamang akong napangiti. Kung tutuusin bagay syang maging model dahil napakaganda nya, kahit na volleyball player sya iba pa rin talaga ang ganda nya.
"Ang ganda nya 'no?" Napalingon naman kami bigla ni Aishelle sa may likod namin at tila parehas nanlaki ang mata namin nang makita namin sa likod si Dylan na nakatayo dun habang nakangiti at nakatitig rin sa poster ni Katrina. "Hindi ko nga lang gusto ang damit nya dito, masyadong sexy." Sabi nya pa. Napatingin naman kami ni Aishelle sa sinasabi nya, medyo sexy nga ang suot ni Katrina doon pero maganda pa din sya, at bagay pa rin naman sakanya.
"Idol mo rin ba sya? Alam mo, ako kasi idol na idol ko talaga si Katrina, at alam mo ba? Sya ang naging inspirasyon ko sa paglalaro ng volleyball, kung baga kaya ko tinanggap ang scholarship sa Aragon High kasi alam ko doon din sya grumaduate at umaasa ako na makikita ko sya." Sabi ko habang nakangiti. Napatingin naman ako uli sakanya, at para bang kakaiba talaga ang ngiti nyang 'yun, 'yung ngiti na minsan hindi ko pa nakita sakanya. "Siguro gusto mo sya 'no? Sa totoo lang 'di naman malabo yun, kasi maganda naman talaga si Katrina at kung ako ang tatanungin? Hindi mahirap mahalin si Katrina, kaya hindi malabo na magkagusto sakanya ang mga kilalang tao." Sabi ko pa. Tila nagbago naman ang timpla ng mukha nya at seryosong tumingin saakin."Wala kang alam, kaya wag kang magsalita ng tapos. Atsaka alam mo everytime na nakikita kita? Hindi talaga pwedeng 'di ka magiingay e 'no?" Sabi nya saka sya naglakad palayo saamin. Nilapitan naman ako agad ni Aishelle at pinanood na lang namin ang tuluyan na pagalis ni Dylan.
"May tinatago din palang kasungitan yan si Dylan e 'no? Halika na, pagabi na din umuwi na tayo dahil alam kong may pasok ka pa kaya naman tara na." Sabi nya. Kaya naman sumunod na ako kay Aishelle at tuluyan na nga kaming umuwi.
Nang makarating ako sa bahay, wala ang mga magulang ko kaya naman inisip ko na may mahalaga lang silang inaasikaso kaya naman dumirecho na lang ako sa kwarto ko, pagpasok ko doon agad akong napahiga sa kama ko, at napatitig lang ako ng ilang segundo sa kisame ko saka ko naisipan na sumulyap sa side table ko, at nakita ko doon ang dalawang paper bag.
Ang isa ay naglalaman nung damit at sapatos na binigay nung lalaking makapal ang libag, at 'yung isa naman ay naglalaman ng dalawang jacket ni Dylan na pinahiram nya saakin. "Bukas maisosoli na rin kita, kaya naman ito na ang huli nating pagsasama dito sa kwarto ko." Natatawa kong sabi, pagtapos non nagpalit na ako ng damit atsaka ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomanceIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...