Hell's POV:
Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway, hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magiging girlfriend ko ang amazona na babaeng yun, well masaya din ako kasi nandito na din si Dylan, kung baga ngayon buo na naman ang TUX4 at hinding hindi na kami magkakahiwahiwalay pa. Habang naglalakad ako papunta sa private room hindi ko naiwasan na mapadaan sa classroom nila Yuri, sisilip naman sana ako para tignan kung nandoon ba sya pero bigla na lang ako napaatras ng may marinig akong naguusap.
"Sarah, Lavinia. May ipapakita ako sainyo." Sabi nung isang babae na ang pagkakaalam ko ay Minchi ang pangalan. Sinilip ko naman yun at tila ba nagulat sila sa mga napapanood nila.
"Ang lakas nang loob nya na paglaruan ang TUX4, pagkatapos ni Hell si Dylan naman ngayon at sino ang balak nyang isunod si Isiah at Jeremy, naiistress ako sa babae na yan, she's really a whore." Sabi naman nung Sarah. Agad naman akong pumasok sa loob ng room nila at tila ba nabigla sila sa pagpasok ko, agad naman na naitago ni Sarah ang cellphone na hawak nya sa likod nya. Seryoso kong tinignan yun, at para bang kinakabahan ako kung ano ba ang meron dun.
"Anong pinaguusapan nyo? Ah, hindi pala dapat ano ang tanong ko,dapat pala sino diba? Ngayon uulitin ko ang tanong sino ang pinaguusapan nyo?" Tanong ko naman sakanila. Hindi naman sila makasagot kaya naman lumapit ako at pilit kong kinuha ang cellphone na nasa likod nya. "Kung ayaw nyong sabihin, ako ang titingin." Sabi ko, nang makuha ko ang cellphone ay agad kong pinlay ang video. Nakita ko si Yuri kasama si Dylan, para bang naguusap sila, maya maya pa bigla nang tumayo si Yuri pero agad syang hinawakan ni Dylan at pinaupo muli, at nung humarap na ito. Agad na naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko ang sumunod na nangyari, agad kong naitapon ang cellphone. Napasigaw naman sila dahil sa takot, tahimik akong lumabas ng classroom at naglakad na papunta sa private room. Pagdating ko doon nandoon na si Isiah at Jeremy, napalingon naman ako sa upuan ni Dylan pero napansin ko na wala pa sya doon, nasuntok ko na lang ang mesa kaya naman napunta ang atensyon saakin ni Isiah at Jeremy.
"Hell, what's up? Mukang mainit ang ulo mo ha? Ano meron?" Sabi ni Jeremy saakin.
"Alam nyo ba kung nasaan si Dylan ngayon?" Sabi ko sakanila na tila ba pinipigilan ko ang galit ko.
"Ang alam ko lumabas sya e, may pupuntahan lang daw syang importante pero hanggang ngayon wala pa din sya. Kapansin pansin sakanya ngayon na napakaweird ng kinikilos nya, malayo sa Dylan na kilala natin mas worst sya ngayon." Sabi naman ni Isiah. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad na ako palabas. Hinabol naman ako nung dalawa. "Hell, may klase tayo wala na nga si Dylan hindi ka pa papasok? Baka naman makahalata ang teacher natin." Sabi pa ni Isiah.
Pero tila ba wala akong narinig at umalis na ako, tinawagan ko si Chief Torres, at pinahanda ko ang shooting galleria ng Aragon Empire. At nang makalabas ako ng eskwelahan ay agad ako na pumasok sa kotse ko at dumirecho sa pupuntahan ko, ang kapal nang muka nila na lokohin ako, ang kapal nang muka niya na paglaruan ang TUX4. Napasigaw naman ako sa loob ng kotse at tila ba nasuntok ko ang isa sa mga butler. Basta ang alam ko lang ngayon, galit na galit ako. Lalong lalo na sa ahas na si Dylan at sa malandi na babae na si Yuri.
--
Yuri's POV:
Kinahapunan sa Coffee Shop.
Tila ba napakalalim ng iniisip ko, at para bang lumilipad ang kaluluwa ko halos maguluhan ako sa mga kilos ni Dylan, ni hindi ko alam kung bakit kailangan nya gawin ang mga bagay na yon, naalala ko na naman bigla ang halik nya saakin sa may gym halos mapatili ako sa inis, bat ba kailangan na mangyari ang lahat ng to? Ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit ba parang nagbago na lang ng ganon si Dylan.
BINABASA MO ANG
When She Meets The Bad Boys (KN Fanfic) √
RomantikIsang dalagang simple lang ang buhay. Isang dalagang laki sa hirap ngunit natitiis ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung isang pangyayari ang makapagbago nang buhay nya? Paano kung sa pagpasok nya sa eskwelahan nang mga mayayaman mag...