chapter 11

7.5K 103 0
                                    

Naging maingay sa publiko ang mga pangalan nila kyle,lovie, xavier, at aika. Maging sa mga dyaryo at celebrity news naiintriga ang lahat. Umuwi si lovie sa kanyang condo. Hindi niya inaasahan na naroon ang kanyang tita.

Tita? Ano pong ginagawa niyo ditolovie

Gulat si lovie at parang galit na sumalubong sa loob ng condo unit ang kanyang tita.

Plaaaak!!

Biglang sinampal ng kanyang tita si lovie. Hindi niya alam ang dahilan kung anong dahilan.

Tita Ezmeralda, whats wrong? Ano pong ginawa ko? Nagsumbong ba si kyle sa inyo? You dont know the whole story tita, and im sorry.

Umiiyak na si lovie sa harapan ng kanyang tita.

You got me disappointed! Sinisira mo ang career mo jan sa chef na yan! Palagi na kayong magkasama! Di mo sinisipot mga photo shoots mo! Anong nangyayare sa yo... biglang kumalma ang kanyang tita at lumapit kay lovie.

Im sorry tita, niloko po kasi ako ni kyle, you know how much i love kyle di ba.

Biglang yinakap ni ezmeralda si lovie na umiiyak.

I know, hindi naman yun ang dahilan bakit ako nagalit sa iyo. Gusto kong umayos ka.. i mean habang bata ka pa, magfocus ka sa mga bagay na gusto mo. Kung mahal mo si xavier, eh di magpakasal kayo but not this time. Mag ipon kayo, make some investments for your future.

Nakangiting sabi ni ezmeralda. Hindi makapaniwala si lovie sa sinabi ng kanyang tita.

Thank you tita, promise susundin ko po kayo..—lovie

Youre welcome, anak. Gusto ko makita yang xavier na yan. Di mo naipapakilala..—ezme.

Sure po tita, iaarrange ko na po ang dinner.

Ill wait for that, siya sige aalis na ko, nasa labas na ang driver. Ill see you. —ezme.

Ingat po kayo tita.

Lovie Pov...

Napahawak ako sa pisngi. Napalakas yata sampal ni tita saken, kaya ako humarap sa salamin.  Napakasaya ko kasi may basbas na ang relasyon Namin ni xavier. Hinanap ko ang phone ko para matwagan ko si myloves.

3missed calls from xavier?

I dialed the phone to call him immediately, baka nag ala la siya kasi di ko siya natawagan agad pagkarating ko sa condo.

Ringin....

Hello, bat ngayon ka lang tumawag baby, nag alAla ako sayo, nasaan ka ba?—kinilig naman daw ako sa sinabi ni xavier.

Im sorry babe, dumaan kasi dito si tita... gusto ka niyang mameet. Ok lang ba sayo?

Oo naman, gusto mo ako nalang mag arrange? Ipagluluto ko kayo.—xavier parang neexcite ang boses.

S-sure, babe, saan ang venue?

Ako ng bahala, ill informed you later, di kita ipapahiya sa tita mo i promise..—xavier

Ok baby, ilove you..—lovie.

And i love you more baby—xavier.

Ok bye, magshoshower muna ako ha...

Sama ako babe...—xavier.

Puro ka kalokohan sige na bye na, ill text you later, ilove you.

Inend na ni lovie ang call. Nang mag beep ang kanyang cellphone sa isang text message.

From Kyle...

"Hey its me, im sorry.. pwede ba tayong magkita lovie? Please. Now 8pm at leftside restaurant. Ill wait for you.."

Naguluhan na naman ako. Bakit bumabalik nanaman si kyle, minahal ko siya noon, may natitira pa na mang pagmamahal pero kaibigan lang. Nagisip ako kung ipapaalam ko ba ito kay xavier, nagshower muna ako para makapag isip na muna.

Xavier's pov.

Kinakabahan yatA ako ngayon. Parang may mangyayari. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko ulit si lovie, pero hindi niya sinasagot, naisip kong baka di pa siya tapos mag shower. After 10min. Hindi ko na siya makontak.

Bakit kaya? Tsk! Lovie pakisagot naman para matahimik ako. Sabi ko sa sarili ko.

Naka ilang dial na ko pero cannot be reach pa rin siya.

1hour ago di parin siya makontak. Mga 8:30 na ng gabi. Kaya napagdesisyonan ko na na puntahan nalang siya sa unit niya. Mabilis akong nagdrive papunta doon, pero wala sa parking ang kotse niya. Lumala ang kaba sa dibdib ko. Nagdrive nalang ako para baka sakali nasa tabi tabi lang siya. Baka may binili.

Napa daan ako sa leftside restaurant nakita ko si kyle mula sa malayo. Kausap ang isang waiter.

Ano ginagawa ng lalaking ito dito.. bulong ko sa sarili ko.

Bigla kong nakita ang isang babae papala pit sakanya, hindi ko nakita ang muka pero pamilyar ang shape ng katawan niya. Ipinark ko sa gilid ang kotse ko, yung kita ko parin sila. Nakita kong naghalikan ang kanilang labi na tila may relasyon sila. After 10min. Umalis na ang babae.

Aika!?sabi ko .

Anong ginagawa niya? Bakit niya kasama at hinalikan si kyle? May relasyon ba sila? Nasaan si lovie ko.

End of chapter

Behind Closed Doors (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon