EMILIA's POV
"NATHALIA!!!!"
Napabangon ako.. Nakatulog pala ako. Ang samang panaginip.
"Ouch !" ang hapdi ng braso ko. Burn.? ibig sabihin.?
"mabuti at gising ka na." napalingon ako sa nagsalita.
Isang lalaking nakaitim. Nagflashback bigla ang lahat sa kin. Sya yun. Yung lalaking tumulong sakin.
Muli kong naamoy ang pamilyar na Rose Scent.
Ang bango at nakakagaan sa pakiramdam.
Lumingon lingon ako sa paligid. Nasa Gitna pala ako ng malawak na halamanan at nakahiga sa ibabaw ng mga bulaklak.
Gusto kong ngumiti at i appriciate ang paligid. Pero bakit nga ba ako nandito.?Maliwanag ang sikat ng araw. Nagliliparan ang ibat ibang paru paro. Parang hindi paru paro na parang paru paro. Ay ewan!
"Who are you? Where am I.?" Pinilit kong tumayo.
At yung lalaki naman ay nakaupo sa bato. Nakaharap sya sakin. Pero may 2 metro siguro ang layo nya.
Nakatingin lang sya sakin.
"Sir, i said Who are you?"
Okey, tumayo sya at naglakad palayo.
"Sir wait..! Nasaan ako? Si Nathalia nandito din ba sya? Niligtas mo rin ba sya? Nasaan sya? Gusto ko syang makita." pero diretso lang sya sa paglakad. Ako naman parang aso na nakabuntot sakanya habang tanong ng tanong.
Bingi ba sya? Baka nga? Ah baka maintindihan nya yung sign language.
pumwesto ako sa harap nya. Napatigil naman sya sa paglalakad. Okey, Go Emilia.Para akong tanga dito. Dinescribe ko ung itsura ni Nathalia. Mas mataas sya sakin. Maganda. Maputi. Kulay pula ang kulot kulot nyang buhok na hanggang balikat..
Pero kumunot ang noo nya. Mukhang hindi nya ako maintindihan. Kaya iniwan na nya ako
Buntong hininga. Malabo yatang kausap to.
Muli akong tumingin tingin sa paligid. Maganda ang lugar. Paradise yun ang tamang description dito. May natatanaw pa akong bundok sa malayo. Pero parang may mali.? Ano yun? Tiningnan kong mabuti? Kinurap kurap ko pa ang mata ko?
Habang lumalapit sya lalong pumapangit. Yung itsura nya mukhang dragon na mukhang alien na parang Zombie.
Waaaahhhhh!!! Daddy !!!!
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng halimaw na ganito. Kahit sa internet hindi pa ako nakakakita nito. At ang malala pa buhay sya at papalapit na sakin. Matinding kaba at takot ang gumapang sa katatawan ko. Pakiramdam ko naninigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto kong tumakbo. Malapit na sya. Pero bakit nakatitig lang ako sa kanya?
Umungol ng napakalakas ang Pangit na halimaw na to. Nagpagaspas ng todo lakas yung mga pakpak nya na may tinik tinik. Binuka nya ang malaki nyang bibig. Kitang kita ko ang mapula nyang ngipin dahil sa dugo. Tumulo pa kasi kasabay ng laway nya. at isa lang ang sigurado ko. Gusto nya akong kainin.
Konti nalang malapit na sakin ang matutulis nyang kuko na patusok pa.
"aaaahhhhhhhhhhhhhhhhh" iligtas mo ko. Tulungan mo ko.
Biglang umilaw ng napakaliwanag. Napapikit ako. Narinig kong malakas na ungol ng halimaw na parang nasasaktan sya at natatakot. Palakas ng palakas. Ang sakit sa tenga. Pagkatapos ay isang malakas na pagsabog ang narinig ko.
Naalala ko yung pagsabog sa bar kagabi. Nathalia. Napadilat ako. Pagbangon ko nakatayo yung lalaking yun sa paanan ko. Nakatalikod sya sakin. At wala na yung Monster, nakita kong naging abo at tinangay ng hangin.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...