EMILIA's POV
"Mabuti at gising ka na."
Dahan dahan akong bumangon. Ang sakit ng ulo ko. At hinang hina ako. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa bahay ako at sa tingin ko isa lang itong kubo. May matandang babae ang lumapit sakin.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Namiss ko bigla si Mommy Ai. Ganito sya tuwing may sakit ako. "Mabuti nalang at nakita ka ng anak ko sa may talon. Sinagip ka nya pati narin itong kasama mo."
Napatingin ako sa direksyon na tiningnan nya. Nakahinga ako ng maluwag ng Makita ko si Seo, nakahiga sya sa kabilang higaan at wala paring malay.
"Salamat po sa inyo, nahulog po kami mula doon sa taas, at sa tubig po kami bumagkas." Sagot ko habang nakapikit. Medyo masakit parin ang ulo at katawan ko.
"Ganon ba? Mas mabuti yatang magpahinga ka muna, tutal hindi parin naman nagigising itong kasama mo.."
Tumayo na sya at inilapag sa maliit na lamesa sa tabi ko ang isang basong tubig. Pagtalikod nya ay nakatulog na ulit ako.
***************************
"Ina, tingnan mo to.." narinig kong sabi ng isang boses bata
"Mob..." sagot naman ng isa na sa tingin ko ay yung kanyang Mama.
"Nakuha ba nya yan kanina kaya sya nawalan ng malay Ina?"
"Sa tingin ko anak, nakuha na nya ito kanina bago pa sila mapunta dito."
"Kung ganon, inatake sila ng mga Sixin?"
"Ganon na nga siguro anak."
"Excuse me? Ano pong pinag uusapan nyo?" di na ako nakatiis, bumangon na ako. Magaan na ang pakiramdam ko hindi tulad kanina.
"Halika tingnan mo to." Inalalayan ako ng ale para makatayo at makalapit kay Seo.
"Ano po yan?" May maliit na pantal si Seo sa kanang leeg nya malapit sa tenga. Kulay green iyon at may kulay itim na nakapaikot.
"Isa yang Mob.." sagot ng matanda.
"A-ano pong mob?"
"Umamin ka sakin, sinalakay ba kayo ng mga Sixin kanina? Ang mob ay isang lason na karaniwang inilalagay ng mga sixin sa mga matutulis na bagay. Pwedeng tumama ito sakanya kanina."
"Arrggghhhh....!" Nagulat ako nung sumigaw ng malakas si Seo at kahit nakapikit sya, namilipiti sya sa sakit at napansin ko ang buo buong pawis sa noo nya. Nang hawakan ko sya,sobrang lamig ng braso nya.
"Seo.." HInigpitan ko ang hawak sa braso nya pakiramdam ko nararamdaman ko rin yung sakit na tiniis nya.
"Hindi maganda to, kumakalat na ang lason sa buong katawan nya. Kapag hindi nya ito nailabas mamamatay sya." Mamamatay sya? Hindi pwede yun.
Muli syang namilipit sa sakit. At paminsan minsan naririnig ko syang umuungol ng mahina. At kapag napapasigaw sya sa sakit, kumakapit ako sa kamay nya para maramdaman nyang naroon ako.
Bakit kasi wala akong magawa, pinapanood ko lang sya. BAkit kasi mortal lang ako at hindi ko sya kayang tulungan. Napapaiyak nalang ako sa katotohanang mahina talaga ako.
Hindi kaya,
Napadilat ako ng biglang may yumakap sakin. Si Seo, niyakap nya ako ng mahigpit. Bakit? Bakit nya ginawa yun?
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
РазноеUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...