CHAPTER 18

18 0 0
                                    

EMILIA's POV

"Napakasama mo talaga noh?" sabay irap ko sakanya. Pinilit nya akong umalis at iwan ang kaibigan nya habang hindi makagalaw dun sa daan. Sigurado akong may hocus pocus syang ginawa kaya naparalize si Mao.

"Sinabi kong wag kang pansinin pero sumuway sya."

"So, kasalanan ko kasi pinansin ko sya?"

"Ikaw may sabi nyan."

"Pero yun ang gusto mong sabihin."

"Tss!"

Ibang klase talaga tong taong to. Sabagay di nga pala ulit sya tao.

"Hindi kana talaga natatakot sakin ha? gusto mo gawin kitang Laestrigon?" pero walang halong pananakot ang tono nya.

"Ayoko! mas gusto kong maging Nymph. Ang gaganda kasi nila eh." seryoso ako dun. Ang ganda talaga nung isang Nymph na nakita ko. Napakasarap pang pakinggan ng boses nya.

Napatingin ako sakanya nang bigla syang tumawa. Baliw lang? Bipolar pa.

"Tara! may ipapakita ako sayo.!"

Bigla nyang hinatak ang kamay ko. At namalayan ko nalang nasa harap na kami ng isang mataas na Gate. Sa sobrang taas nya hindi ko matanaw ang dulo. Sa magkabila namang gilid nito ay may nakatayong estatwa. Mukha silang Greek God dahil sa style ng buhok at damit nila.

"Anong lugar ba to?" Mukha rin syang gate ng isang haunted house. Naisip ko bigla kung dito sa Annwn ay uso ang mga multo.

May binanggit nanamang spell si Seo. Mga salitang hindi ko maintindihan. Tapos bumukas ng kusa yung gate. Nakakatakot ang tunog nya. Alam nyo yung gate na bumubukas sa mga horror movie? Ganon sya ka creepy.

"Tara!" napakagentleman nya talaga. Ni hindi nya ako hinintay. Agad naman akong tumakbo para sumunod.

Nakakatakot. Para kaming nasa loob ng isang green house. Pero mga lantang puno at halaman ang nasa loob. Napayakap ako sa sarili ko. Still,ang dami ko paring nadidiscover na lugar dito.

"Ano bang lugar to? Bakit mo ba ako dinala dito. Isusumbong talaga kita kay Leader.!" reklamo ko habang nakasunod naman ako sakanya. Puro patay na halaman parin ang nakikita ko. At kapag tumingala naman ay asul na kalangitan. Pero ang nakakapagtaka medyo madilim dito sa loob. Maaliwalas ang kalangitan pero walang sinag ng araw ang pumapasok sa lugar na to. Siguro yun ang dahilan kaya nalalanta na sila. Kawawa naman.

Pero as usual wala akong nakuhang sagot sakanya.

Huminto sya sa harap ng isang makapal na baging at dahon na nakasabit na parang kurtina.

"Pumasok ka" namamalikmata ba ako? Nakangiti sya. Hindi ko alam kung dapat ako magtiwala sa mga ngiti na yun.

"Ah.. anong meron dyan?"

"pumasok ka nalang."

"Ayoko! baka kung anong meron dyan." baka gumaganti na sya sakin. Kumunot naman ang noo nya.

""Kailangan ba talaga lagi kitang pinipilit?"

"Eh bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"

"Bakit ba hindi ka nalang sumunod sa sinabi ko.?" bipolar talaga nito. May mood swing din.

"Tss! okey! fine! mauna ka.!" nakapameywang kong sabi.

"Kung ayaw mo, umalis na tayo!" humakbang na sya pabalik sa pinanggalingan namin.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon